5

12 1 0
                                    

Nag start na ang party nang wala man lang si sir Kevin sa tabi ko. Akala ko ba ay partner niya ako? Bat nakaupo akong mag isa dito ngayon kasama si sir Kenneth at Celene? Pinagtitinginan na siguro ako ng mga tao, nakakahiya.

"I would like to call ma'am Karla's eldest son, sir Kevin Asuncion, to give his message to his one and only mom. Please come here to the stage." Lahat ng guests ay nagtinginan sa direksyon ng table namin. Tumayo si sir Kenneth at tumingin sa paligid upang hanapin si sir Kevin. He was about to call him nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal non si sir Kevin.

Lumapit ito kay ma'am Karla at niyakap na parang wala lang nangyari. Kinuha niya ang mikropono sa host at humarap sa mga tao. "First, I would like to thank all of you for coming. And next, I would also like to say thank you to my mom for giving birth to us, me, Kenneth, and Kianna. Thank you for not giving up and for being our mother and father..." Marami pa itong sinabi at nang matapos ay si sir Kenneth naman ang pumunta sa stage upang magsalita.

Nagkatitigan kaming dalawa ni sir Kevin matapos niyang ibigay ang mikroponong hawak sa kanyang kapatid. Tumingin siya sa may pintuan, pagkatapos ay sa akin. Nagdadalawang isip siguro kung aalis o uupo sa aking tabi.

Bumuntong hininga ito at naglakad na papalapit sa akin. Umupo siya sa aking tabi at walang imik na pinapanood lang ang kanyang kapatid.

"Where's the restroom?" tanong ni ma'am Celene sa isang waiter. Nang maituro nito ay tumayo na siya patungo doon. Kaming dalawa na lamang ni sir Kevin ang naiwan ngayon dito.

"Sir Kevin alam kong may hindi tayo pagkakaintindihan kanina, gusto kong maayos iyon at sana naman ay ganoon ka rin. Pero paano naman tayo magiging okay kung hindi mo ko kakausapin?" Suminghap ito bago lumingon sa akin.

"I'm sorry for acting stupid. Hindi ko lang talaga alam kung paano makikipag usap sa iyo matapos kong magalit sa iyo kanina. Don't worry I'm not mad anymore, nahihiya lang talaga akong kausapin ka."

"I'm sorry too. By the way, napaka gwapo niyo po ngayon." Nakita ko ang gulat sa mukha ni sir Kevin. Nanlaki ang mata ko nang unti unting mamula ang kanyang mukha. Nako may mali ata sa aking nasabi! Ang sabi kasi ni Hydee sabihin ko daw iyon. "S-sorry sir Kevin--"

"Thank you. And also.. Are you aware that you're the most beautiful guest here?" Umawang ang labi ko sa narinig. "You're beautiful Gwen. Very very beautiful."

Matapos iyon maya maya lang ay nagkainan na. May buffet doon para sa mga guest pero ang mga tao na nasa VIP tables gaya namin ay hindi na kailangang pumila dahil may mga kusa ng nag se-serve sa amin na waiters.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako kila sir Kevin na pupuntahan lang saglit ang table nila Agatha kung saan sila magkakasama. Napapansin ko kasing parang malungkot at ayaw kumain ni Hydee.

"May problema ba? Bakit parang matamlay ka?" tanong ko kay Hydee.

"E pano nagseselos. Iba daw ang partner ni sir Kenneth." natatawang sabi ni June na nasa tabi ni Hydee. Agad naman siyang pinalo nito.

"Kung alam ko lang na karibal ko pala yung babaeng yon kay sir Kenneth edi sana hindi nalang ako nagpapicture sa kanya." nakasimangot na sabi ni Hydee na amin namang ikinatawa. "Wag niyo ko tawanan ha. Alam niyo bang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung anong pakulo ni sir Kenneth kapag inalok na niya ako maging partner? Ginandahan ko pa ang make up ko ngayon para ako lang ang maganda sa mga mata niya tapos ganito lang pala ang mangyayari."

"Nandito naman si June e, siya nalang ang partner mo Hydee." sabi ni Alexis.

"Tanga mas okay pa sa aking wala nalang partner kaysa sa maging partner yan." sambit ni Hydee.

Captured By WavesWhere stories live. Discover now