ICSYD #42 - Found Evidence

242 13 0
                                    

Rhiona

Isang araw simula ng lumisan ako sa lugar na iyon at napagdesisyunan na bumalik sa pinanggalingan ko, hindi  mabura sa isip ko ang nangyari sa akin sa paaralan na yun kung paano ako pinagtabuyan ng mga estudyante doon. Hindi ko alam kung paano ko ulit kahaharapin ang pagsubok na ibinigay sa akin, kung paano ko ulit ito palalampain katulad ng ginawa ko nung nakaraan. 

Ang naging solusyon ko non ay ang lumayo, magpakalayo sa lugar na ito kaso hindi ko inakala na darating din ang panahon na babalik ako dito. Sa ngayon mas nakahanap ako ng payapa dito sa dati kong lugar. 

"A-apo" tawag ni Lola sa akin, hindi ko rin inakala na aabutan ko pa si Lola, kaso nga lang ay naging bedridden na ito. 

"La, andito na po yung pagkain niyo" sabi ko habang bitbit ko yung pagkain niya, nakaangat naman yung higaan niya ng sakto lang para makakain at umupo ako sa tabi niya habang nakalagay sa maliit na mesa iyong pagkain niya at sinubuan si Lola. 

"A-po... buti n-nalang nai-isipan mong u-umuwi pa d-dito" wika ni Lola 

"Syempre naman po La balak ko talagang dalawin ka " wika ko sa kanya

"B-buong ak-kala ko talaga di na ki-kita makikita" wika ni Lola

"Bakit naman La?" ako

" Alam mo na may taning na yung Lola mo" wika niya, parang naman may tumusok sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon.

" La, wag mong sabihin iyan okay? Ang importante ay nakakasama ko parin po kayo-" di ko mapigilan ang mapaiyak, ewan masakit lang kasi pakinggan na yung mga mahahalagang tao sa buhay mo ay unting-unti kinukuha niya.

Bakit ba napakasuki ko sa kanya na mga problema? Bakit ako palagi yung nabibigyan?

"Tanggap ko na Apo, kaya ikaw... kung ano mang yang iniiwasan mo, huwag kang matakot na harapin ito Apo, hindi habang buhay ay palagi mo nalang ito tatakbuhan. Minsan ay kailangan natin maging matatag" pangaral ni Lola

Pinahid ko naman ang mga luha ko.

"Ano ka ba naman La, pinapaiyak mo ko" wika ko

"Pasensya na Apo, hindi ko lang talaga mapigilan, i-ikaw yung kauna-unahang apo ko, at napakaswerte ko dahil ang bait mong bata..." wika ni Lola

"Sige na po La, ililigpit ko lang po to, magpahinga po kayo" wika ko saka ko kinuha iyong plato niya sa mesa at dinala ito sa kusina.

Matapos ko itong mahugasan ay pumunta muna ako sa kwarto  pero bago pa ako makarating ay naagaw ng atensyon ko sa balita sa tv tungkol aa kasong nireresolba namin.

Pinakita mula sa tv ang naging shoot out at nakita ko mula doon si Nyx, kasunod ng ibinalita ay ginawang masama ang panig nila Nyx dahil sa sinabi nung dalaga na binaril na ang ebidensya na kinuha nila ay peke at minapula ito.

Kinuha ko na yung tuwalya ko upang magligo, habang nasa banyo ay hindi ako mapakali sa nangyari kina Nyx , nakakasiguro akong maaapektuhan nito ang trabaho niya.

After kung matapos ay bumalik ulit ako sa kwarto at naghanap ng maisusuot ko, napatigil naman ako ng may matamaan yung paa ko, at nng tingnan ko ito ay isa itong kahon na nakalock pa ang bukasan  nito.

Lumuhod naman ako upang kunin iyon at umupo sa malambot kong higaan at pinatong ko sa may kandungan ko.

"Nasan kaya ang susi nito?" tanong ko sa sarili ko saka ko hinanap kung saan-saan ngunit wala akong nakita.

Dibale na nga lang, may hairpin naman ako dito at alam ko kung paano mag lockpicking

Nagtagumpay ako sa ginawa kong pagbukas sa kahon na to gamit ang hairpin na ito. Agad ko naman ito binuksan at hinalungkat ang loob nito.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now