ICSYD#25 - Cheater

251 17 0
                                    

Rhiona Points of View

"Your daughter experiencing a Panic disorder which means there is something triggered her that's why she lost her consciousness earlier and it was followed by a accelerated heart rate, it was so very dangerous at that time because it may led into heart attack" rinig kong sabi ng isang doctor, kung tama ako. 

Panic disorder? A nursing like me that supposed to be ay nagaalaga ng sakit? Ngayon ako pa yung nakahiga dito? 

"What are some intervention about it Doc, para di na maulit yung nangyari sa anak namin?" wika nung lalaki

Anak? I never heard that word for someone a long time ago and it was sound came from a man, the last time I heard that word is from my father. 

"It's not that, sobrang lala na nung Panic disorder ng anak mo, sa ngayon we don't need a counseling for her pero mamaya after niya magising there is someone will ask to assist and to know what makes her triggered, saka doon pa natin malalaman yung nararapat na intervention para sa anak mo" wika nung doctor

"Salamat po Doc" wika ulit nung lalaki

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan at tahimik na ulit ang paligid. 

"I never expected that this going to be happened... kung ano man ang pinnoproblema ng anak natin ay dapat na inaalam natin yun" wika nung lalaki

"Iisang bagay lang naman ang dahilan kung bakit naging ganyan yang babae na yan, kundi tungkol diyaan sa iniisip niya kakaibang abilidad niya, yan yung nakakapagtriggered sa kanya, ni minsan ay naisip na din niyan na magpakamatay kung di lang dahil sa binata na yon at nasagip ang buhay niya ay baka dati palang wala na yan dito"

"Hon!, hindi yan dapat ang lumalabas sa bibig mo. We as parents should understand our children, isipin mo nalang na hindi lang ikaw yung nasaktan sa pagkawala ng asawa mo... may mga anak ka rin na nangungulila" 

Naiyukom ko iyong mga kamay ko dahil pinipilit kong pigilan yung sarili ko sa pag-iyak ayoko na nandito sila pag-gising ko. 

"Kung pag-aawayan naman natin ang tungkol dito, huwag muna lang tayo magusap" wika niya saka kasunod non ay ang pagsarado ng pinto. 

Akala ko sa ganito kong sitwasyon ay lalambot na iyong puso niya ngunit nagkamali parin ako. Ilang beses kong tinatanong to sa sarili ko kung ginusto ko ba to? ginusto ko ba yung sumpa na nandito sa akin? Bakit parang ang hirap sa kanya ang paniwalain na hindi ako nahihibang, na totoo tong mga nangyayari sa akin. 

"Gumising ka na wala na sila" wika nung pamilyar na boses, kaya naimulat ko iyong mga mata ko at tiningnan iyong lalaki na nagsalita kanina

"Matteo?" wika ko

"Nice, talaga palang totoo yung mga ganyan na sakit? It's not a joke?" sarkastikong tanong niya

Malay ko ba diba? Hindi ko naman alam na naging ganito ako. 

"Should I call your friends? Kanina pa sila nag-hihintay sa labas" wika niya, tumango lang naman ako saka siya lumabas dito sa kwarto. Maya't-maya lang ay nagsipasok yung tatlo. 

Lumapit naman sa akin si Megan saka niya ako binatukan, tangina masakit pa ulo ko!

"Para saan yon?!" galit ko na sabi 

"Gaga ka! Ba't di mo man lang sinabi namin na may trauma ka pala?!" wika niya

"Oo nga ei.. para sana naman kasi alam namin kung saan ka poprotektahan diba? sa mga bagay na nakakapagtriggered sa iyo" wika naman ni Ivory

"Eh kasi naman, masyado nang nasanay sa pagiging cold at walang paki sa sarili kaya ngayon ayann... napala mo" wika ni Megan

"Kaibigan mo naman kami Rhia eh, bukas ang aming mga tenga sa mga problema mo hindi lang to pang-chismis" wika naman ni Lei

I Can See Your Death (Season 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora