ICSYD#22 - BLOWN OUT

321 14 0
                                    

Nyxus

Matapos yung trahedya na nangyari sa akin nung mga nakaraang araw ay malaya akong nakabalik muli sa trabaho. Napagusapan na din namin ni Rhia ang tungkol sa kasong iyon na parehong kinasasangkutan ng pamilya namin.I was looking forward to the mission that we're going to try to solve.

But I know it was not easy. Delikado ang sinama ko siya sa misyong ito, but she's a big help to me para makakalap ako ng ebidensya laban sa suspek na iyon and I would make sure that her safety was on my shoulder.

And one more thing, I didn't expect to see that woman alive, nasa isip ko na rin na pinatay rin siya nung mga killer na yon but to my surprise she survived. Ngayon napag-isipan ko na bisitahin ko siya sa tinitirhan niya na binigay ng department sa kanya upang manatili siyang ligtas sa mga naghahanap sa kanya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago niya binuksan iyong pintuan.

"Nyx" supresang sabi niya, agad siyang tumakbo palapit sa akin saka niya ako niyakap

"Shan" tawag ko sa kanya

"I'm sorry, I was overwhelmed to see you again" wika niya

"I am not here to tackle about nonsense thing. I want to ask you about the case that I've been trying to solved" diretsong sabi ko

"Nyx, please... Kahit ngayon lang, palayain mo muna yung isip ko sa trahedyang iyan" wika niya

"I don't want to waste time to solve this Shan... That's the only thing that I could give to her" wika ko, tinutukoy ko si Imogen.

Nakita ko siyang napalunok sa sinabi ko, malapit na magkaibigan sila ni Imogen kaya yung nangyari sa kaibigan niya ay alam kong pinagsisihan rin nya.

"Nyx, I'm so sorry for what happened to your sister, I failed to protect her" sabi niya

"It's okay, yung tanging solusyon na magagawa ko nalang para sa kanya ay ang mabigyan siya ng hustisya. Yun na lamang ang magiging paninindigan ko para sa kapatid ko. I hope I can get your participation in this case." Wika ko , habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya, yung mga mata niya na dati ay nabibighani ako.

Napakurap ako at pilit na iniisip muli kung ano ang pakay ko rito.

"Sure, I'd like to" sabi niya, sinimulan ko nama'ng  buksan iyong notebook ko kung saan ko nilalagay yung mga impormasyon na nakukuha ko.

Tinanong ko lang naman siya tungkol sa video na hinahanap nung mga kriminal, at ang sabi niya ay ang nagrecord mismo nung video na yun ay ang binatang lalaki na iyon, hindi niya kilala kong sino ito dahil nagkita lang sila mismo sa lugar na iyon at bigla siyang hinila nito palabas doon, upang tumakas ngunit ay nabigo sila.

"May narinig ka ba kung saan nila nakita ang katawan nung lalaki na yon?" Tanong ko kay Shan

"Wala silang sinabi, 'ni hindi rin daw sila yung mismong pumatay sa batang iyon at natagpuan lamng nila ito sa bangin" sabi ni Shan

Iniisip ko naman kung sino pa mismo ang magkakainterest sa sa video'ng iyon, ang mahirap lang din ay wala siyang ideya sa pagmumukha nung mga gumahasa kanila na kahit boses ay di nila narinig.

Kung may mahanap lang akong naiwang ebidensya ni Rylan Peralta ay mas mapapadali iyong pagkuha ko pa ng mga ibang ebidensya. Tumayo ako ngunit natigilan rin ng magsalita si Shanaia.

"Nyx... Eto lang ba ang dapat nating pag-usapan? Pa'ano yung tayo?"wika niya

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya, hindi ko aakalain na bubuksan niya mismo ang usapan na yon tungkol sa'min.

I Can See Your Death (Season 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin