U.M-12

7K 154 15
                                    


CTO: ni VCDR

Samantha POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Eric. na-bored ako sa bahay nina kuya vaugh eh. wala pa din sina mommy at daddy, bukas pa ang uwi. kapag 'dun ako sa mansion ng mga Del Rosario maalala ko lang 'yung nangyari sa amin ni Craig na 'yun. kung pwede lang ba turuan ang puso, sana tinuruan ko na 'to. para mapabaling ko sa iba ang pagtingin ko.

" Bessie!!." tili ng bakla sa akin, ng makita ako sa may gate nila. pati si manong guard nila napapitlag sa gaga. hindi ko napigilan ang tawa ko ng makita si bakla. at ang gaga mukhang nahiyang ng sobra sa Cali ang puti na at flawless pa. naka-short lang siya na sobrang ikli. feel na feel pagka-girl.

nakipag-beso beso ako sa kanya.

" kumusta ang sexy kong bff?." biro ko sa kanya, at bigla siyang nagpose na mala-tyra bank at umikot ikot pa. napabungisngis ako sa ginawa niya.

" iiiiih...bes namimiss ko ang kuya JV mo. emegerd, alam mo bang niyakap niya ako ng super higpit ng ihatid niya ako sa airport?." nagtwi-twinkle ang mga matang kwento sa akin ni Eric. nauna kasi ako umuwi sa kanya dito sa pilipinas. at kahapon lang siya nakauwi.

" well, bes. i have a good news for you. uuwi dito sa pilipinas ang kuya JV ko. and take note sa bahay siya mag-stay ng one week bago siya luwas ng tagaytay, kasi may bibilhin siyang rest house 'dun." sabi ko kay Eric habang nakaupo kami sa may Hardin nila.

"waaaaaaaaaaaaah! ohemgeeee, besh es des trulala??! uuwe se fefe jeyveee?. kelengen kew megpegende neng sebre kepeg nekwte neye eke." literal akong napanganga sa ginawa niyang pagsasalita. baliw talagang 'tong si Eric.

"calm your tits! Bessie, ang ingay mo.", natatawa kong sabi. kahit kailan talaga ang baklang 'to kapag usapang gwapo na.

"labas tayo ngayon bes, na-bored kasi ako 'dun sa bahay nina tito drew eh." nakalabi kong sabi sa kanya.

" weh? wala lang si vonjing kaya nabored dun." maarteng sagot niya sa akin, sabay paikot ng kanyang mga mata.

" whatever you say! sige na magbihis ka na. namiss ko makipag-bond sayo bakla." malambing kong sabi sa kanya, at niyakap siya. para namang may nakakahawa akong sakit bigla siyang kumalas sa yakap ko.

" ewww beeeees...wag mo nga ako yakapin ng 'ganun, so gross gosh!". sabay pagpag niya ng kanyang mga kamay. natawa ako sa kanya at pinagkikiliti ko siya sa tagiliran. sigaw ng sigaw si Eric. narating namin ang kwarto niya na nagkukulitan pa rin.

~~
nandito kami ngayon sa ice cream parlor ang aming favorite place.

" hey' bes, anong feeling nakita mo ulit si vonjing?." ngiting nanunuksong tanong sa akin ni Eric.

" hinalikan niya ako kagabi." walang gatol kong sagot kay Eric. na siyang nagpanganga sa kanya, habang nasa bibig niya pa ang kinakain niyang ice cream.

" you guys! kissed?!. ohemgeeee...! saan kayo humantong?. sa chuvachuchu ba?." brutal na tanong ni Eric.

" gaga!." sabay hampas ko sa kanya. " hindi noh! eh, kasi naalala ko 'yung video na pinakita mo sa akin kasama 'yung babae na 'yun." naka-pout kong sabi kay Eric. nagsasalita pa ako, biglang napagawi ang tingin niya sa may likod ko.

" speaking of the hitad, Bessie. Hindi ba siya 'yung girl na ka-torjak ni fafa vonjing sa bar.?" naniningkit ang mga matang sabi ni Eric sa akin. sabay nguso sa may likuran ko. bago pa ako mapalingon sa tinuturo niya natawa naman ako sa term na gamit niya.

" gaga! anong torjak?." nagugulumihan kong tanong sa kanya.

"ayy Bessie, torjak chugachuchuan iyon." halakhak niyang sagot sa akin. "siya 'yun di ba?." nilingon ko ang babaeng sinsabi niya. si marga nga, nakilala ko na siya 'nun. napatingin siya sa may gawi namin. bigla niya akong tinaasan ng kilay, na siya din kong ginawa. kapal ng mukha mukha naman clown!.

FANFICTION : UNKISS ME (A Side Story of Taming a Casanova) COMPLETEDWhere stories live. Discover now