2

8 2 0
                                    


Unti unti kong naramdaman ang pag bigat ng pakiramdam ko ngunit agad ko itong itinago sa pamamagitan ng pag ngiti.

"15 years akong nanirahan sa bahay ampunan. Doon ko na ipinagpatuloy at tinapos ang pag aaral ko. Hanggang sa eto, napag desisyunan kong umalis na at mag trabaho sa maynila. Pero may plano rin naman akong bumalik, kapag nakaipon na ako."

"I'm sorry. Sana hindi nalang ako nagtanong." sabi ni sir Kevin. Nang tignan ko siya ay nakita ko agad ang konsensya sa kanyang mukha na hindi naman dapat niya madama.

"Nako okay lang. Masaya nga ako e, kasi sa wakas may napagkwentuhan na rin ako ng mga ganoong pangyayari sa buhay ko." Matapos ko iyong sabihin ay wala na ulit nagsalita. Para bang naging awkward kaming lahat matapos kong ikwento ang aking nakaraan.

"So ayun, hahaha ang sarap ng ulam. D-diba Gwen, masarap?" pagputol ni Hydee sa katahimikan. Agad naman akong sumang ayon sa kanyang sinabi.

"Oo nagustuhan ko yung mga pagkain. Lalong lalo na yung buttered shrimp." ani ko.

Matapos kumain at kaunting daldalan ay nagpaalam na kami ni Hydee sa kanilang magkapatid. 11:00 pm na ng gabi, hindi namin namalayang dalawang oras na pala kaming nandito ni Hydee.

"Gabi na, may masasakyan pa ba kayo? E kung ihatid mo nalang kaya sila Ken? Hindi ba aalis ka rin naman dahil nagpapasundo sa iyo si Kianna papunta dito?" Nagkatitigan kami ni sir Kenneth matapos marinig ang sinabi ni sir Kevin. Mukhang hindi ito sang ayon sa sinabi ng kanyang kapatid.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lamang kay sir Kevin. "H-hindi na. May masasakyan pa naman siguro kami ni--"

"Gabi na sis, mahihirapan tayong humanap ng masasakyan niyan." Natigil ako sa pagsasalita nang sumabat si Hydee. Akin ko siyang pinanlakihan ng mata upang suwayin ngunit para lang itong batang hindi sumunod sa akin. "Sure ba ka talaga?" pag ulit niya pa.

"Gwen I think it's better if you just let Kenneth give you a ride home. Tama naman kasi si Hydee, mahirap na humanap ng masasakyan pauwi sa ganitong oras." wika ni sir Kevin. Napabuntong hininga na lamang ako bago marahang tumango. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi pa ako ulit sa kanila, baka isipin pa nilang ayaw ko sa kanila.

"Yey, tara na uwi na tayo!" rinig kong sabi ni Hydee matapos ko pumayag.

Tahimik lang kami sa byahe. Pareho kaming nasa backseat ni Hydee at kasalukuyan siyang nakasandal sa akin ngayon habang mahimbing na ang tulog. Si sir Kenneth naman ay wala ring imik buong byahe. Paminsan minsan ay nagkakahulihan kaming nagsusulyapan sa isa't isa sa rear mirror ngunit agad ding mag iiwasan ng tingin. Weird. Hindi lang ako, hindi lang siya. Pareho kaming dalawa.

Ewan ko rin e. Mas magaan ang loob ko at mas komportable ako kay sir Kevin kaysa sa kapatid niyang si sir Kenneth. Siguro dahil sa hindi pa kami nito nagkakausap at medyo.. hindi lang medyo e, masungit talaga siya.

"I will appreciate it if you stop staring at me because it makes me feel uncomfortable while driving." Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso ang narinig. Agad akong tumingin sa may bintana upang umiwas ng tingin. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinitignan.

"I-Im sorry sir Kevin. I didn't mean to make you feel uncomfortable." Hindi ako sure kung narinig niya ako, halos pabulong ko nalang kasi iyong sinabi dahil sa kahihiyan at sigurado akong pulang pula ang mukha ko ngayon.

Marahas lang itong suminghap at hindi na nagsalita.

"Malapit na ba?"

"Oo. Ayan diyan lang sa may kanto." turo ko at hininto naman ni sir Kenneth ang kotse sa tapat ng paupahan na tinitirahan namin. Nilingon ko si Hydee at mahina itong niyugyog upang gisingin dahil mahimbing pa rin ang tulog nito.

Captured By WavesWhere stories live. Discover now