Part 11

643 44 3
                                    

HALOS kuluntoy na ang balat ni Jay nang lumabas ng banyo. Nagiginaw na siya nang tapusin ang paliligo. And somehow, nagtagumpay siya sa gusto niyang mangyari. Maski sa pisikal na paraan, nagawa niyang patayin ang init ng kanyang damdamin.

Ella was his fantasy buhat nang sandaling makita niya ang dalaga. At isang milagrong maituturing na nangyaring maging magkasama sila sa magdamag. At isipin lamang ang nangyaring iyon ay tila umaapoy na ang kanyang imahinasyon.

His fantasy had come to life.

At the moment he felt her body brushing against his, sa inaantok niyang diwa ay inisip niyang si Genevie iyon. The body was warm and soft while the skin was silky and smooth. But at some level, parang alam na niyang iba ang babae. The scent of her hair was familiar. It was the scent he was lingering on the woman of his fantasy.

The legs that wrapped around him ay ang mismong pares na natimo na sa isip niya. Deep in his soul, naniniwala siyang si Ella ang kapiling niya sa buong magdamag. He made love to her again. At sa ikalawang pagkakataon, buong-buo na sa isip niya na si Ella iyon which made their lovemaking more intense and soul-shattering.

Natulog siyang taglay ang gayong paniniwala. Gusto niyang gumising sa umaga na iyon ang nasa isip niya. That would make her day more worthwhile.

At hindi niya akalaing totoo ang iniisip niya! He was as shocked as her nang malaman niya iyon. At kung hindi nga lamang nag-aalala siyang magsisigaw si Ella doon at tumawag ng pansin sa buong hotel ay malamang na kanina pa ay natanto na rin niya ang sariling pakiramdam.

At nagkaroon lamang siya ng sariling pag-aanalisa nang mapag-isa siya. He felt lucky yet frustrated. Who wouldn't be lucky when you able to have the woman of your fantasy? Pero hindi madaling harapin ang pangyayaring maaaring maging kaakibat niyon.

At tuwing maalala niya ang litong anyo ni Ella kanina, he was sure it wasn't easy at all.

Ngunit hindi niya gustong ituon ang isip sa kung paano iyon haharapin ni Ella. Tawagin na siyang selfish but he knew he had the right para mag-isip ng para sa sarili niya.

Ella was special to him mula pa kahapon na makita niya ito. He was mesmerized at her. And making love to her for real was something more than special. Kanina, habang papalabas ito ng silid niya, anhin na lamang niya ay pigilin ito at ikulong sa kanyang mga bisig.

He knew things were different now kumpara noong nagkakasya lamang siya sa pagmamasid dito nang tahimik. What happened between them wasn't an easy thing. Hindi iyong madaling isantabi. In fact, it was a really big deal, since she was a virgin.

It didn't matter to him kung anuman ang dahilan ni Ella at ng boyfriend nito sa pagpunta doon. Maybe, they were making a turning point in the relationship. Pero para sa kanya, as long as Ella wasn't married, she was a fair game.

Payak siyang napangiti. Alam niya, hindi ganoon kadaling gawin ang ideyang nabubuo sa isip niya. Malaki ang posibilidad na totoo sa loob ni Ella na hindi na nito gustong makita pa siya. But he was curious how would she react kung sakaling magkikita sila. Hindi naman iyon imposible. Dingding nga lang ang pagitan ng kanilang mga silid.

Nanungaw siya sa bintana. He had a nice view. A glimpse of white sand and blue waters at ang kahabaan ng beach path kung saan abala ang turista at sellers ng kung anu-anong souvenir items. Everyone seemed enjoying their vacation.

At dapat ay gayon din siya. Hindi pa naman niya nararasanan ang boredom buhat ng dumating siya. Pero parang naging kapos sa kapayapaan ang isip niya buhat kaninang madiskubre na si Ella pala ang katabi niya.

It felt good to have her in his fantasy but it was a whole lot different knowing what happened between them.

Wala siyang ideya kung ano ang susunod na mangyayari. He would be leaving the island after a few days. Tiyak niya sa sarili, hindi niya sasayangin ang nalalabing araw na pamasid-masid lang sa dalaga. Hindi niya balak manggulo. He just wanted to be noticed. At bahala na ang tadhana kung ano ang mangyayari sa kanila ni Ella.

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon