ICSYD #2- I see

587 40 11
                                    

Rhiona

Pagkatapos nung klase ko kanina ay dumiretso na ako sa pinagtatrabahuan ko, nagaapply ako bilang isang cashier sa isang restaurant at minsan ay pagiging waiter din kung kukulangin yung worker, sakto lang naman yung sahod ko dito, at nagustuhan ko naman yung mga kasama ko dito sa trabaho.

After nung mamatay si Papa, bumukod ako sa bahay iniwan ko doon ang mga kapatid ko kay Mama, kasi kung mananatili din naman ako don para lang akong hangin sa kanila, alam kong di ako kayang kausapin ni Mama dahil sa kung ano ako at sa pagkamatay ni Papa. Alam kong sinisisi niya sa akin ang pagkamatay nito kahit wala naman akong ginawa.

"Oh Rhia, andito ka na pala" sabi nung kasama ko na si Andy

"Bakit?" Tanong ko

"Andyan na kasi si Boss,saka mukhang madami tayong customer ngayon kaya be ready" ika nya

Nagsimula na yung trabaho ko at mukhang madami nga yung customer ngayon kaya dalawa kaming cashier ang on-duty ngayon.

"Okay po Ma'am, uulitin ko po yung order niyo isang serve po ng Cajun shrimp and chicken pasta, tapos isang serve ng sinigang na hipon at apat na regular iced tea?" Ako

Tumango naman yung customer,ibig sabihin tama yung mga sinabi ko nang umalis na yung babae ay agad naman sumunod yung nasa likuran, kaso bigla akong nagulat ng biglang bumalik yung babae kanina at hinawakan ako sa kamay

Bigla ako napapikit at may nakita akong isang scenaryo na sangkot ang babae na to.

"Miss, have you heard me?" Tanong nung babae

"Pardon?" Sabi ko, kita naman sa mukha niya ang pagkadismaya

"Sabi ko dagdagan mo nang isang order ng chicken buffalo wings, ititake out ko okay?"sabi niya

"Okay po Ma'am" sabi ko at nagpatuloy ang trabaho ko

That's what always happens when I touch someone. I see how they die. The only bad thing is that it's not concrete. I only see the scenario for about 10 seconds before it vanishes.

Napatingin ako sa babae kanina na humawak sa akin, maganda siya at makinis ang balat, kaso pagkatapos niyang kumain dito paglabas niya makakatagpo niya ang kanyang asawa na may kasamang iba sa kabilang restaurant dito, saka siya tumawid upang puntahan ito ngunit bigla itong nasagasaan ng truck at tumilapon.

Kahit ga'ano ka pa talaga kayaman o kaganda, magagawa ka paring lokohin ng isang tao. Its nature for a human to cheat but a choice too, they choose to cheat to meet their satisfaction that they don't met with their partners---in short! There were people's who don't know how to be contented. Hays! Buhay nga naman

Yun lang ang nakita ko sa babaeng yon, hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari, buong buhay ko nandito na tong sumpang ito, hindi ko alam kung paano ako nagkaganito, wala din akong magawa upang isalba ang buhay nila.

"Miss.. Miss!"

Nagulat naman ako sa biglang may tumapik sa balikat ko buti nalang di niya ako hinawakan, may customer pala ako sa harap.

"Pasensya na po, pakiulit nalang po ng order niyo" sabi ko, napatingin naman ako don sa lalaki na nakatingin sa taas ng menu.

"Yun lang?" Tanong ko

"Yes Mi--"

"Miss, pakidalian yung ititake out ko?"wika ulit nung babae,kakaorder niya lang eh. Atat ka te? Langya to.

"Ahh wait lang po Ma'am, aasikasuhin ko lang po" wika ko sak ko sila tinalikuran at pumunta doon sa mga kumukuha ng order

"Cindy, yung pinapatake out nung customer 43 hinahanap na"ako

"Wait lang andito na" wika ni Cindy

Bumalik naman agad ako sa pwesto ko, saka ko inulit yung order nung lalaki na nakatayo sa harap ko saka tinanggap yung bayad.

Nung makita ko yung babae na tinanggap na yung order niya, nakaramdam naman ako ng kaba at panginginig sa mga labi ko nung makita kong binuksan na niya yung pintuan

"Ahh Miss"

Napapikit naman ako dahil ayaw kong makita ang pangyayari na yun mismo sa harap ko

"Miss"

Mga ilang segundo lang ay may narinig akong malakas na salpukan at ang lakas ng sigaw ng mga tao dito

"Jusko!" Sigaw nung mga tao na nasa loob ng restaurant at nagsilabasan naman sila upang tingnan ang aksidente na iyon

Malungkot na tiningnan ko ang nangyari sa labas, nakita ko naman yung kasama ko na napatakip sa bibig niya at tulala rin.

Sadyang nakakatrauma ang magkaroon ng ganitong abilidad dahil buong gabi na naman akong kukulitin ng konsensya ko nito.

Pagkatapos ng trahedya na iyon ng dumating na ang ambulansya ay bumalik naman ang lahat sa dati nilang gawi at nagpatuloy din ang trabaho ko

Natapos ang gabi na sobrang lalim ng iniisip ko, paulit ulit sa isip ko ang nangyari kanina at binabalot ako ulit ng aking konsensya, kung pinigilan ko yung babae kanina? May magbabago ba?

Napatingin naman ako sa tumabi sa akin dito sa bench, nagiging maingat kasi ako sa mga taong nakakasalamuha ko, iniingatan ko ja di nila ako mahawakan, para narin sa ikakabuti ng isip ko yon.

"I'm sure nagulat ka sa nangyari kanina" tanong niya, ako bang kausap nito?

Naikompirma ko naman nung tumingin sya diretso sa mga mata ko kaya agad ko naman ito iniwas

"Oo syempre, sino ba namang di magugulat" ako

"It was tragic, napagalaman ko kanina na dahil pala yun sa asawa niya, nahuli niyang may kabit at nakita niya doon sa kabilang restaurant, siguro sa pagmamadali niya, di niya napansin yung paparating na truck kaya siya napuruhan" kwento niya

"What do you think, nagsisisi ba yung lalaki at yung kabit sa nangyari?" Tanong niya

Sasagot pa sana ako ng bigla syang tumayo at napatingin naman ako sa bus na dumating, agad sya pumasok doon at sumunod naman ako, magkatabi pa kami ng upuan kasi don sa pwesto niya lang may bakante

"Uhh, regarding sa tanong mo kanina, I'm sure na pinagsisihan nung lalaki yung ginawa niya, tapos katulad rin natin nasa in state of shock pa sya ngayon" wika ko

Pag kasi talaga yung konsensya nang tao yung nangingibabaw, hindi ka talaga titigilan nito, habang buhay kang binabagabag nito, at dahil sa abilidad kong ito, buong buhay ako ginugulo ng konsensya ko dahil sa mga nakikita ko at sa hindi pagtulong sa kanila upang mapigilan yung kamatayan nila.

Pero sabi nga nila di mo mapipigilan ang kamatayan ng isang tao, kapag oras mo na, talagang oras mo na.

Pero ang masaklap lang ay iyong pagkapatay ng Papa ko, alam kong may magagawa ako nun upang mailigtas ko sya ngunit nabigo ako, wala akong nagawa.

To be continued...

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now