Chapter 3-Oh no!

71.3K 948 7
                                    


~Shayne~

"Nandito kalang pala, kong saan-saan ka namin hinanap. Dito ka lang pala namin makikita," My heart skipped a beat when Cheska and kim popped out of nowhere.

I checked on my wrist watch and realized its already 4:30 PM,Limang oras din pala ako nakatambay rito.

"Café tayo may bagong open ngayon. Love sama ka?" I wass about to refuse Kimberly's offer nang hatakin ako ni Cheska.

"Sure, and sasama rin si love sa atin," bored lang akong tumango, mas mabuti narin siguro ito at nang malimutan ko saglit ang lalaki na yon! But i know it'll take time to forget about him.

Pagdating namin sa sinasabi nitong café ay biglang gusto kong mag back-out nalang. Hindi pa nga kami nakaka pasok ay kitang-kita na nang dalawa kong mata ang kompolan nang tao na nag tatawanan. Ang mga faculty teachers namin. I can't help but to shed a tear while smiling, i really like seeing him smile even if its not for me.

"Oh... si Sir o! Andito din pala sila," napatingin ako kay Cheska, buti alam niya.

"Sorry girls, kayo nalang muna uuwi na talaga ako" Hindi ko na hinitay ang sagot nila at naglakad na ako pabalik sa school para kunin ang kotse ko. I just want to cuddle my bed right now, siya lang ang nakaka intindi sa akin.

****************

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ni Rex ang aso na dala-dala ni mommy kahapon.

"Baby girl!" muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat when someone hugged me from behind, akala ko kong sino siya lang pala.

"Gran-mere,'" i turned my back and hugged her, wala parin siyang pinag bago.

"Darling, you looked stress! And your eyes are swollen!" isa si Gran-mere' sa mga pinagsasabihan ko ng mga problema sa buhay lalong'lalo na tungkol kay Andrew simula pa nong highschool alam na niya ang tungkol kay Drew.

"Is this about him?" hawak-hawak niya ang dalawa kong pisngi, tumango lang ako. And for the hundred  time tumulo na naman ang mga luha ko...

"Shhh stop crying," gamit ang kamay nito ay pinahiran ni Gran-mere' ang mga luha ko, na patuloy parin sa pagtulo.

"Umalis ang dad at mom mo, may susunduin raw silang family friend tapos babalik din sila," Si Gran-mere', she is my lola siya rin ang nag palaki sa akin, actually sa France ako ipinanganak at lumaki.

But when I reach the age of six ay kailangan na naming bumalik sa Pilipinas para sa Family Business na pinamana ni Lolo kay Daddy.

"I'm tired Gran-mere'..." I said while wiping my tears away, nakakapagod na talaga.

"Okay darling," she kissed my forehead before I left her.

*************

Pagdating ko sa room ay pasalampak akong nahiga sa kama. Sabay nito ang pagtulo na naman nang mga luha ko.

Magdamag akong umiyak kagabi pero hindi parin na uubos ang mga luha ko, siguro bukas, makalawa dugo na ang tutulo sa mga mata ko.

Naka tingin lang ako sa ceiling, gusto kong iumpog ang ulo ko sa headboard nang kama para matauhan ako.

Halos tatlong oras na akong naka tingin sa ceiling pero hindi parin ako maka tulog, nakaka inis... bakit ba kasi mahal na mahal ko ang kumag nayun?!

/knock2x/

"Hija! Your mom and dad are here," tiningnan ko lang ang naka lock na pinto, wala akong gana bumaba at kung sino man ang kasama nila THE HELL I CARE?! P*ta ang sakit ng puso ko!

Just His WifeWhere stories live. Discover now