Part 8

666 44 5
                                    

"WE HAVE a spa here, ma'am," wika ng receptionist. "Kung gusto ninyo, magpa-massage muna kayo. Half-hour pa po yata iyong aabutin repair."

"That's a good idea, Ella," maagap nang sabi ni Jaypee nang makitang nangungunot na ang noo niya. "Ako na ang bahalang maghintay dito. Miss, pakisamahan mo siya. give her the massage na makakapagpa-relax nang husto sa kanya."

"Yes, sir!" wika naman ng receptionist.

Tahimik na lang siyang sumunod sa massage room. Naisip niyang mabuti na nga iyon kaysa kunsumihin pa niya ang sarili. Isang unipormadong attendant ang sumalubong sa kanila nang pagpasok doon. At nang makita niya ang paligid ay parang gumaan na rin ang pakiramdam niya.

Subdued ang lighting sa paligid. Amoy niya ang iba't ibang klase ng bango buhat sa mga oil diffuser at scented candles. Maaliwalas sa pandama ang paligid kaya sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon ay napangiti siya ng bukal sa loob niya.

"I want aromatherapy," wika niya sa attendant nang inaayos na siya sa bed.

After a while, Ella was totally immersed in sensation. Parang mahika ang galaw ng mga kamay na humahagod sa katawan niya. Mula batok niya hanggang kabuuan ng likod niya ay dinaanan ng bihasang kamay nito. Aaminin niyang sa mga sandaling iyon ay makakatulog na siya sa labis na ginhawang nararamdaman niya.

Hindi na niya itinago ang paghikab niya. "Dito na yata ako makakatulog," nakangiting sabi niya sa masahista. "Neri" ang pangalang nabasa niya sa nameplate nito.

"Okay lang po iyon, ma'am."

"Hindi okay iyon kay Jaypee. Maghihintay iyon sa akin."

"May mauutusan naman tayo, ma'am. Kumatok na lang kayo sa kuwarto ninyo mamaya kapag natapos ang service. Matulog muna kayo, ma'am, kung inaantok kayo. Mas mare-relax pa kayo."

Hindi na nga siya kailangang pilitin ni Neri. Mayamaya lang ay napikit na siya. Alam niya, may kinalaman din sa sobrang antok niya ngayon ang wine na ininom nila ni Jaypee kanina.

Naalimpungatan siya nang maramdaman ang pagbabalot ni Neri ng towel robe sa kanya. Nakangiti itong tumunghay sa kanya. "Tapos na, ma'am. Siyangapala, tumawag po dito iyong kasama ninyo. Naroon na raw siya sa kuwarto ninyo. Sumunod na lang daw kayo doon."

"Saan ba kaming room?" wika naman niya. Nang bumangon siya ay napatda siya nang makadama ng hilo. Alam niya, epekto pa rin iyon ng wine na ininom niya kanina. Kahit kailan ay mahina siya sa mga alcoholic drinks. Hinanap niya ang sariling damit at dumukot doon ng pera. "For you."

"Salamat po. Hindi po nabanggit ang room number ninyo. Ako na, ma'am, ang magtatanong sa desk kung anong number iyon para hindi na kayo magpunta doon. May isang pinto diyan na mas malapit sa hagdan. Ano po ba ang pangalang pina-register ninyo?"

"Sige, thanks. It's Jaypee Juan."

Itinawag lang ng babae sa intercom ang nais nilang malaman. "Room 312, ma'am. Tara, ihahatid ko na kayo doon."

"Okay."



ANYONG pipindutin ni Ella ang doorbell sa Room 312 ng hotel nang mapuna na bahagya naman iyong nakaawang. Madilim na madilim sa loob. Mahinang garalgal lamang ng aircon ang tanging ingay doon.

"Sige, salamat," baling niya kay Neri na sinamahan pa siya doon. Tila sumisigid na naman sa utak niya ang epekto ng alak.

Maingat siyang humakbang papasok sa kuwarto. Mahigpit niyang hawak ang buhol ng towel robe niya. Sa isang kamay ay ang hinubad niyang damit. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa.

Mayroon na namang kapilyahang nabubuo sa isip niya. She thought it's about time she indulge herself. Grabe na ang mga naengkuwentro nilang trouble kanina.

Taglay ang ngiti sa mga labi ay nilandas niya ang carpeted floor patungo sa kama.

Aninag naman niya si Jaypee na nakahiga na sa kama. Marahil ay tulog na ito sapagkat tila hindi nito namalayan ang pagpasok niya sa silid. Ibinaba lang niya ang summer dress sa isang silya at tinunghayan ang lalaki na nakabiling ng higa patalikod sa kanya.

Kinakabahan din naman siya pero saan pa nga ba siya matutulog kung hindi sa tabi nito? Bago siya sumampa na sa kama ay nadama na naman niya ang atake ng hilo dulot ng alak. Bago siya sumukob sa kumot ni Jaypee ay niluwagan niya nang bahagya ang suot niyang roba.

Umungol lang ang lalaki nang sumiksik siya dito. He was naked. Tila kinikiliti pa ang braso niya ng pinong balahibo sa dibdib nito. Napangiti na naman siya. Hindi niya alam na balbon pala si Jaypee.

Awtomatiko namang yumakap sa bewang niya ang lalaki. He was probably half-sleep. Mayamaya ay naglandas na ang kamay nito sa kanyang tiyan paakyat sa kanyang dibdib.

"Jay---"

Mismong pangalan nito ay hindi niya nagawang tapusin. Parang sa isang iglap ay nagising ito at mabilis na niyakap siya. His lips sought hers. At bagama't nakalasa siya ng alak sa mga labi nito ay tila naman iyon isang drogang nakapagpalasing sa kanya.

His kiss was warm and sweet. Isang bagong karanasan sa kanila ni Jaypee ang halik na iyon. Nang ganap siyang mapailalim dito ay humigpit ang yakap niya sa leeg nito. His gliding touch stroked and explored with care.

Hindi rin naman iyon ang unang pagkakataon na pangahasan nila ni Jaypee ang katawan ng isa't isa. There were few times na nadadala din sila ng kanilang mga damdamin. But there was something about his caress that seemed more deft and more sensuous than usual.

O baka naman dahil ngayon ay wala na silang pagpipigil sa isa't isa? Hindi kagaya noon na malakas ang kontrol nila at alam nila kung kailan dapat nang tumigil.

Halos hindi niya namalayan ang unti-unti nitong pag-alis ng roba sa kanyang katawan. Minsan pa ay inangkin nito ang kanyang mga labi habang ang kaisa-isang panloob na suot niya ang unti-unti na ring hinuhubad nito.

Mariin siyang napapikit. Ang nangyayari sa kanya ngayon ay tila isang panaginip. Her heart swell. She didn't expect their first time would be like this.

Mas gusto niya ang halik ngayon ni Jaypee kumpara sa mga halik na pinagsaluhan nila noon. The way he kissed her, it seemed he couldn't get enough of her. na para bang siya ay hangin na kailangan nito upang makahinga. Ginantihan niya ang mga halik nito. She returned his kiss with equal warmth and fire. At tila lalo pa iyong nagpaliyo sa nararamdaman niya.

She wanted to go wherever her passion took her. Tila makakaya niyang gawin ang lahat huwag lamang matapos ang masarap na pakiramdam na pumupuno ngayon sa katawan niya.

She felt him nudged her knees apart. At parang kakapusin siya sa paghinga nang maramdaman ang mga kamay nitong humaplos sa kanya. Siya na ang kumabig dito upang muli ay madama niya ang mga halik nito.

When he plunged into her, umalpas sa lalamunan niya ang isang daing. Napahinto rin ang lalaki sa mas malalim pang pag-angkin sa kanya. ngunit saglit lamang iyon. nang matantiya niya sa sarili na kakayanin niya ang bagong karanasang iyon ay siya na ang mismong yumakap dito. She urged him closer and deeper hanggang sa maging tila isang pamilyar nang sayaw ang mga kilos nila.

Waring kayliwanag ng paligid nang marating nila ang kanilang nais puntahan. Both were gasping for breath. At may ilang sandali na tila nag-uunahan pa ang tibok ng kanilang mga puso.

Nasa normal na ang kanilang paghinga nang kumilos ang lalaki para tumabi sa kanya. He kissed her chest lazily hanggang sa maglakbay iyon pataas sa kanyang mga labi. He nipped her lips gently bago masuyong hinaplos ang kanyang buhok. At pagkuwa ay kinabig siya nito papalapit pa sa katawan nito.

Nakatulog na silang pareho sa ganoong ayos.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyWhere stories live. Discover now