Chapter 26: Change of Status

111 7 7
                                    

"So, let us be clear here, rose grape. Whether you agree to be my girlfriend now or not, I'm all set. I'm gonna marry you in the near future."

Sumikdo ang puso ko sa sinabi ni Gavin at napakurap-kurap ako.

"In the near future? Ang bilis mo yata. Hindi mo ba naisip na may mga pangarap din ako sa buhay, Gavin?"

Hinawakan niya ang pisngi ko. "I know. Pero hindi ba puwedeng kasama ako sa pangarap mo? Because all this time, you've always been part of mine," malumanay niyang saad.

Aww... Touched naman ako agad.

"Yati ka. Pinakilig mo 'ko." Napakagat-labi akong nakangiti.

Napangiti rin siya at ninakawan pa ako ng halik sa labi. "So?"

"Oo na. Girlfriend mo na ako. Panay na nga ang halik at haplos mo sa 'kin, eh. Ano pa nga ba ang magagawa ako? Eh, gusto nga rin kita."

"I knew it. Hindi mo rin ako matitiis." Lalong lumawak ang pagkakangiti niya at halatang sumasayaw sa saya ang dark brown eyes niyang medyo deep set. Hayun at namagneto na naman ang mamula-mulang mga labi niya sa 'kin.

Itinulak ko siya. "Ang kapal mo talaga! Kung ibang lalaki ang sinagot ko, malamang sasabihin nang 'You make me the happiest man in the world, Det! Hinding-hindi mo 'to pagsisisihan. Paliligayahin kita, promise!' Pero ikaw? 'I knew it. Hindi mo rin ako matitiis'? Ibang klase ka talaga, 'no?"

"I don't think I have to say it because you can already read me, can't you?"

"Aba, gusto ko ring marinig, 'no? Mahirap na ang assuming. Baka mali ang basa ko."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nakatitig siya nang husto sa mga mata ko. "Det, remember from now on that whatever I want to make you feel, that's what I feel."

"Ang abstract yata, Gavin," mahinang reklamo ko. Ngumuso pa ako sa kanya.

"Here, let me show you," ang aniya.

Bago ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay napapikit na ako ng mga mata at tinugon ang bawat paggalaw ng kanyang malambot at matamis na mga labi. Malumanay at puno ng pagmamahal. Damang-dama ko iyon.

Ilang saglit din ang lumipas ay kapwa na kami naghahabulan ng hininga at kusa siyang tumigil sa paghalik sa akin. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at napatingin sa kanya. Nakatitig na siya nang husto sa 'kin na may matamis na ngiti. I had the urge to pinch his straight nose, but I refrained from doing it.

Ang guwapo niya naman talaga. Hay...

"Now, do you understand what I mean? I just showed you how much I love you and that I'll take care of you. I'll give you everything I have and all of me until I draw my final breath, Det."

"Gavin..." Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi sa puntong ito.

He was so sweet, thoughtful and loving. Masasabi kong napakasuwerte ko sa kanya at ako ang minahal niya. At sure akong wala siyang asawa, 'di katulad ng tatay ko noong ginawang kabit ang inosente kong ina.

Biglang tumunog ang cell phone ko. Namangha na lang akong si Emilia ang tumatawag.

Sumenyas ako kay Gavin at nakangiwi akong sinagot ang bruhilda. "O, ano? Ba't tumatawag ka?"

"Gabing-gabi na. Naligaw ka ba? Nasaan na ang iniutos ko sa 'yo? Kailangan ko na 'yong pad!"

Umikot ang mga mata ko. "Pauwi na. Maghintay ka na lang po. Meanwhile, gumamit ka na lang ng pasador kung tumagas na talaga. Alam mo 'yong pasador? 'Yon 'yong ginamit dati no'ng hindi pa naimbento ang sanitary pads. Ganito 'yon. 'Yong ibang panties mo, o kahit na anong malinis na tela, itupi mo at gawin mong temporary pad. Mas maigi yata 'yong cotton kaysa seda," sabi ko na lang at tinapos na ang tawag bago pa siya makaalma.

Mantovani Maids: DilettaWhere stories live. Discover now