" Salamat ulit " Sabi ko at akmang tatalikod nang hatakin niya ang polo ko.


Binalingan ko siya at nagtatanong na tinignan kaso bigla siyang yumuko.


" Ah ano pangalan mo? pag kailangan mong tulong tutulungan kita " Sabi niya.


Napangiti ako ulit at tinapik siya sa pisngi, tinaggal niya ang pagkakapit niya sa akin at tumingin saka namula, patay tayo dyan.


" Luis pangalan ko, sige mauna na ko" At nagmamadali akong umalis.


Grabe tumindig balahibo ko dun ah! Sa susunod nga hindi na ako ngingiti tss.


———



" Luis bhebhe ko, sabay na tayo magmeryenda ! " Pacute na sabe ni Angeline habang todo kapit sa braso ko.


Sa pagkakataong ganito kating kati akong sabihing babae ako, hays kung pwede lang sana.



" Wag na, baka pabugbog pa ko ng fiancee mo " Sagot ko at sinukbit sa balikat ko ang back pack ko, alam ata ng babaeng to schedule ko at talagang natitimemingan ako palage.



Naalala ko tuloy yung nangyareng basketball kahapon, natapos na kanina yung foundation day at nanalo ang tropang dilaw sa men's basketball, achievement daw un.


Kakadikit netong babaeng to sakin pati tuloy yung michael umiinit ang dugo sa akin. Icheer ba daw ako imbes na yung fiancee niya, tinaguan ko na nga to nakita pa ako.


" Galing mo kahapon bhe, nakabog mo sila kent! yung undeafeated! "



Umismid lang ako sa sinabe niya tska pilit tinatanggal ang pagkakakapit niya, binabalik naman niya kada alisin ko kaya hinayaan ko na lang, sayang energy ko.



" Bat ba kase ayaw mo dun sa micheal? " Tanong ko habang naglalakad papalapit sa counter ng canteen para bumili ng makakain.



" Ayaw ko naman dun simula nang malaman kong siya ang fiancee ko, kilalang playboy un eh. I don't like sharing at hindi applicable iyon sa lalaking tulad niya "


Napataas ang kilay ko dahil madaming napapatingin sa amin, lakas din pala makahatak ng atensyon nitong babaeng to. Well, naintindihan ko naman ang reason niya kung bakit ayaw niya sa lalaking iyon.



Kahit ganito ako, I wont settle with a man who submits himself to many girls, Pag ako, ako lang dapat.


Makapagsalita ako akala mo magaasawa, ni wala sa hinagap ko iyon.


My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now