Chapter 11: Still Bothered by the Kiss

71 7 4
                                    

I didn't want to read more from Gavin's words.

Napabuntong-hininga ako habang naglalakad sa hardin pagkatapos ng hapunan naming dalawa. Pagkatapos ng sinabi niya ay hindi na ako nakaimik. Wala akong maibatong salita mula sa kanya. Tinakasan ako ng mga kataga.

What did he even mean by telling me that he wanted me and that he needed me with him? It really has something to do with that kiss, right? Hindi lang ako nag-i-imagine, 'di ba? He didn't mean about our previous relationship way before he kissed me, did he?

Napahawak ako sa ulo ko. Napasabunot na lang ako sa buhok at napatingala sa kalangitan. Hindi pa masyadong malaki ang buwan kaya nakikita ko ang mga bituing nagkikislapan. It was a fine evening. But inside my head and in my heart, it was like ravaged by a storm. It was totally chaotic.

Should I go and speak with him? Should I ask him bluntly what it meant then? Sasagutin niya kaya ako nang maayos? Pero bakit natatakot at nae-excite ako?

Naisipan kong puntahan na lang siya sa silid niya. Kinatok ko ito pero walang sumagot mula sa loob. Pinihit ko ang seradura at sumilip sa loob. Bukas ang mga ilaw. Ayoko sanang pumasok pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Tss! Lumipat na yata si brain sa talampakan ko.

Masinop ang silid niya. Kahit sixteen years na akong nakatira sa mansion hindi ko ugaling pumasok lang sa kahit kaninong kuwarto, lalo na kay Gavin. Takot ako noon na baka singhalan niya ako at kung anu-ano ang sasabihin niya sa 'kin at baka isumbong ako kay Daddy Greg. After all, apo siya ng stepfather ko. Naniwala ako noon na sa kanya pabor ang matandang asawa ni Mama.

Puwera istorbo sa kaluluwa ni Daddy Greg, trinato niya naman ako nang maganda at parang tunay na anak. Mas gusto ko pa siyang tatay kaysa tunay kong ama na iniwan kaming mag-ina kasi bumalik siya sa asawa niyang si Emilia.

Napaisip tuloy ako sa kanila. Masaya kaya silang nagbalikan? Ilan na kaya ang anak nila? Walang sinabi kasi Mama sa 'kin ukol sa ama ko. Pangalan niya lang at kung saan siya nakatira ay iyon lang ang alam ko. Wala nang iba pa. Basta ang sinabi rin ni Mama ay minahal niya si Daddy Stefano kahit na may asawa ito. Well, speak about stupid love at karupukan. Iyon si Mama.

Kaya nga ang pangaral sa 'kin ni Mama ay dapat na kung makipagsiping man ako sa lalaki ay dapat na kasal na kami at sigurado akong ako lang ang mahal niya. Sa gano'n ay masisigurado kong magiging masaya ako sa lalaking mamahalin ko.

"Ma, ba't mo sinasabi sa 'kin 'to? Ang bata-bata ko pa para mag-isip ng kasal at pagsisiping, 'no? Sixteen pa lang ako," nakangiwing reklamo ko pa sa kanya habang nasa gilid kami ng swimming pool noon at nagmemeryenda isang hapon.

Wala noon si Daddy Greg dahil nasa trabaho. Kahit sa edad niya ay pumapasok pa rin siya sa opisina. Nag-aaral pa kasi si Gavin sa US at high school pa ako noon.

"Mas mabuti na 'yang alam mo ang ganyan, Det anak. Paano kung kukunin na lang ako ni Lord at walang nagbabala o nangangaral sa 'yo?"

"Mama naman!"

"Ako lang naman ang puwede mong makausap tungkol diyan, 'di tulad ko na wala akong mga magulang na nagisnan at lumaki sa bahay-ampunan. Pagkatapos ng high school, bumukod at nagtrabaho ng kahit na ano. Ni hindi ako nakatuntong ng college. At iyon, nakilala ko nga ang Daddy Stefano mo. Ang guwapo-guwapo niya, matipuno at ang sarap-sarap niyang pakinggan kapag nagsasalita kasi Italyano. Dalawang buwan lang bumigay na ako, kasi mahal ko rin naman. Iyon pala, may asawa siya. Si Emilia."

"Iniwan ka niya agad, Ma?"

"Hindi. Gusto pa sana niyang magpatuloy kami lalo nang nabuntis ako pero ako ang umayaw. 'Di ko man lang alam naging kabit pala niya ako, 'no? Ang talipandas na 'yon! Kaya ikaw, Det anak, basta guwapo at kahit na gustong-gusto mo na talaga siya o kaya naniniwala kang mahal mo siya, huwag kang magpapadala sa bugso damdamin at hormones mo. Dapat maging sigurista ka rin. Dalawa lang 'yan, eh. Kung ikaw lang ba ang kaya niyang mahalin habang-buhay o hindi. Kaya dapat may ultimatum ka. Kaya ka ba niyang pakasalan o hindi. Mula roon, titimbangin mo kung sasaya ka bang kapiling siya o hindi.

"Sa panahon ngayon, marami nang imoral na relasyon, Det anak. Ayokong makigaya ka. Ayokong matulad ka sa 'kin. Gusto kong nandiyan pa rin ang takot mo sa Panginoon. Dignidad at puri lang ang meron tayong mga babae. Kung hahayaan natin ang mga lalaking tapakan 'yon, ano pa ang matitira sa 'tin? May mga tao kasing walang inaatupag kundi ang tingnan kung ang maling ginagawa natin. Hinuhusgahan tayo dahil sa naging desisyon natin. Kita mo naman kung ano ang mga pambabastos at panghuhusga ang nakuha ko sa mga dating kapitbahay natin noon, 'di ba? At ayokong mangyari din 'yon sa 'yo," litanya ni Mama.

Napalunok ako at napatitig sa family picture naming nasa nightstand ni Gavin. Hindi ko alam na may kopya pala siya niyon, noong kasal nina Mama at Daddy Greg. Katabi ng picture frame na iyon ay ang sarili niyang family picture kasama ang mga magulang niya bago namatay ang mga ito sa isang helicopter crash sa New York. Walong taon pa lang daw noon si Gavin nang mangyari ang trahedyang iyon.

Kawawang Gavin. Nawalan siya ng mga magulang sa loob lang ng isang araw sa murang edad niya. Kaya hindi ko siya masisisi na sobrang seloso pagdating sa lolo niya na akala niya ay aagawin namin ni Ate Jennifer kasi nga nag-asawa nang pangalawa at pangatlong beses si Daddy Greg.

Kinuha ko ang family picture ni Gavin noong maliit pa siya at napangiti. Tss! Ang cute-cute niya dahil nakangiti siya at napagitnaan ng kanyang mga magulang na nakahawak sa kamay ng mga ito. Unang tingin mo parang napaka-sweet na bata pero 'yon pala ay sobrang sungit at napakaprangka. Siguro kung hindi maayos ang pagpapalaki sa kanya ni Daddy Greg, malamang psycho ang labas niya. Walang duda 'yon. Buti na lang ay kinuha siya ng lolo niya sa States at dinala sa Pilipinas.

Ibinalik ko ang picture frame at sinulyapan ang banyo. Bahagyang nakaawang ang dahon ng pinto kaya sumilip ako roon. Dahan-dahan ko iyong itinulak para makasiguradong wala nga siya.

Napanguso ako. Medyo disappointed akong wala akong nakitang Gavin na nakahubad doon at hindi sadyang mabosohan.

Ano? Hindi ako mamboboso, ah!

Saan kaya siya tumambay pagkatapos ng dinner? Ah, baka nandoon sa dating library ni Daddy Greg na ginawang home office niya. Baka nandoon siya at may inasikasong trabaho.

Atubili man akong pumunta ay nagdesisyon na ako na puntahan siya roon para kausapin. Ngunit bago pa ako makalabas sa mabango at malinis niyang malaking banyo, nahagip ng paningin ko ang isang magandang pinkish white na jasmine flower pop-up card sa basurahan. Ewan ko lang pero nagpakain ako sa kuryusidad ko at pinulot iyon para basahin.

Stylish at maganda ang sulat-kamay na iyon. Maganda yata ang may-ari.

"My darling Gavin,

We need to talk about us.

Love,

Your favorite flower"

It was direct and precise. At para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nanginig ang mga kamay ko at tila puputok ang ugat ko sa sentido. Kung ganoon ay may ibang babaeng mahal si Gavin? Ba't hindi niya sinabing may nobya na siya? Sa tono nito ay parang napakaimportante ng dapat nilang pag-usapan.

Is his 'favorite flower' pregnant?

Wala sa sariling kinuyumos ko ang pop-up card at inihulog itong muli sa basurahan. Nakapagdesisyon na ako. I'd call for a family meeting in the morning.


Mantovani Maids: DilettaWhere stories live. Discover now