Chapter 23

95 8 0
                                    

<Jhan Cell's POV>

Tulad ng inaasahan, nabulabog ang kasal ni Roan at Drin dahil sa mga reporters na nagkalat sa buong venue. Nasa gitna palang ng paglalakad si Roan patungong altar noong nagsidagsaan ang mga reporter na akala mo ay sundalong susugod ng giyera.

"WHAT THE HELL IS GOING ON?!!!"

Narinig kong nagpupuyos na sigaw ni Aldrin habang nakakuyom ang mga kamao. Dinaluhan naman agad siya ng tatay ni Roan at tila ba pinapakalma kahit na kapansin-pansin na nagpipigil din siyang sumabog sa galit dahil mayroong mga camerang nakatutok sa kanila.

"Mr. Dela Monte, bakit po tila huminto ang kasal dahil sa mga reporter? Ayaw niyo po bang ipakita sa buong mundo ang kasal ng inyong anak na si Roan? At ano naman po ang dahilan? Dahil po ba pinilit lang ang kasal na ito? Sumagot po kayo, Mr. Dela Monte." Tinadtad ko ng tanong ang tatay ni Roan habang nasa harap kami ng sangkatutak na camera. Nagkakagulo pa ang mga reporters at cameraman para makuhanan ang bawat detalye ng pangyayari at makakuha ng impormasyon sa abot ng kanilang makakaya.

"Totoo po bang arranged marriage lang ang nagaganap na kasal ng iyong anak, Mr. Dela Monte?"

"Bakit po, Mr. Dela Monte?"

"Napilitan lang po ba ang iyong anak dito?"

"Ano po ba ang masasabi niyo?"

"Nagmamahalan po ba talaga sina Roan at Aldrin?"

Binato ng mga reporter ng mga tanong si Mr. Dela Monte. Ngunit sa halip na sagutin niya ang mga tanong na ito ay nilapitan niya ang pari na nakatayo sa gitna ng altar at binulungan.

HATING the IDOL (Completed✔)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz