Chp.23: The Garden

397 18 0
                                    

"That's not a nice way to greet your boss." 

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Ang sinabi niya kasi sa akin kahapon bago ako umalis ay may kikitain daw siya na friend.

Hindi ko naman alam na NANDITO pala yung friend niya.

"Adeline invited you?" Mapanuri ko siyang tinanong. Nagtataka lang ako dahil noong wedding naman ni Janelle ay wala namang nag-invite sa kaniya, kungdi yung may ari ng resort.

"Si Sidney actually." 

Ah...I wasn't expecting that too.

"Friends kayo?"

Nag-uusap kami habang naglalakad na kami pabalik sa loob ng bahay nila Sidney. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kotse ni Mara na nakaparada pa rin sa labas ng bahay. Akala ko ba umalis na siya?

"Yep, naging classmate ko siya sa Canada pero nag-transfer din ako kaagad."

Tumango nalang ako at hindi na siya tinanong pa dahil baka masyadong personal.

"I bet that you're a close friend of Adeline?"

Inunahan ko na siya umupo sa inupuan ko kanina, pero wala na rito sina Andy. "Yes, since highschool."

Tahimik naming pinagmasdan yung mga tao na nagsisimula na dumami. Sinubukang hanapin ng mga mata ko sina Andy pero hindi ko rin sila makita. 

"Here comes the princess." Masiglang sinabi ni Persia na umalarma sa akin kaya napatayo rin ako kasabay yung ibang bisita para pumalakpak.

"She says hi to everyone." Si Adeline nalang ang nagsabi dahil nahihiya na naman si Rae sa maraming tao.

Pagkababa nila ay sinalubong sila ni Sidney at Kayla na may hawak na cake. Nagsimula na rin kumanta ng 'Happy Birthday' ang mga tao sa loob ng bahay kaya nakisabay na rin kami ni Persia na todo ang ngiti kay Rae.

"What a cute family." Mapantasya niyang sinabi.

"True, since naging sila ni Sidney, Adeline just seems to be glowing and happier." 

If only I could find someone to make me feel like that too...

"Happy birthday, Rae!"

Nagpalakpakan at nag-cheer ang mga tao kay Rae kaya isang ngiti ang nagpakita sa kaniyang mukha. Ibinaba na ni Adeline si Rae mula kaniyang mga braso para paghandaan siya ng pagkain. Pumunta rin lahat ng bisita sa kusina kung saan nandoon nakalatag ang napakaraming handa.

"Let's eat?" Tanong ni Persia.

"Yeah, of course."

Habang sumusunod ako kay Persia ay nakita ko sa gilid sila Andy na kung ngumiti ay tila nagwagi sa olympics. Hindi ko nalang sila pinansin ulit dahil baka makita ni Persia.

Nang nakarating na kami sa kusina ay inabutan ako ni Persia ng plato. "Thanks."

Ngumiti lang ito at sinenyasan ako na mauna na kumuha ng pagkain.

"Gusto mo ba sa labas? Medyo maraming tao na rito eh." Tumango siya sa inupuan namin kanina at totoo nga na maraming tao yung nakapaligid doon.

Pumayag naman ako at naglakad kami pareho palabas ng bahay. Pumunta kami sa garden kung saan may maliit na table at upuan.

We ate in silence pero hindi ko malalagpasan ang mga pagkakataon na makikita ko si Persia na ninanakawan ako ng tingin.

Indebted (GXG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang