Chapter 12: Stop!

49 7 5
                                    

"What?" Kapwa napabulalas sina Gavin at Ate Jennifer sa kanilang narinig. Nasa breakfast table kami na sadya kong pinahanda kina Maritess sa may gazebo.

Ang saya pa nilang tingnan dahil nag-effort akong doon kami mag-almusal nang alas siyete. Puro sila early riser, ako lang ang hindi pero napipilitan lang sa tuwina lalo na kapag may klase ako noon.

Maganda kasi ang panahon, sariwa ang hangin at mabango dahil sa mga namumukadkad na mga bulaklak sa hardin kaya doon ko naisipang ibalita sa kanila ang napagdesisyunan ko kagabi.

"You heard me. I'm leaving this house by tomorrow," pag-uulit ko.

"And where are you going?" tanong ni Ate Jennifer na nag-aalala ang ekspresyon sa mukha. "You have no job, you have no experience, you have no relatives⸺at least no known relatives⸺"

Napasulyap ako kay Gavin na may nakaguhit na galit sa mukha niya. Gusto kong matuwa dahil hindi ako nagpahimok sa kanyang manatili sa bahay sa kabila ng sinabi niya sa 'kin no'ng magkasalo kami sa pagkain.

"Ate, I've decided to see and meet my father Stefano Mantovani. He's living in Tarlac. May address ako sa kanya, kaya 'wag kang mag-aalala."

"Your mother specifically warned you about not going to him. You promised not to see him. Ever! You know what it means if you ever met him, Diletta! It's chaos!" mariing wika ni Gavin na nagbabaga ang mga matang nakatitig sa 'kin.

"You're right. I did promise my mother... pero babaliin ko 'yon. I have to." Nagmamatigas pa rin ako.

"Why do you have to?" iritableng usisa ni Gavin sa 'kin. "Your mom said⸺"

"Alam ko kung ano ang sinabi niya noon sa 'kin, Gavin!" agaw ko at napatagis ng bagang. "Maayos na raw ang buhay namin at hindi na pinagchichismisan kaya huwag nang ungkatin ang nakaraan. At alam n'yong dalawa na kahit sa ginawa ng ama ko, gusto ko pa rin siyang makita at makilala."

Napasandal sa kanyang upuan si Ate Jennifer at napakamot ng kanyang daliri sa sentido samantalang si Gavin ay mahigpit ang pagkakahawak sa tinidor at kutsara. Nasa plato niya ang bacon, chorizo at sinangag.

"Will you stop being childish for once, Diletta? May asawang tao ang ama mo. You can't just barge into his life like that and tell him, 'Hey, I'm Dorina's daughter. She told me you're my father. She's dead, by the way. Can I crash at your place? Or maybe it's better to live with you now that she's gone. I promise, I'll be a good daughter'? For Pete's sakes! You haven't discerned this carefully, have you?"

Napalunok ako pero hindi ako nagbawi ng paningin. Sinalubong ko ang galit niyang mga mata. Eh, galit din naman ako! Siya lang ba ang marunong? Isa pa, hindi ko na masisikmurang nasa iisang bahay kami pagkatapos ng nalaman ko. Gusto ko mang masuka pero hindi ko magawa. Kahit paano ay ninanais ko pa ring halikan siyang muli.

Uminit ang mga sulok ng mata ko habang nakatitig sa kanya. Deep inside, I was yearning for him. Pesteng puso 'to, ah!

Humigpit ang mga kamao kong nasa ibabaw ng hita ko, sa ilalim ng bakal na mesa. Ayokong umiyak nang dahil kay Gavin. Ayoko.

"At least think it over, Det. Say, a week?" banayad na suhestiyon ni Ate Jennifer. "Maybe by then, you'll see more sense into what you're about to do."

Umiling ako. "Ate Jen, I don't need a week to do that. Staying up all night last night was enough for me to think it through!" giit ko naman.

Napabuga siya ng hangin at napatingin kay Gavin na nasa tabi niya lang. He was obviously seething. Parang nakikinita ko na ang apoy na lumabas sa ilong niya. Kung dragon pa siya, malamang ay abo na ako ngayon.

"Why are you being so stubborn? What pushed you to do this, Diletta?" sita niya.

You. It's all because of you, you butthole! How dare you steal my first kiss, make me feel things, make me confused and excited at the same time? Pero may iba ka pala? 'Langya ka!

Sumikip ang lalamunan ko at lalong uminit ang mga mata. Mabilis akong nagbawi ng paningin, kumurap-kurap nang makailang beses upang pigilan ang paglaglag ng mga luha na puwedeng ipagkanulo ako.

"You just have no clue how much I want to know my real father, Gavin. Hindi mo 'ko maiintindihan kasi may mga magulang ka noon. Ang ipinagkaiba lang natin ay nang mawala na kapwa ang mga magulang mo, may lolo kang sumagip sa 'yo... samantalang ako, wala. Kaya... bakit hindi ko puwedeng subukan? Kahit paano, kahit sandali lang, kahit na niloko niya si Mama, baka naman ay matanggap niya ako bilang anak, 'di ba?"

"Ba't sa ama mo pa na may ibang pamilya na, Diletta? What about me?" hirit pa ni Gavin.

"And me," singit ni Ate Jennifer na binigyan ng matalim na tingin si Gavin.

Sinulyapan siya ni Gavin na may kakaibang tingin pero hindi ko mabasa kung ano. Basta ang alam ko lang ay hindi niya talaga gusto ang desisyon kong pag-alis sa mansion.

Napatawa ako nang mapakla. "Gavin, do you remember? I was so little then, but I can still recall it. You did tell me we'll never be family kahit na makasal pa si Mama sa lolo mo."

His eyes wavered for a bit.

"He told me the same thing!" anang Ate Jen.

"He's such a piece of work, isn't he, Ate?" Napasingasing ako.

Kapwa kami napatingin kay Gavin na nakatitig sa 'kin na parang lalapain niya ako.

Lalapain saan? Ayaw mo pa no'n? Masarap kayang lumapa sa labi si Gavin, malanding singit ng isip ko. 'Di ba natikman mo na nga at gusto mo pa... Moore... Moore... Este, more... more...

Buwisit! Humaharot pa!

Biglang tumayo si Gavin pagkabitiw ng mga kubyertos na naglikha ng ingay. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa mesa at nakadukwang.

"I'm not on board with this crazy idea of yours, Diletta. Not ever!" Hinampas niya ang mesa na halos ikalundag namin ni Ate Jen. Pagkatapos ay umalis na siyang hindi maipinta ang mukha.

Napatingin ako sa malapad niyang likod. Nakasuot lang siya ng board shorts at sando. Nakabalandra talaga ang maganda niyang back view at napatingin akong muli sa kanyang pang-upo.

Ogle pa more! Baka ito na ang huli mong chance, Diletta!

Peste! Ang sexy talaga niya. Kulang na lang ay maglalaway na ako. Iyon nga lang, hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya. Hinding-hindi ko mararanasang hawakan man lang o haplusin ang pang-upong iyon.

Oh, Lord God! Pinagnanasahan ko ba talaga siya? Hindi talaga 'to puwede kaya tama lang ang desisyon kong umalis sa bahay na ito dahil kung hindi, mababaliw ako!

Binawi ko na lang ang paningin ko nang makitang pumasok siya sa mansion gamit ang pinto sa may kusina. Narinig ko pa ang padabog niyang pagsara ng screen door.

Napapikit ako nang saglit. Pagmulat ko ay napansin ko ang kakaibang pagtitig sa 'kin ni Ate Jennifer.

"Are you sure about this? I mean, really, really sure?" Ang cute niya talaga sa British accent.

Humugot ako ng hininga at marahan iyong pinakawalan. Tumango ako sa kanya.

Napailing siya. "We have the same asshole fathers, Det. Kahit si Mommy no'n, ayaw niyang makilala ko ang tunay kong ama. Before she married Daddy Greg, my father died in an accident. Nalungkot ako dahil hindi ko man lang siya nakita at nakilala. I hated my mother for a short time.

"You know, sometimes, we're better off those kinds of people in our life. There's a reason why we're meant to be where we are and who we are with. You must realize who those people were beside you, especially during the time of your hardships. Those are the real people who care about you. I hope you won't forget that, Det."

Tumango ako sa kanya. "I value you, Ate Jennifer. You're the only sister that I could wish for."

Ngumiti siya sa 'kin at inabot ang kamay kong nakapatong na sa mesa. "Thank you. You and Gavin made my life worth living for, kahit na wala na si Mommy at si Daddy Greg. You're the only family I've got! And I... I will always treasure you both."

Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Buti pa si Ate Jennifer, naintindihan niya ako. Pero si Gavin? Ang damot-damot niya! May girlfriend na nga siya, eh. So, why would he want to keep me here?

His want and need be damned!

Mantovani Maids: DilettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon