Chapter 17: Approved by Mudra?

57 8 6
                                    

Hinarang ng palad ko ang mukha ni Gavin bago pa niya ako mahalikan ulit. Pero ramdam pa rin ng mga palad ko ang init ng kanyang malambot na labi. Marahan kong itinulak ang mukha niya.

"Bakit para kang magnet? Hahalikan mo na naman ba ako nang walang permiso?" taas-kilay kong sikmat sa kanya.

"Testing lang. Baka naman dumampi pa," sagot niya.

Muntik na akong mapatawa pero kinagat ko lang ang labi ko nang pigil ang pagngiti. Jusko! Kinilig ako, ah.

"Alam ko namang nasarapan ka no'n, 'di ba?" pagpatuloy niya pa nang nakangisi.

Uminit ang pisngi ko at naalala ang halik niya sa 'kin na tinugon ko pa. "Aba! Ang taas ng confidence level mo, ah! Lampas pa sa kisame."

"And I was over the moon when you kissed me back," dagdag niya. Parang nakikinita ko ang euphoria sa mga mata niya.

Pilit kong ignorahin iyon at lalo lang akong nagbu-blush. Kunwari ay muli ko siyang sinungitan. "Basta, huwag mo akong pigilan. Aalis ako kung gusto ko, maliwanag?"

Napakamot siya sa kanyang ulo at kinagat din ang ibabang labi niya nang nanggigigil. Mukhang may plano talaga siya pero sinisira ko. Bahala nga siya sa buhay niya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang talaga ay respetuhin niya ang desisyon ko.

"Oo na, mas maliwanag kaysa LED lights dito sa silid mo," ungot niya.

Binuksan ko ang pinto ng silid ko at lalo lang lumukot ang guwapo niyang mukha.

"'Di ba puwedeng dito ako matutulog?"

Tumikwas ang kilay ko. "Ano? Sinusuwerte ka ba? Ano na lang ang sasabihin ni Ate Jennifer kapag nalaman niya 'to? Isa pa, sino ka ba para patatabihin ko sa pagtulog, ha?" angal ko.

"Kung hindi mo 'ko patatabihin, diyan lang ako sa couch, o," hirit pa niya. Nagsusumamo talaga ang magandang mga mata niya. Parang gusto ko nang bumigay.

"At ano? Pagmamasdan mo ako habang natutulog? That's creepy!" Ngumiwi pa ako sa kanya.

"Ako yata ang pinakaguwapong creep na kilala mo," balik niya.

"Love yourself much?" Tumaas ang dalawang kilay ko at napakuros ng braso.

"Hindi ba ako guwapo sa paningin mo?"

Napaawang ako nang ilang saglit saka napakurap-kurap. "Kung sasabihin ko sa 'yong... hindi?"

"Sinungaling ka," mabilis niyang sansala.

Kahit paano ay sumilay ang ngiti sa labi ko. Alam niya talagang guwapo siya. Ang lakas ng kumpiyansa sa sarili. Hindi man lang nagpa-humble effect ang hinayu-fuck!

Inikot ko ang mga mata. "Kung gano'n, ba't mo pa tinatanong? Umalis ka na nga!" Itinulak ko na siya palabas ng kuwarto ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla niya akong hilahin at bumangga ang katawan ko sa matigas niyang bulto. Pumulupot sa 'kin ang mga braso niya at marahan niya akong tila isinayaw nang hindi ginalaw ang mga paa. Rinig ko pa ang paghigit niya ng hininga na tila sinamyo ang amoy ko at dumapo ang halik niya sa tuktok ng ulo ko.

"It's so good to hold you like this, Det, and I'm ecstatic that I've already told you what I feel for you all these years."

Napangiti ako at inikot ang mga braso ko sa kanyang baywang.

Por dios! Ang sarap yakapin in Gavin.

Pinigilan ko lang ang sarili kong huwag bumaba papunta sa pang-upo niya ang mga kamay ko.

Puwede kayang padadaplisin ko kahit slight lang?

Nagiging pervert ka na yata, Diletta! Umayos ka!

"Pero habang tumatagal ay ang sungit-sungit mo! Mas grabe pa no'ng una kitang makilala," kantiyaw ko na lang sa kanya.

Napatawa siya nang mahina. "I thought I could supress my real feelings for you if I acted that way. I thought... at some point, it was not right. You're my grandfather's stepdaughter, after all, and I did respect Tita Dorina."

Inangat ko ang mukha ko upang salubungin ang tingin niya. "Kung buhay pa si Mama ngayon, ibig bang sabihin ng sinasabi mo ay hinding-hindi mo aaminin sa 'kin ang damdamin mo?"

Marahan siyang kumurap habang nakayuko at nakatunghay sa akin. "Your mom already knew I have feelings for you. We had a heart-to-heart talk just a week before she died."

Nagulat ako sa narinig at biglang nanubig ang mga mata ko.

"Inamin ko sa kanya ang totoo dahil hindi ako makapagsinungaling sa kanya. Napansin niya kasi ang mga kilos ko mula nang dumating ako galing US. Pero... sinabi na niya sa 'kin na may napapansin na siya dati pa bago pa man ako umalis. Noon niya lang ako kinumpronta talaga. Siguro... dahil alam niyang hindi na siya magtatagal. Baka nakikinita na niya noon na iiwan na niya tayo, lalo ka na."

Tuluyan nang namilisbis ang mga luha ko.

"I swore to her that I'd take care, protect and love you for the rest of my life, Det. She was so happy about it."

Ibig sabihin ay boto si Mama kay Gavin?

Kulang na lang ay ngumalngal na naman ako na parang baka pero pinigilan ko lang. Niyakap niya akong muli habang yumugyog ang mga balikat ko. Mahigpit pero maingat ang klase ng yakap niya at gusto ko iyon. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa loob ng mga braso niya.

"I'm so sorry about your mom, Det. If I could only save her, I would have."

Napagtanto kong mali pala ang pagkakilala ko kay Gavin sa loob ng mahabang panahon. Akala ko noon ay galit talaga siya sa 'kin at kay Mama.

Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa tumigil din kalaunan nang gumaan na ang dibdib ko. Nabasa na ng luha ko ang suot niya pero hindi siya nagreklamo. Sa halip ay dinampian niya ng halik ang basa ko pa ring pisngi.

"Are you sure you don't want me to stay with you tonight?" pabulong na tanong niya na may buong lambing. O kaya ay inaakit niya ako?

Umiling ako at napasinok.

Napabuntong-hininga siya nang malalim na tila talunan sa casino. "You're really stubborn, aren't you?"

Humiwalay ako sa kanya at umatras papasok sa silid ko. "Salamat, Gavin."

"Not yet. Not so fast, Det." Ikinulong niya akong muli sa kanyang mga bisig at hinalikan ang balat ng balikat ko. Accessible iyon dahil sa suot ko lang ay spaghetti tank top na pinaresan ng maikling shorts.

May kakaiba akong nadarama nang dumampi ang labi niya sa bandang doon, dahilan ng pagririgudon ng puso ko.

"Goodnight, my little rose grape," pabiro at matamis na anas niya.

In fairness, gusto ko ang endearment niya. Unique and sweet.

Banayad niya pang ikiniskis ang tungki ng ilong niya sa balat ko at napasinghap tuloy ako.

"Hanggang kailan mo planong mangchachansing kahit hindi pa kita sisanagot, Gavin?" marahan kong sita sa kanya.

Idinampi niya ulit ang mga labi sa balikat ko at naramdaman ko ang pagngiti niya.

"'Til you decided to tell me your feelings, too? And then... we'll go to the next level," makahulugang sagot niya. Sobrang lapit na naman ng mukha niya sa 'kin.

Napaatras ako ng ulo at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "I-next level mo ang mukha mo! Goodnight! Kung kaya mo akong hintayin, maghintay ka."

"For how long?" Pinasingkit niya pa ang mga mata niya.

"Maybe years?"

Umungol siya bilang pagreklamo. "Sure ka bang matitiis mo 'ko?" paninigurado niya. May panunudyo pa sa mga mata.

Napangiti ako. "Malay mo kung magiging buwan o linggo o araw ang ilang taon?" Tumiyad ako at hinalikan siya sa tungki ng ilong niya.

"If you say it that way, I'm sure I can wait even if it takes years." Nakangiti pa siya nang nakaloloko. Ngiting tagumpay.

Hay! Gusto ko nang masanay sa ngiti niya imbes sa masungit niyang mukha. May kakaibang halukay talaga sa tiyan ko ang ngiti at titig niya.

But come tomorrow. I was sure as hell that his smile would fade away...

Mantovani Maids: DilettaWhere stories live. Discover now