Part 20

740 55 3
                                    

MUNTIK NANG mapatalon sa gulat si Ella nang madatnan si Jay sa apartment. Masaya itong nakikipagkuwentuhan kay Jessilyn na siyang umeestima dito.

"Nandiyan ka na pala. Ikaw nang bahala dito sa bisita mo," kaswal na sabi ni Jessilyn at tumayo na. "May lalakarin lang ako diyan sa kabilang kanto. Maiwan ko muna kayo."

Para gustong mag-panic ni Ella. Nasa munting terrace na si Jessilyn ay hinabol pa niya ito.

"Huwag kang aalis," halos napasasaklolong wika niya.

"He's the father, I wildly guess. Kailangan ninyong mag-usap that's why I'm giving you the privacy. I don't know him like I know Jaypee pero may kutob naman akong hindi siya masamang tao. Anyway, nandiyan lang ako sa tabi-tabi. Scream and I'll be right back." Bahagya siya nitong tinapik sa balikat. "Sana maging maayos na ang problema mo."

She smiled sadly nang makitang lumipat lang sa katabing apartment si Jessilyn. Nang pumihit siya papasok sa bahay, anumang ngiti ay pinalis niya sa mukha.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya kay Jay.

"Mabuti na lang at sinadya kong mag-taxi sa pagpunta dito," sa halip ay sagot nito. "I'm right with my guess that I'm not exactly welcome here."

Umarko ang kilay niya. "Ano ang inaasahan mo, ang salubungin ka ng yakap at halik?"

"Hindi ako tatanggi kung iyon nga ang ginawa mo."

Napasandal siya. She felt so frustrated na gusto na lang niyang mapaiyak. Subalit sinabi niya agad sa sarili na hindi niya dapat gawin iyon.

"All right," basag ni Jay. "Nagpunta ako dito dahil nag-aalala ako. You said something about damage. Gusto kong malinawan ang tungkol doon."

Tinitigan niya ito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin kay Jay ang tungkol sa kalagayan niya. But then she thought he had the right to know. Ngunit hindi niya alam kung kailan ang tamang pagkakataon. And maybe it was the right time. Dahil wala siyang ideya kung magkakaroon pa ng interes si Jay na kausapin siya pagkatapos ngayon.

"Well..." aniya pagkuwa at pinuno ng hangin ang dibdib. "I'm pregnant."

Sinadya niyang huwag alisin ang tingin sa mukha nito. Gusto niyang makita ang anumang emosyong maaaring lumarawan sa anyo nito. Subalit sa sumunod na ilang sandali ay wala siyang nakitang pagbabago sa mukha nito.

The silence between them suddenly grew thick with tension. At may isang saglit na parang nais niyang pagsisihan ang sinabi.

"Ako ang ama, di ba?" Tila hindi na kailangang sagutin iyon. Nasa tono na nito ang katiyakan doon.

Gayunman ay isang marahang pagtango ang itinugon niya dito.

That was when she saw him flashed a pleased smile. Tinawid nito ang kapirasong distansya sa pagitan nila at ginagap ang kanyang kamay.

"I'm so happy, Ella," sinserong wika nito. "And I don't want to think our baby as a damage. It is meant to be. Kagaya na lang ng pangyayaring naligaw ka sa kuwarto ko." At dahil sa pagkakabanggit niyon ay parang nagliwanag ang mga mata nito.

"Iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko."

Umiling ito. "No, Ella. It makes sense. I saw you and cherished you in my mind. We made love and now we're having a baby. It's like a fairy tale."

"It's a tragedy."

"No."

Napaiyak na lang siya. And she found herself scared more than anything else. Para siyang bangkang walang sagwan sa gitna ng laot. Walang patutunguhan. Sa kabila ng pagtanggap ni Jay sa kalagayan niya, parang hindi niya madamang kailangan niyang matuwa.

Kinabig siya ni Jay ay hinagkan sa buong mukha. He dried the tears that flowed in her cheeks habang masuyo naman siyang hinahaplos nito sa likod. Somehow, the kiss eased the despair she had.

"I'm sorry," pahikbing sabi niya. "Naging emotional ako."

"I understand," anito at magaan siyang hinalikan sa buhok. "Kailan mo nalaman?"

"Kagabi. I had no idea. Naghinala lang si Jessilyn."

"No wonder kung bakit ganyan ang kinikilos mo. You're just getting used to the fact at bigla ay sumulpot na naman ako sa buhay mo."

"I felt pressured when I saw you. Hindi ko pa nga alam kung dapat kong sabihin sa iyo."

"I'm glad you did. Si Jaypee, alam ba niya?"

Umiling siya. "I called our wedding off nang gabing bumalik din siya dito sa Maynila. That's the last time I saw him."

"Ano ang alam niya?"

Muli siyang umiling. "Nothing. Nasaktan ko na siya sa pag-atras ko sa kasal namin. Hindi ko na dadagdagan pa iyon." At may nabuo na namang luha sa kanyang mga mata. "Hindi lang ako nawalan ng boyfriend. I lost my best friend."

Niyakap siya ni Jay. "Hindi ko papalitan si Jaypee sa buhay mo, Ella. Pero sana ay mapunan ko ang espasyong iniwan niya."

Napatingin siya dito. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"You're pregnant with my child, Ella. Sa palagay mo ba ay hahayaan ko iyon na ganoon na lang?"

Naglagay siya ng distansya sa pagitan nila nang mawari ang nais nito. "I won't marry you, Jay," tanggi na agad niya.

"Just what I thought," sabi nito. "Marriage actually came to my mind. Ano pa nga ba ang pinakamabisang paraan upang maging ganap kang akin? But I won't force you into marriage. Maybe all I would ask is to share everything possible with you."

"Share?" naguguluhang ulit niya.

"I may not be your husband but I have the right being the father of your child. Gusto kong sa tiyan mo pa lang ay masubaybayan ko na ang paglaki niya. I'll be supportive, Ella. Ibibigay ko sa inyong mag-ina ang makakaya ko. And hopefully, before the baby is due, you would ask for our child's legitimacy. Ipagkakaloob ko iyon ng buong puso."

"And you're telling me that you won't force me into marriage, huh?" mapaklang wika niya.

"I would like to believe that several months is long enough to win your heart, Ella. I'm positive about that." His eyes began to shimmer. "When I first saw you at the garden, I thought you were a goddess. I never imagine that I would be here with you now and we'd be talking about having a child. It has to be destiny. Wala nang iba pang paliwanag doon."

"Who would think that you're a dreamer, Jay?" she said softly. Hindi niya alam kung saang punto nagkaroon ng pagbabago subalit naramdaman na lamang niya na kaygaan na ng dibdib niya ngayon. Parang umaliwalas ang buong paligid niya.

"Not only a dreamer," nakangiting sabi nito. "I'm a hopeless romantic, sweetheart. Wait for some time at patutunayan ko iyan sa iyo." He gathered her hands at hinalikan iyon.

She smiled. At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang indahin niya ang pangambang iyon ay nagawa niyang ngumiti nang galing sa puso.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyWhere stories live. Discover now