Chapter 10: Safety Precaution

81 6 8
                                    

"I said, where were you? Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?" muling usisa ni Gavin sa 'kin. Nasa puerta mayor pa ako at bitbit ang mga pinamili ko.

Nakatitig siya sa 'kin na magkasalubong ang magandang kilay niya. Atubili ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi 'yong nangyari malapit sa parking lot sa mall.

"Nag-shopping. 'Di mo ba nakita ang mga 'to?" pagtataray ko.

"It's past dinner time. Nakalimutan mo bang sabay tayong kakain?"

"H-hindi naman." Ngumuso ako.

"Are you doing this on purpose?" He looked disappointed and hurt. Ewan ko na lang kung tama nga ba ang pagbasa ko sa kanya. Minsan kasi semplang pa naman ako pagdating sa pagbabasa ng tao. But then again, maybe I was right when I looked at him again.

"Gavin, pasensiya ka na talaga. N-naaliw lang ako sa pagsho-shopping a-at..." Hindi ko na maituloy ang sasabihin. Ayoko talagang magsinungaling, lalo na sa kanya.

"Did something happen?"

Napamaang ako sa kanya. "P-paano mo...?" Kumurap-kurap ako.

Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mga mata at lumamlam ang mga ito. Kinuha niya ang mga bitbit ko at saka tinawag si Maritess.

"Pakiakyat ng mga ito sa kuwarto niya, Tess," marahang utos niya sa helper na agad ding tumalima.

Hinawakan ako ni Gavin sa kamay at saka dinala sa washroom para makapaghugas ng mga kamay. Light green ang oval sink na may parihabang counter na gawa rin sa tiles. Nakabukas lang ang pinto at nakasandig siya sa hamba nito. Pinanood niya akong naghuhugas ng kamay.

"Tell me, what happened?" tanong niya.

Napalunok ako, nakatungo lang ang ulo. "Wala naman... masyado."

"Tell me in detail, Diletta." Mahinahon ang tono niya pero may diin, tipong hindi ko mahihindian.

Naks! Lakas talaga ng coaxing power niya.

Medyo nagulat lang ako dahil nasa likuran ko na pala siya. Hindi ko man lang narinig ang mga yabag niya. Lumunok ako at napatingin sa kanya sa pamamagitan ng bilugang salamin.

"Otherwise, I'm going to make you speak about it in another persuasive way that I know so well, in which you'll be responsive. I promise you that," ang bulong niya sa tainga ko.

Muntik na akong mapangaligkig sa init ng kanyang hiningang pumaypay sa tainga ko. Dahil dito ay tila may nagkakarerahang kabayo sa dibdib ko at napasinghap ako.

Pansin kong nakatukod ang mga kamay niya sa counter. Ang resulta ay nakabilanggo ako sa mga iyon at sa katawan niya. As in, super conscious akong nasa likod ko lang siya at bumalabal sa 'kin ang bango niya. Huminga ako nang malalim at pinuno ang baga.

"Fine. I met my childhood enemies at the mall," panimula ko.

"Great start," sarkastikong aniya at napasingasing.

His lopsided smile did not escape me. Magkahinang pa rin ang paningin namin sa salamin. I dared not move my head and turn to look at him. Baka mahalikan ko pa siya, bagay na dapat na iiwasan ko pagkatapos niya akong halikan kaninang umaga.

It felt a long time ago, but at the same time, it felt like it was just some moments ago. It was weird. Hanggang ngayon ay tila nadarama ko pa rin ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. It was sweet and gentle and exciting. Plus, hot!

Muli akong napalunok at nagpatuloy sa pagsasalita, "The reason I'm late is that... I think a holdupper was after me."

"What?"

Mantovani Maids: DilettaWhere stories live. Discover now