CHAPTER 4

11.8K 288 18
                                    

"Miss Apolinario. Ngayon lang may naka-perfect ulit ng exam ko."

Napatigil siya nang harangin siya ng isang teacher nila. Teacher niya ito sa algebra.

"Magaling po kayo mag-turo Ma'am."

Tila nahihiya namang tumingin sa kanya ang guro. "Ang huli kong estudyante ay si Mr. Marasigan."

"Marasigan? Si Lake Marasigan po Ma'am?"

Tumango ito at may kinawayan sa likod niya. "Here he comes!"

"Hi Ma'am! Oh, hey Apolinario."

"Marasigan."

"You two know each other?"

"Yes."

"Hindi po."

Sabay nilang sagot. The teacher looked at them questionably.

"We are friends, Ma'am."

Pasimple niya itong siniko.

"That's good! I can't believe we have two achievers in our school! I haven't seen this in a long time."

Pilit siyang ngumiti. Nagpaalam na rin ito dahil may aasikasuhin daw. Tinulak niya ng bahagya si Lake para maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

"Feeling close ito."

"Close naman tayo ah."

Umiling siya bago naglakad palayo dahil uwian naman na.

"Ayaw mo bang makisabay ulit?"

"Hindi naman umuulan. Okay lang sa akin maglakad."

"Please?"

Napakamot siya sa ulo. "Ang kulit mo!"

"So, makikisakay ka na ba?" Nakangiti pa ring tanong nito.

"Ayoko." Naglakad na siya uli nang biglang buhatin siya nito. "Hoy, iyung underwear ko!"

Tumawa lamang ito hanggang maisakay na siya nito sa sasakyan. "Walang hiya ka talaga Marasigan!"

"Wow, I've never heard that before."

Napatingin siya sa bandang harap ng sasakyan. There sat a lady dressed in white. She smiled and looked at her.

"Hi, I'm Kelsey. I'm Lake's Mom. You are?"

Napatanga siya sa ginang. Napakaganda at elegante nito para sa kanya. Parang ang linis nito. Nahiya tuloy siya dahil pakiramdam niya ay nanlilimahid siya sa pawis. Parang naumid ang dila niya at napatanga na lang sa ginang.

"She's Lunariss Apolinario, Mom." singit ni Lake nang makasakay na ito sa tabi niya. "She's the one I've been telling you about."

"Oh. Okay. Tara na," sabi nito sa driver.

Sinamaan niya ng tingin si Lake. Nag-peace sign lang ito sa kanya habang ngiti-ngiti.

"So, anong year mo na, Lunariss?" tanong ng ginang.

"Uhm, first year po."

"That explains it. You look young. Kumusta naman ang school?"

"Okay naman po." Sometimes she wondered how's it like to have a mother by your side. Ganito siguro, iyung kinukumusta ka pagkatapos ng klase, o kung nakakain ba siya ng maayos, o kung nakatulog ba siya ng mabuti. Hindi siya tinatawagan ng nanay o tatay niya. Nagpapadala lamang ang mga ito sa tiyahin niya ng sustento niya.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon