Chapter 2

68 4 0
                                    

CHAPTER 2:
HARSH REALITY

*******************************************

JHAN CELL'S POV.

"Bakla! Tawag ka ni Sir Dragon." bigla na lang sumulpot si Lina sa likod ko.

"Sige. Pupunta na ako, bantayan mo tong mga gamit ko aaa." sagot ko.

"Grabe!!! Kung maka-utos wagas. Di mo ko utusan baklita ka😤." natawa nalang ako sa pagrereklamo niya.

Kumatok na muna ako sa pinto ng opisina ng Boss ko bago pumasok sa loob. Bumati ako sa matabang lalaking nakaupo sa harapan ko ngayon.

"Sir pinatawag niyo daw po ako." tanong ko sakanya.

"Umupo ka." sagot niya.

Nang makaupo ako ay saka siya nagsalita ulit.

"Didiretsuhin na kita. Hindi nagustuhan ng nakakataas ang sinulat mo at maging ako din. Sino ba naman kasi ang magbabasa ng isang article tungkol sa buhay ng isang baklang pokpok." -boss

"Sir isa po yung storya ng buhay ng isang baklang nag tratrabaho sa comedy bar pero inabuso ng kanyang among Arabo. Hindi po sya pokpok, isa po syang biktima ng sexual harassment." pagpapaliwanag ko.

"Hahahahahaha!!! Sino bang lalaki ang mang re-rape ng bakla kung mayroon namang mga babaeng bayaran sa tabi-tabi. Mag-isip ka nga JC." tawa in boss.

HATING the IDOL (Completed✔)Where stories live. Discover now