16

8 0 0
                                    

Three days had passed, and a lot of things had already happened. Nakalipat na kami ng tirahan, nandito na kami kila Martin at may mga sari-sarili kaming kwarto dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung sino ang suspect sa pagnanakaw ng mga gamit ng katrabaho namin, humingi na ng tulong si sir Kevin at may nag i-interview na rin sa amin.

"Ayoko na! Ayoko na magtrabaho, ayoko na rin mabuhay! Bakit ba kasi hindi na nagpapakita sa akin ang bebe ko?! Miss na miss ko na si sir Kenneeetthhh!!!" sigaw ni Hydee pagkasalampak sa may sofa. Kauuwi lang namin galing trabaho.

"Hay nako Hydee! Si sir Kenneth lang ba talaga ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ka? Puro ka nalang sir Kenneth, sir Kenneth, nakakasawa na!" Umupo sa tabi ni Hydee si June matapos mag salita. Update nga pala, bati na itong dalawa, pero mukhang magiging magka away na naman ngayon.

"Ano bang pake mo? Kung nagsasawa ka na sa kaka-sir Kenneth ko edi tapalan mo iyang tenga mo! Saka oo, tama ka! Si sir Kenneth lang ang dahilan ng pagtatrabaho ko sa karolyn kaya kapag talagang hindi pa rin siya lumitaw ay mababaliw na ako!" iritadong kinuha ni Hydee ang bag niya bago umakyat. Inunahan pa nga ako nito sa pag akyat at dali daling umalis, bad mood na talaga to.

Pati sa pagsasarado ng pinto, alam mo na agad na masama ang loob nito dahil padabog ba naman iyong isinara. Malamang ay miss na miss na niya si sir Ken, pano ba naman kasi ay ilang araw ng hindi nagpupunta ng karolyn si sir. Yung last na kita pa namin sa kanya ay noong anniversary ng karolyn. Ano na kayang nangyari doon?

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad ko ng nilabas ang mga gamit ko sa aking bag. Kasama na ang aking cellphone, pitaka, at marami pang iba. Napatingin ako sa larawan na nasa loob ng aking pitaka, medyo nalukot na iyon dahil naiipit pag nalalagyan ng pera. Pero kahit gaano pa yon kalukot ay hinding hindi ko pa rin iyon itatapon, napaka halaga kasi nun sa akin.

Iyun yung larawan namin nila nanay Ling, Alexis, Riza, at Hannah. Birthday ko nung time na ito, 18th birthday ko. Kung sa iba ay may mga engrandeng handaan o kaya mga bonggang kaganapan tuwing debut ay ang akin ay normal lang. Sa totoo lang ay natutuwa ako tuwing nakakakita ng mga party tuwing may nag dedebut. Tuwing ngang naiimbitahan ako ng mga kaibigan ko sa mga ganoon ay talagang hindi ako papayag na hindi makadalo. Kaso nga lang ay iba ang sitwasyon ko, hindi ako mayaman para sa ganoong mga engrandeng kaganapan kaya hindi na rin ako nag hangad.

Ineexpect ko na talagang normal lang ang kaarawan ko na iyon pero ayon, sinurpresa ako nila nanay ng cake, natuwa nga ako ng sobra doon ay may mga letters pa sila sa akin. Nag papicture rin kaming lima nun at iyon ang larawang hawak ko ngayon. May hawak hawak pa akong cake dito at napaka ganda ng ngiti ko. Sila ang inspirasyon ko, at nais ko ulit makangiti ng ganito kaganda pagbalik ko doon sa probinsya.

Tahimik lang ako pero talagang miss na miss ko na itong mga to. Naluluha na naman nga ako ngayon, tulad ng dati kapag tinitignan ko itong larawan. Hindi ko kasi sila makontak, medyo matagal na, nag iba na ata ng number si nanay Ling.

"Gwendolyn.." Napalingon ako nang may marinig na boses, pamilyar na sa akin yon kaya gaya ng inaasahan kong mukha ang nakita ko sa may bukas na pintuan. Lumapit siya sa akin at humintong nakatayo sa aking gilid.

"May problema ba?" wika ni Martin sabay patong ng kamay sa aking balikat. Nakakahiya, nakita niya pa akong lumuluha. Dali dali tuloy akong nagpunas ng mukha.

"W-wala naman, medyo nalulungkot lang ako." tapat na sagot ko. Pumwesto siya sa aking tabi at tinitigan ako. Halata sa kanyang mga mata ang pag aalala, ganoon din sa kangang ekspresyon.

"Bakit? May problema ba? Anong nangyari?"

Mabilis akong umiling. "Namimiss ko na kasi sila." sagot ko sabay tingin sa larawang hawak ko. "Namimiss ko na yung dating kinalakihan ko." pag amin ko. Buong akala ko talaga kasi ay magiging okay lang ako pero mali ako. Pilitin ko mang magmukhang masaya, paulit ulitin ko man silang kalimutan upang hindi na malungkot ay nabibigo pa rin ako. Gabi gabi, araw araw, walang oras na hindi ko sila naalala at namiss. Nag bu-busy busyhan lang ako pero sa totoo lang ay gusto ko na silang makausap at makasama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Captured By WavesWhere stories live. Discover now