CHAPTER 10

12.4K 339 21
                                    

The months went by fast and it was vacation time again. Kasama niyang nagbebenta ang mga pinsan niya ng mga kakanin dahil wala naman silang magawa sa bahay.

Tinuruan sila ng tiyahin niyang magluto ng mga kakanin kaya kung minsan ay sila na ang nagluluto. Maraming may gusto ng bersyon niya ng biko kaya naman napapadalas na siya ang nagluluto. Sabi niya sa tiyahin na magsimula na rin magbenta ng mga naka-bilao na kakainin.

Excited na siyang mag-third year high school dahil ibig sabihin niyon, malapit na siyang makapagtapos ng pag-aaral.

Nakatunganga siya sa paninda nila nang may marinig siyang nagsalita.

"Pabili nga."

Tila nagising ang diwa niya nang marinig ang tinig na iyon. She looked up and saw Lake who was smiling down at her. Tila wala sa sariling ngumiti rin siya ng matamis.

It has been a year since he went away. Hindi sila nagsusulatan o nagtetextan. Hindi niya alam pero parang mas tumikas ang pangangatawan nito.

"Bibili ka ba talaga?" Tanong niya.

"Oo naman."

Kumuha siya ng isang slice at inilagay iyon sa supot. "Ako nagluto niyan." She extended her palm and asked for the payment. "Oy, business is business."

Lake chuckled as he handed out a one thousand peso bill. "O advance na bayad ko na rin sa lahat ng bibilhin ko pa sa iyo."

Masaya niyang itinago iyon at bumaling ulit rito. "Bakasyon niyo na rin?"

"Yup finally. I wanted to go home so badly."

Dumating ang mga pinsan niya at binati ng mga ito si Lake. Itinulak pa siya ni Ate Ava at mag-libot muna kasama si Lake.

Sabay silang naglakad habang busy itong kumakain ng biko.

"Kumusta naman ang college? Daming chicks?"

"Iyan talaga ang unang tanong mo sa akin?"

"Ano ba dapat?"

Umiling-iling ito. "College is good. Mas maraming estudyante. Marami ngang chicks."

Yumuko siya para itago ang pagkunot-noo niya. Lake lifted her face up before she can even hide her emotion.

"O tapos nagagalit ka."

"Hindi naman ah."

Mas binilisan niya ang paglakad palayo rito. Pakiramdam niya ang pula pula ng mukha niya.

"Relax. Hindi ko naman sila pinapansin." He caught up with her and walked beside her. "How's school?"

"Okay lang naman. Ganoon pa rin. Ako pa rin ang pinakamasipag."

"Ready ka na bang maging doktor?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Nag-iipon na nga ako ng singwenta kada araw kasi naniniwala ako na, a singkwenta a day, makes a doctor one day."

"Saan mo ba hinuhugot lahat ng energy mo sa katawan?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko. Sa pangarap ko yata. Gusto ko maging doktor, Marasigan. Pero mahirap lang kami kaya kailangang mag-doble hirap ako."

He tapped her shoulder. "I'm sure you'll make a great doctor one day." Tumikhim ito. "So, may nagpaparamdam ba sa iyo?"

"Multo, ganoon?"

"No! I meant kung may manliligaw ka na ba?"

"Hihintayin ko pa iyung irereto mo 'di ba?"

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon