Chapter 25: Mas Pinasarap na Taho

65 7 8
                                    

Alam ko kung ano ang ginagawa ni Gavin. Gusto niyang kalimutan ko ang nangyaring eksena sa labas ng supermarket. Kahit ako man ay gusto kong ipagpahinga ang sariling isipan dahil sa masyadong kalituhan⸺at takot. Hindi ko kasi alam kung sino ang nasa likod nito. Sa halip ay ini-enjoy ko na lang ang mga sandaling kasama ang lalaking unang nagpapatibok nang malakas sa puso ko. Literal.

Bitbit niya ang mga pinamili namin at sa kotse na kinakain ang mga iyon. Naalala ko pa noon na ito ang madalas naming kinakain ni Sharenn sa labas ng campus. Kaya naman ay nag-selfie ako para ipakita sa kanya.

Uy! Magkasama kayo riyan ni Kuya Gavin? tanong niya sa text nang makita kaming dalawa ni Gavin sa picture.

Hindi. Kaluluwa niya lang iyan, reply kong may tongue out emoji.

Hmm... Ano na kayo?

Walang kami. Kumakain lang ng street food. Talk to you later!

"Ano'ng sabi ni Sharenn?" tanong ni Gavin. Nahagip ng paningin niya ang pangalan ng kaibigan ko sa screen habang inabot ang baso ng taho sa dashboard nakalagay.

Ipinasok ko na sa pantalon ang cell phone ko at inabot din ang taho na para sa 'kin. Naubos na namin ang kikiam at squid balls. Nabusog na nga ako.

"Nothing important," tipid kong sagot at hinigop ang taho.

Ang sarap at ang tamis.

Napatitig siya sa 'kin at sinalubong ko ang paningin niya habang kinukonsumo ang taho. Marahan akong napakurap at inihiwalay ang baso sa bibig ko.

"Ba't nakatitig ka?"

"Ang sarap ng taho, 'no?"

Napalunok ako at tumango. "Um."

"May alam akong mas magpapasarap niyan." Ngumiti pa siya nang pa-charming at inilagay sa dashboard ang wala nang lamang baso ng taho niya.

Nagdududa akong tumingin sa kanya. "O?"

"Yup. Just finish it up."

Inikot ko ang mga mata at sinunod na lang siya at pinanood ako. Naks! Kung makatitig siya ay conscious na conscious ako habang nilulon ang taho.

Kinuha na niya ang walang lamang baso sa kamay ko pagkaubos ng taho upang itabi sa ibabaw ng dashboard.

Pagkalunok ko ay nagulat na lang ako nang hawakan niya sa batok at siniil ng halik. Agad akong napapikit ng mga mata tulad niya. Parang awtomatiko lang.

Nalasahan ko rin ang tamis ng taho sa bibig niya at napaungol ako nang mahina. Peste! Mas sumarap nga ang taho.

Ginalugad ng kanyang panlasa ang bibig ko at narinig ko rin ang mahina niyang pag-ungol, nasasarapan.

Oh, my taho! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinugon ang mapusok na halik na iyon. Iginalaw ko ang mga labi at mas lalong ibinuka iyon saka sinalubong ang kanyang dila. Impit akong napahalinghing nang hinuli niya ito at sinupsop nang banayad.

Parang nilililo ako sa kinauupuan ko at nagkagulo na ang mga little fairies sa aking sinapupunan. Lalo ring lumakas ang pagpintig ng aking puso at wala sa sariling inilapit ko pa ang sarili sa kanya. Ang mga braso ko ay pumulupot na sa kanyang leeg, hinila siya nang mas malapit sa 'kin. Ang isang braso niya ay umikot na sa katawan ko.

Napa-umph ako nang ikinandong niya akong patagilid pero hindi pa rin naghiwalay ang aming mga labi. Umikot pa ang dalawa niyang bisig sa maliit kong baywang at nilaliman ang paghalik sa akin. Para na akong mawawala sa katinuan. Siya lang ang pumupuno ngayon sa isip at sa lahat ng pandama ko. Lumukob sa 'kin ang mabango niyang amoy na tila hindi man lang siya pinagpawisan kanina sa kanyang laban.

Napaaanas ako sa pangalan niya at muling napadaing. Hinimas niya ang gilid ng baywang ko at pababa sa aking hita. Hinaplos niya ito habang ang isang kamay ay sumuot na sa likod ko, sa ilalim ng T-shirt upang salatin at haplusin ang balat ko.

"God! You're so smooth, my little rose grape," ang usual niya sa pagitan ng paghalik sa akin. Umungol siya nang gumalaw ako sa ibabaw ng hita niya. Ramdam ko pa ang matigas bagay sa harapan niya. Zipper ba iyon? Pero maliit lang ang zipper, eh. Mas malaki iyong matigas na bagay na iyon.

Narinig ko ang mahina niyang pagmumura at lalo akong sinibasib ng halik. Ako naman ay sukli lang nang sukli sa halik niya. Masarap kaya. 'Di bale nang maadik. Masarap din pala ang magpakaadik.

Sa halik.

Sa halik ni Gavin.

Jusmio! Parang gusto ko nang sumabog sa sarap.

Maya't maya ay naroong kinagat-kagat niya ang ibabang labi ko saka dinidilaan ito bago sinusupsop. Napahaluyhoy pa ako nang dumapo ang isang kamay niya sa tiyan ko at hinaplos iyon nang buong suyo. Tila may kung anong pananabik na namumuo sa ibaba ng puson ko at ramdam ko iyon sa pinakasentro ko, bagay na nararamdaman sa unang pagkakataon.

Muli akong napabulong sa kanyang pangalan. Ewan ko. Did I just sound pleading? Pleading for what? More?

Yeah, maybe. Dahil ayaw ko pang matapos ang mga halik niya sa akin.

Gumalugad na rin ang mga daliri ko sa kanyang ulo at buhok. Napasabunot ako sa kanya nang wala sa sarili nang bumaba ang kanyang halik sa linya ng panga ko at papunta sa punong-tainga. Mainit ang kanyang hininga na siyang nagbigay ng kakaibang kiliti sa akin. Napasinghap ako nang banayad niyang kinagat-kagat ang gilid ng leeg ko at pababa sa balikat. Pagkatapos ay bumalik ang mga labi niya sa may lalamunan ko at umakyat iyon paitaas upang angkining muli ang naghihintay kong mga labi. Nakaawang ang mga ito at tinakpan niya saka ipinasok muli ang kanyang panlasa upang suyuin ang sa akin.

Sa parehong pagkakataon ay umakyat din ang kanyang kamay sa dibdib ko at bahagya akong nanigas. Biglang dumilat ang mga mata ko habang kinakapos ng hininga.

"Gavin!"

Umungol lang siya at banayad na hinimas ang dibdib ko at saka pinisil ang taluktok nito sa kabila ng suot kong T-shirt at bra. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula roon at pumanaog ito sa pinakasentrong parte ng katawan ko. Parang bigla akong nawalan ng hangin sa baga. Hindi ako makahinga sa sobrang antisipasyon.

Muli kong nasambit ang pangalan niya. "Stop. Stop." Humahangos ako at sobrang init ng pakiramdam.

Agad nga naman siyang tumigil nang sinabi ko iyon at kahit siya ay abot-abot ang hininga. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa mainit kong mukha.

"What is it, Det?"

Napalunok ako at hinihingal pa rin. "I-I'm so sorry. I don't think I can do this." Agad akong umalis mula sa kandungan niya upang maupo sa passenger seat. Nahihiya akong napatingin sa labas at nakita ang mga taong dumaan sa kinaroroonan namin.

Napabuga siya ng hangin. "No, no. Don't be sorry." Nang lingunin ko siya ay nakita ko pa ang paghigpit ng kanyang panga at ang paggalaw ng mga muscles niya roon. "It's okay. I think I pushed you hard and fast."

Napangiti ako sa kanya. "No, you pulled me so close, Gavin."

Napatitig siya sa akin at napangisi. "Yeah, I did." Hinawakan niya ang isa kong pisngi at hinaplos ito ng kanyang hinlalaki. "I can't take my hands off you, you know that."

"Honestly? I want your hands on me... but... it's not the right time, Gavin."

Napamura pa siya at napatawa ako.

Ngunit seryoso siya. "I'm sorry. I lost it, Det. But it's you who made me forget what I promised to your mom. I shouldn't touch you... at least not before we're married."

Napanganga ako sa sinabi niya.

Mantovani Maids: DilettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon