Part 12

665 42 2
                                    

THEY had an American breakfast sa mismong hotel. Request na lang nila iyon ni Jaypee sapagkat lampas na ang oras ng pages-serve ng almusal. It was almost noon subalit pareho sila ni Jaypee na gustong mag-almusal.

"Mag-snorkel tayo," aya sa kanya ni Jaypee. "Marami palang narerentahan ditong accessories."

"Ayoko," tanggi ni Ella. "Takot nga ako sa dagat kasi hindi ako marunong lumangoy."

"I'm with you, bakit ka matatakot? Champion swimmer ako noong college, baka hindi mo alam," nagmamayabang na sabi ni Jaypee sa pabirong tinig. "Basta, we'll change at pagkatapos ay aarkila ako ng gamit. Gusto mo mag-arkila pa tayo ng bangka para malibot natin itong isla."

Tinitigan niya si Jaypee at napailing na lang. "Mukhang nasa mood ka ngayong gumasta, ha?" she teased.

"Ayan ka na naman. Kung magsalita ka, para bang hindi ko kayang gumasta. We're having a vacation here, Ella. At siyempre, kasama na rin doon ang paggasta. And don't worry, my finances is well managed. Hindi magagalaw iyong pampakasal natin."

Itinago niya ang kagyat na pag-aalala sa anyo nang bumanggit ito ng tungkol sa kasal. Nagagawa na nga niyang maging natural ang kilos kahit puno pa rin ng agam-agam ang isip niya. Ngunit ngayong tungkol sa kasal nila ang binanggit nito, parang nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip.

Handa na nga ba siya para doon?

"Halika na," untag sa kanya ni Jaypee na hindi niya namalayang nakapagbayad na pala ng kinain nila.

Bumalik sila sa hotel room at nagpalit ng swimsuit. One-piece ang suot niya. Isang dali lang ang lapad ng tirante niyon at katamtaman ang ukab ng dibdib. It was definitely a conservative cut at tila naiilang pa nga siya na makita siya ng ibang tao na parang nakabilad na. Bago lumabas ng banyo ay pinatungan pa niya iyon ng batik na bestida.

Hindi na rin nag-aksaya ng panahon si Jaypee at mismong sa hotel na ito nakipag-coordinate kung paano sila aarkila ng bangka. It seemed everything was ready nang ayain siya nito para bumaba.

Pababa sa lobby ay parang namanhid ang binti ni Ella nang makita kung sino ang makakasalubong nila. Jay was half-naked. Ang shorts na suot nito ay puno ng buhangin. His broad chest was tanned. Medyo makintab pa nga na hindi niya alam kung dahil sa tubig o langis.

Tila hindi naman sila nito agad na napansin. Sa front desk ito nagtungo upang kunin marahil ang susi nito. She wished she would disappear that very moment sapagkat walang paraan para hindi sila nito magkita nang humakbang na itong muli.

At nang makita nga siya---o sila ni Jaypee ay tila awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. And much to her dismay, mismong sa direksyon nila papunta ang mga hakbang nito.

"Ella, ipakikilala kita sa kanya," baling sa kanya ni Jaypee nang sa wari ang malapit na sa kanila si Jay.

Hindi alam ni Ella kung ano ang mararamdaman. She was confused. Bakit sa anyo ni Jaypee ay tila kilala na nito si Jay? May kabang gumapang sa dibdib niya. Paano nagkakilala ang dalawa? She had no idea. Pero kapag natuklasan niyang si Jay ang gumawa ng paraan ay malamang na malaman niya kung paano sukdulang magalit sa isang tao.

"Hi, Jay!" bati ni Jaypee dito. "This is my girlfriend. Ella, meet Jay Pijuan. I met him this morning. Siya pala ang big boss ng isa sa mga advertisers natin."

"Hello," Jay greeted her warmly bago inilahad ang kamay sa kanya.

"Nice to meet you," mahinang sabi niya na kulang na lang ay magtagis ang mga bagang. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito na wala marahil dalawang segundo.

"We'll go island hopping today," kuwento ni Jaypee dito na hindi marahil napansin ang pagiging malamig ng kanyang ekspresyon.

Naglapat ang mga labi ni Ella. Likas kay Jaypee ang pagiging friendly. Wala nga yatang masamang tinapay dito. Pero kailangan bang maging kasali sa mga bagong kakilala ni Jaypee si Jay? Biro ba ito ng tadhana sa kanya?

Places & Souvenirs - BORACAY 4 - Passion And DestinyWhere stories live. Discover now