CHAPTER 18

16K 374 13
                                    

Wala sa loob na sinubo ni Lunariss ang avocado toast niya. She has been receiving coffee in the clinic almost everyday.

Nagising lang siya nang pumitik si Marceline sa harap niya. Kanina pa pala nakatingin ito at si Tabi sa kanya.

"What?"

"Anong meron sa iyo Doc?" tanong ni Marceline.

"Tanungin mo si Tabi." Nakaingos na sabi niya.

Tumingin naman si Marceline dito. "Ano bang meron?"

Tabi raised her hands as if being arrested. "Doc, in my defense, it was my business. Hindi ako pwedeng mag-refuse ng service kung wala naman siyang ginagawang masama. And besides, mukhang masaya naman iyung ka-duty mo na nurses."

"What does that even mean? Nililigawan niya ba ako? I mean...he said he wants me back." Ayaw niyang mag-assume pero heto at nag-a-assume na siya.

Sinundot siya ni Tabi. "Oy...iniisip na nililigawan siya kahit hindi naman sinabing nililigawan siya..."

"Hindi naman niya ako kinakausap."

It was Marceline's time to poke her side. "Uy...hinahanap niya."

She rolled her eyes. "Ayoko lang nag-iisip ng hindi importanteng bagay."

"Wala daw siya sa club ngayon sabi ni Calhoun." Imporma ni Tabi sa kanya. "May emergency surgery ata."

Something tugged at her heart. As a doctor, masaya siya na inuna nito ang buhay ng isang tao kaysa ang manatili sa napakagandang lugar tulad ng Versailles Leisure Club. She started to read things about him and truthfully, she's amazed. He's one of the neurosurgeons in the country to look out for. Bukod sa pagiging doktor nito ay aktibo rin ito sa social media pero sa larangan pa rin ng medisina.

The articles say that he is single at the moment and rumored to be engaging in just short romances but it was never confirmed. Hindi mo nga iisipin na isa itong doktor sa mga litrato nito na pwedeng pumasang pang-modelo.

"Kidding aside, I think he is courting you."

Napatingin siya kay Marceline.

Tumango-tango naman si Tabi. "I think so too. Ikaw ba naman padalhan ng kape araw-araw. At alam niya ang paborito mo ha."

"Do I tell him to stop?"

"Ano ba Doc? Tinatanong pa ba iyon? Chance mo na para makabawi sa pagtataksil niya noon."

Binatukan si Tabi ng bahagya ni Marceline. "Seryoso ka ba diyan?"

Tumango si Tabi. "Bakit mahal mo pa ba?" Her eyes questioned her at parang naumid ang dila niya.

"H-Hindi na..."

"See?"

Umiling-iling si Marceline. "Hindi ako sang-ayon talaga diyan."

"Dapat unahin ni Doc ang sarili niya. A cheater will always be a cheater. Paano kung pinaglalaruan na naman niya si Doc? Paano kung tinitignan lang niya kung hibang pa siya sa kanya? O 'di kapag nagkataon kawawa nanaman si Doc?"

"Why not just say no? Stay away?"

"Pero ayaw mo ba makaganti kahit kaunti lang? Isipin mo kung paano ka niya niloko noon."

Bumangon ang galit sa dibdib niya. Kung paano siya nito niloko noon. Kung paano siya nag-mukhang tanga sa ospital noon. Kung gaano kabilis siyang kinalimutan at pinalitan noon.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon