Chapter 19

65 10 4
                                    

<Jhan Cell's POV>

"JC." Naramdaman kong may dahan-dahang tumatapik sa pisngi ko pero dahil sa inaantok pa ako ay benalewala ko lang. "Wake up, JC." Medyo lumakas ang pagtapik niya saakin kaya humarap ako sa kabilang banda at nakatalikod na sakanya. "Babangon ka diyan o ikukulong kita dito sa kwarto?!!!" Nag-iba ang ihip ng hangin, parang magtra-transform na ang bruha kaya napilitan na akong bumangon.

"Bakit ba ginigising mo ako? Hindi naman kita ginigising kapag tulog ka ah." Reklamo ko habang kinukuskos ang aking mga mata.

"Ang sarap sarap pang matulog eh!!!"

"I'm going somewhere that's why I needed to wake you up. Magpapaalam muna ako bago umalis." Sabi niya. "Baka kasi hanapin mo ako paggising mo kaya ginising kita bago ako umalis."

"Luh! Asa ka." Pagsusungit ko.

"Aalis na ako, JC. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Tulad ng mga dati kong paalala sayo sa tuwing aalis ako, huwag mong kakalimutan." Para siyang nanay! Hindi na ako bata para sabihan niya pa ng ganyan. Tsk!

"Sige. Sige. Shooo! Alis na."

"Mag-ingat ka, JC." Huling bilin niya bago lumabas.

Humikab ako dahil sadyang inaantok pa talaga ako. Matutulog muna ulit ako dahil nakita ko na maaga pa naman. Niyakap ko ulit ng mahigpit ang unan at natulog muli. Ang sarap talagang matulog. Zzzzzzzzzz!!!

***

🎶I still hear your voice
when you sleep next to me
I still feel your touch
In my dream

Forgive me my weakness
But I don't know why
Without you it's hard to survive

'Cause every time we touch
I get this feeling
And every time we kiss
I swear I could fly

Can't you feel my heart beat fast
I want this to last
Need you by my side~🎶

Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko. Agad akong bumangon at nagunat-unat. Tirik na tirik na ang araw, siguro ay tanghali na. Hinanap ko kung nasaan ang cellphone ko upang masagot kung sinoman ang tumatawag.

🎶'Cause every time we touch
I feel the static
And every time we kiss
I reach for the sky

Can't you feel my heart beat so...
I can't let you go
I want you in my life~🎶

Nahanap ko ito sa ilalim ng unan at agad na sinagot ang tawag kahit na walang lumabas na pangalan dahil unknown number lang ang nakalagay.

"Hello?" Panimula ko pagkatapos sagutin ang tawag.

["JC?"] Sagot ng kabilang linya. Pamilyar ang boses ng lalakeng nagsasalita.

"Yes, I am."

["Kumusta kana, bunso? Ako 'to Kuya mo!]

"Kuya! Ayos lang naman hahaha! Ikaw?"

HATING the IDOL (Completed✔)Where stories live. Discover now