Part 15

652 44 1
                                    

TITIG na titig si Ella sa ceiling. Tahimik sa buong paligid. Maliban sa banayad na hilik ni Jaypee sa kanyang tabi ay ang tunog ng alon ang tanging naririnig niya. Siya ang may gusto na hayaang bukas ang mga bintana upang malayang makapasok ang preskong hangin.

Nilinga niya si Jaypee. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman para dito. The night didn't become easy for both of them. Nang sandaling mapagsolo sila sa kuwartong iyon, nabasa niya sa mga kilos ni Jaypee na mayroon itong gustong mangyari.

Hindi niya alam ang gagawin. Hirap ang loob niya na tahasang tumanggi dito. Nang yakapin siya ni Jaypee, tila nanigas ang buong katawan niya. The familiarity of his embrace was still there subalit sa isip niya ay mayroong ibang bagay na umagaw para ituon niya ang buong kamalayan sa yakap nito.

He claimed her lips. He was kissing her the way he used to ngunit sa pakiramdam ni Ella ay kaylamig ng mga labing humahalik sa kanya. she tried kissing him back in desperation subalit siya na rin ang pumigil sa sarili pagkaraan lamang ng mabilis na sandali.

"What's wrong?" tanong nito sa kanya nang mahalata ang panlalamig niya.

Napailing lang siya. Parang naumid ang kanyang dila at hindi niya kayang magsalita. Ni hindi niya kayang salubungin ang tingin nito para man lang sana sa pamamagitan niyon ay magawa niya ang pagtanggi.

Umiwas siya sa tangka sanang pagyakap nito uli at naupo sa isang silya. Puno ng pagtataka ang anyo ni Jaypee na sinundan siya ng tingin. Alam niya, naghihintay ito ng paliwanag sa ikinilos niyang iyon. She swallowed bago nakuhang magsalita.

"Jaypee, I... think I'm not yet ready for it," halos pabulong na sabi niya.

Lumikha ng tensyon ang katahimikang pumuno sa pagitan nila.

Tila kaybigat ng paghingang pinakawalan ni Jaypee mayamaya. Walang kibo itong pumasok sa bathroom. Narinig niya ang paglagaslas ng tubig. Nang lumabas si Jaypee, freshly showered at suot ang ternong pajama, nadatnan siya nito na hindi pa rin tumitinag sa upuan.

Malungkot ang ngiting nasa mga labi nito nang lumapit sa kanya.

"Magiging kalabisan ba kung hihilingin ko sa iyong gusto kitang maging kayakap sa pagtulog?" banayad na tanong nito.

She wanted to cry. Hindi dahil napakahirap pagbigyan ni Jaypee sa simpleng kahilingan nito subalit dahil sa ipinapakita nitong konsiderasyon sa kanya. She felt she didn't deserve his kindness. Tila lalo iyong kinakain ng guilt ang konsensya niya. Mas makagagaan pa siguro sa dibdib niya kung ipagpipilitan nito ang gusto.

But she knew he wouldn't resort to any form of coercion. There was no trace of threat in his touch nang abutin nito ang kanyang kamay. Magaan pa siya nitong hinagkan sa noo nang magpatangay siya sa pagtayo.

"Perhaps you would want me to sleep on the couch," he said kindly.

"No, Jaypee," mabilis na tugon niya. "It's all right. G-gusto ko ring yakapin mo ako." She smiled faintly bago kumuha ng pantulog at nagbihis.

Hindi niya alam kung nagkukunwa lang si Jaypee na buhos ang isip sa binabasang diyaryo nang lumabas siya ng banyo. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago lumapit dito.

"Hindi ka pa ba inaantok?" she asked.

Binitawan nito ang diyaryo at kumilos na. Sumampa sila sa kama. And true to his word, walang ginawa si Jaypee na hihigit pa sa pagyakap na siyang kahilingan nito.

"I'm sorry," paanas na sabi niya.

"It's all right, Ella." Puno ng pang-unawa ang tinig nito. "I love you."

"I love you, too," ganti niya ngunit natanto niyang tila hirap na lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.

Nang ganap na makatulog si Jaypee, hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa iyon o ikainis. Ganoon na ba sila kakumportable sa isa't isa para ang simpleng pagtanggi niya ay payagan na nito. She was confused. Hindi ba't mas normal kung sa bawat pagdidikit nila ay tila mga tuyo silang kahoy na madaling magsiklab?

Sex wasn't everything. Ngunit ngayong napag-isipan niya nang husto, hindi siya makatiyak kung iyon nga ba ang talagang isyu. Perhaps it was really about passion. Baka hindi lamang niya napagtutuunan nang malalim na pag-iisip noon pero may kakulangan talaga sa pagitan nila ni Jaypee. Not that they were not trying. Maybe there should be something deeper kaysa sa bawat pagtanggi niya ay nagpapahinuhod naman ito.

Passion, she thought again. She felt a lot of good things for Jaypee pero parang hindi akma kung pati bagay na iyon ay kasali sa nararamdaman niya sa kasintahan. O marahil, hindi pa niya naramdaman ang bagay na iyon kahit kanino. Pero ano ang itatawag niya sa mga naranasan niya sa nagdaang gabi?

For several unforgettable hours, she had been enthralled with what seemed like passion.

Totoong ang isip at puso niya ay naniniwalang si Jaypee ang kapiling niya subalit ganoon nga din kaya ang maramdaman niya kung nagkataong mismong si Jaypee nga ang lalaki? Tuwing babalikan niya sa isip iyon ay mas malinaw na anyo ni Jay ang nakikita niya sa balintataw niya.

It was Jay, indeed. At masasabi ba niya na malaki din ang kinalaman ng alak na kumarga sa katawan niya? She was tipsy at para pa siyang ipinaghele ng masarap na masahe sa kanyang katawan. Had the whole thing been a magical accident of chemistry? Kagaya ng ideyang sinasabi sa kanya ni Jay kanina?

At hanggang kailan magugulo ang isip niya ng pangyayaring iyon? Certainly, hindi siya ang tipo ng babae na makikipagrelasyon sa isang lalaki at pagkatapos ay papayag na ipagkaloob niya ang sarili sa isa pa. Gusto niyang isiping pagsubok lamang sa kanila ni Jaypee iyon. At gusto rin niyang maniwala na sa bandang huli ay pag-ibig din niya kay Jaypee ang makapangyayari.

In that case, she told herself, dapat ay isantabi na niya ang pangambang iyon. At walang mas epektibong paraan kung hindi ang tapusin na nila ang bakasyong iyon. Pagbalik nila sa Maynila, she hoped everything would be all right.

Isang pasya ang nabuo sa isip niya. At bago pa siya magkaroon ng pagdadalawang-isip ay kumilos na siya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon