Part 13

630 44 2
                                    

THREE was really a crowd, Ella thought grimly.

It was ironic to think sapagkat nang umandar ang bangka ay pakiramdam niya sa sarili ay isang babasaging kristal. Dalawa pa ang nakaalalay sa kanya nang sumampa doon. at kung idagdag pa niya ang dalawang bangkero na magsisilbing guide nila ay iisipin na niyang baka na-magic na siyang na maging isang prinsesa.

Ngunit sa kanilang tatlo, ang pakiramdam ni Ella ay siya ang unwanted baggage. Maraming napag-uusapan sina Jay at Jaypee. Sensible naman at isinasali din naman siya sa usapan subalit naiilang siyang makisabad pa.

Pinili niyang tumahimik. Inaliw niya ang sarili sa pagmamasid sa dinadaanan nila at paminsan-minsan ay inilalawit ang kamay sa gilid ng bangka upang itampisaw sa tubig.

Malapit sa Willy's Rock ang pinanggalingan nila. Buhat doon ay giniliran ng bangkero ang mainland ng Malay town. Wala naman siyang espesyal na makita sa lugar na dinaungan nila. May mangilan-ngilang turista na kagaya nila ay nag-island hopping. Pawang nagsisipag-piyesta sa mga buko na bigkis-bigkis na nakababa.

"Puwede kayong kumuha, ma'am, sir," wika sa kanila ng bangkero.

"Tara, baba tayo," wika ni Jaypee. Nauna na itong bumaba ng bangka.

Isang paghinga ang ginawa ni Ella. Wala nang punto para mag-inarte pa siya. nang tumayo siya ay sumunod na rin si Jay. At kagaya kaninang sumakay siya sa bangka, isa ang naka-alalay sa kanya sa itaas, at isa naman ang sa ibaba.

Gusto niyang iiwas ang kamay niya nang hawakan iyon ni Jay subalit kailangan din niya ang suporta nito dahil gumegewang ang bangka sa paggalaw nila. The effect of his simple touch was disturbing to her. Parang nagpapaalala iyon ng bawat pagdama nito sa buong katawan niya.

Napapikit siya nang mariin. Hanggang kailan ba magsisilbing multo sa diwa niya ang nangyaring iyon? Anhin na lamang niya ay talunin ang pagbaba upang makaiwas dito. Lamang hindi naman niya kailangang gawin iyon sapagkat nakaabang naman doon si Jaypee upang aalalayan siya.

"Totoo, libre iyang mga buko?" tila batang tanong ni Jaypee sa nagbababa ng mga bunga. "Paano kayo nabubuhay kung libre iyan?"

"Pangtawag namin sa turista iyan, sir," sagot nito. "Iyon namang iba, nagbibigay ng pera maski kaunti."

"Paano iyan? Wala kaming pera?" pabirong wika ni Jaypee.

"Okay lang, sir." At nagkamot lang ito ng batok.

"Your boyfriend is a nice guy," amused na wika ni Jay. "Mukhang kaya niyang makibagay kahit kaninong tao."

"Yes," matabang na tugon niya ngunit maski paano ay nakadama ng pagmamalaki para sa kasintahan. "Puwede iyang pang-Mr. Congeniality." Tinanaw niya si Jaypee na sinalubong pa ang isang may bitbit ng mga nakataling buko. He must have something sapagkat nakita niyang nakatawang tumugon ang kausap.

Jay turned to her. "Sino kaya ang suwerte kanino?" kaswal na tanong nito.

Tumalim ang tingin niya. "Please, huwag kang magtanong ng ganyan na parang gusto mo akong insultuhin."

"I'm sorry," mabilis namang sabi nito. "Wala naman akong ibig sabihin doon. Maybe, I should say na suwerte kayo sa isa't isa."

"Of course. We love each other," may kumbiksyong pakli niya.

"Guys! Tikman natin ito," kaway sa kanila ni Jaypee. "Di ba, the great things in life are free?" pabiro pang dagdag nito.

Maski paano, nagawa ni Ella na maging natural ang kilos dahil na rin sa mga comic attitude ni Jaypee. In almost an instant, he became the clown at that part of the earth. Kahit na nakadarama siya ng pagkailang dahil nasa malapit lang si Jay, nagagawa naman niyang tumawa dahil sa kalokohan ni Jaypee. Tumataba pa ng ang puso niya kapag nalalaman ng iba na kasama niya nito. His being down-to-earth and jolly really made her feel proud.

Nang lisanin nila ang lugar na iyon ay inilibot sila ng bangkero sa Laurel Island. It was a famous diving point. At minsan pa ay nangulit si Jaypee sa kanya. May naka-handa itong diving suit just in case na magpapahinuhod siya sa nais nito ngunit ayaw niyang talaga.

"Okay lang ako dito. Kung gusto mo, hihintayin na lang kitang lumutang," sinserong sabi niya.

Napailing na lang si Jaypee. "Mas masaya kung magkasama tayo," wika nito at bumaling kay Jay. "Ikaw, pare, gusto mo?"

"Sport ko iyan, pare," sagot naman nito. "Kaya lang baka, mainip sa atin si Ella kapag iniwan natin dito sa bangka."

"Hindi iyan maiinip. Kilala ko iyan. Kaya lang..." Ibinitin nito ang sasabihin at ikiniling ang ulo. A playful smile played at the corner of his lips. "Tiyak na magwawala iyan kapag umahon tayo at na-develop na tayo sa isa't isa. Di ba, Papa?" Nilandian nito ang boses at natalo pa ang isang tunay na bakla.

Nang tumawa si Jay ay napatawa na rin pati mga bangkero. Bukod tanging si Ella lang yata ang hindi man lang napangiti.

"Tumigil ka nga, Jaypee! Nakakadiri ka!" singhal niya dito.

Subalit sa halip na magpasaway ay pinatikwas pa nito ang daliri. "Ay! Nagselos agad si Mama!"

Nanulis ang nguso niya at inirapan ito. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na maaliw din siya sa kalokohang iyon ni Jaypee. Ang kaso ay mismong sa harap ni Jay nito ginawa iyon. Pakiramdam niya ay napahiya siya. Hindi niya gustong magkaroon ng pagdududa si Jay sa kasarian ng lalaking pakakasalan niya.

Nilibot nila ang buong east coast ng isla. Taliwas ng sa kabilang bahagi, sa east coast ay mas marami ang nagwi-windsurfing dahil mas ideyal daw sa lugar na iyon ang naturang sport.

Nag-enjoy siya sa magkasalit na beach at cliff areas. Dumaong sila sa Ilig-iligan beach. Doon na rin sila naligo sandali. Nalaman nila na mayroon daw daan doon patungo sa kuweba ngunit hindi na sila nagpunta doon. Sa halip kumain na lang sila at pinasyalan ang Shell Museum.

May nabili na silang ilang souvenir items nang lisanin ang bahaging iyon ng isla. Paikot ay nadaanan pa nila ang Puka Beach. Kaunti lamang ang naliligo sa gawing iyon. ang marami ay ang mga customer sa Puka Grande Restaurant. Their menu was written on a large board. Sapat para mabasa nila kahit na nasa bangka sila. Subalit busog pa sila sa kinain nila kaya kahit na nakakatukso ay hindi na sila huminto doon.

Their banca tour went nice. Tila isang pang-matagalang rapport ang nai-establish nina Jay at Jaypee sa isa't isa. Nakikita naman niya iyon subalit mas gusto niyang huwag na lamang ituon doon ang pag-iisip niya.

Matapos makipagsara ng usapan si Jaypee sa bangkero ay magkakasabay silang bumalik sa hotel. Unang dadatnan ang kuwarto ni Jay. At anhin na lamang ni Ella ay magkunwa na wala siyang nakita. Tila isang malaking multo ang silid na iyon para sa kanya. Subalit sa halip na asikasuhin ni Jay ang pagbubukas ng silid nito ay bumaling ito sa kanila.

"I had a great day, pare," nakangiting sabi nito kay Jaypee at sinulyapan din siya. "Let me treat the two of you to a dinner. What do you think?"

Tila hindi na kailangang mag-isip ni Jaypee. Abot hanggang tenga ang ngiti nito nang bumaling sa kanya. "I liked the idea, Ella. How about you?"

Ikinibit lang niya ang balikat.

"So, would it be okay if we meet at eight?" tanong ni Jay. Nang tumango si Jaypee ay lumuwang pa ang ngiti nito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyWhere stories live. Discover now