CHAPTER TWENTY SIX

Start from the beginning
                                    

Hindi ko siya pinansin hanggang makarating kami sa parking lot.

Tahimik lang naman siya habang nakasunod sa akin, mabuti naman, 'cause I don't know what am I supposed to do to him.

"Shein your phone's ringing."

Bumalik ang lutang kong kaluluwa dahil sa sinabi niya.

Hindi ko narinig na may tumatawag pala, masyado akong nalulunod sa mga pumapasok sa isip ko.

"Hello, Clayd?" Agad na sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

Napatingin naman ako kay Ice na seryosong nakatingin lang sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Shein, where are you? Kanina ka pa namin tenetext. Kanina pa kami naghihintay dito, sabi mo may kukunin ka lang saglit." It was Zelyanna who answered.

"Sorry, something happened, pauwi na nga ako ngayon." Sagot ko naman.

"Eh? What happened? Hintayin mo nalang kami, pupuntahan ka namin." Sagot niya naman agad.

"Nah it's okay, tapusin niyo nalang yan, sa baha—" napatingin naman ako kay Ice at napatigil ng maalala kong may kasama pala ako.

"... I mean, sige na. Ibababa ko na to. See you. Bye." Hindi ko na hinayaang makapag salita si Zel at ibinaba na ang cellphone ko.

Ipinasok ko ulit ito sa bag at humarap kay Ice.

"You should go to your 'friends'. Uuwi na ko." Sabi ko sa kaniya.

"Nah, I'll go home too. Let's go."

Di naman ako nakasagot dahil nagsimulang maglakad siya patungo sa sasakyan niyang nakapark pala sa tabi ng sasakyan ko.

"I'll be right behind you. Drive safely. See you tomorrow." Sabi niya bago pumasok sa sasakyan niya.

Napailing nalang ako at pumasok na rin sa sasakyan ko.

Gaya ng sabi niya nakasunod lang siya sakin. And when we were at the intersection road. I heard him beeped and drove to the other side.

Napailing nalang naman ako at ibinalik ang tingin sa high way.

Nang makarating ako sa bahay ay ipinapasok ko sa guard ang sasakyan ko sa garahe habang ako naman ay dumeretso sa kwarto ko.

It's already four in the afternoon at subrang kulimlim ng paligid. Sana hindi abutan ng ulan sina Zel.

Ten minutes before five ng umulan at kasabay ng pagdating ng tatlo sa bahay. I was just watching tv at the living room when they enter.

"Bakit ka umuwi agad, anong nakalimutan mo, bakit hindi ka sumunod, sabi mo di Ka lang mag tatagal, tapos kanina ka pa namin tenetext hindi ka naman nag rereply. Shein?" Sunod sunod na sabi ni Zel.

"Tumigil ka nga, sumakit yung tiyan ko... Si Joellen nga pala?" Sabi ko naman sa kanila.

Tsk. Nagsinungaling pa ko na sumakit ang tiyan ko para lang matigil to sa kakatanong.

"Your classmate was with her." Clayd answered.

"Who?" Tanong ko naman habang nangunot pa ang noo ko.

"Alexus yata yon." Sabi naman ni Blake.

Tumango-tango nalang ako then look back again at the tv.

"By the way, tungkol saan yung announcement?" I suddenly asked ng maalala ko ang tungkol doon.

"Ahh, it's about the founding anniversary of Reinarchleitte University." Sagot naman ni Zel.

"It will be next week, right?" Tanong niya kay Clayd.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now