ICSYD #31 - The Bet

225 13 0
                                    

Rhiona

I thought it first that my life is just nothing.

That I live in this world just to suffer for being me. But my perspective on life has changed since I started to meet him. He was the only one who could make me feel this magical feeling that was arousing inside of me. I never thought that one day in my life I would be able to fall in love with someone.

"Tapos ka na?" biglang tanong niya sa akin nung makita niya akong pinunasan ko iyong labi ko gamit ang tissue

"Oo" sagot ko naman

"Talagang nagutom ka nga no" wika niya sabay humalakhak 

" Eh ang dami natin nilaro eh sino bang hindi mapapagod, shunga ka ba?" wika ko, tila nagulat naman siya sa sinabi ko 

"Wow, tinawag mo ba akong shunga? nagiging komportable na sa akin?" tanong niya

"Ikaw yung una nagparamdam sa akin ng ganyan" ako, mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko, bahala siyang magisip

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, akala ko hindi niya itatanong ulit yon

"Ikaw yung unang naging komportable sa akin, hindi mo ba napapansin, nagagawa mong tumawa sa harap ko subalit kapag nasa harap naman tayo ng mga kaklase natin ang tahimik mo" wika ko 

"Ahh... Hahaha" hilaw na tawa niya, nahihiya yan? 

"Hindi ko rin alam kung bakit sayo ako komportable, hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko naman na marami yung gusto diyan na makausap ako o kaibiganin ako pero hindi ko sila ramdam" wika niya

"So kapag sa akin... ramdam mong makipagclose?" ako

Nakita kong umawang ng medyo yung mga labi niya, saka ko lang din napagtanto yung tinanong ko, nakakaawkward pala? Ano ba tong lumalabas sa bibig ko 

"Siguro ganon nga, nakikita ko kasing iba ka sa kanila. I am more drawn to someone who stands out from the crowd." wika niya sabay iniwas yung tingin niya sa akin

Nakakaramdam naman ako ng kakaiba mula sa tiyan ko, kasabay nun ang pag-init nung mga pisngi ko, ang galing din naman palang bumanat ng isang to ei. 

"Uh... anyways ano pala yung magiging bet natin?" biglang pagbukas ko sa topic na yon, ayaw ko nang pagusapan pa ang tungkol doon kasi baka di ko kayanin at tuluyan akong bumitaw. 

"Hmm.." siya habang hinintay ko naman yung sasabihin niya, nakita ko pang parang hindi siya mapakali at napalunok pa ito. 

" Hindi naman siguro ganon ka bigat yung magiging bet ko sayo, madali lang naman" paninigurado niya 

"Eh ano nga yon?" pangungulit ko din

"Be my date" 

Parang nageecho yung boses niya sa tenga ko, natulala ako ng ilang segundo sa sinabi niyang iyon, anu raw? 

"Look it's not like a date na ginagawa talaga ng magjowa" he try to explain " Birthday kasi ni Gio this friday at gusto niyang pumunta rin ako, at para di raw ako ma-out-of-place sa event niya ay kailangan ko daw magdala ng idedate ko" Lucien 

Ganon pala yon?

"So ako talaga yung pinili mo?" ako 

"Like what I said kanina, sayo lang ako komportable" wika niya

Shett! eto na naman oh nakakabaliw... 

"Oh okay" nahihiyang sabi ko 

"Okay lang naman kung ayaw mo pumunta iibahin ko---"

I Can See Your Death (Season 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant