Chapter 58

2 0 0
                                    

How to Make Cyrus Happy group chat

FRI AT 9:25 PM

: huwag n'yong
gawing isyu ito, ah.

: kasama ko lang siya
as a friend.

: seryoso na ako sa pagmo-move on ko.

: hindi na ako
maghahabol kasi hindi naman ako hayop, tao ako.

Miss Beautiful

: Hindi kaya, mare. Mukha kang hayop.

: ang bastos mo,
mare.

: pasmado utak
mo pati kamay.

Miss Beautiful

: Baka as a friend lang 'ka mo, pero sa loob-loob mo, gusto mo pa rin.

: may isang salita
na ako, mare.

: ayaw ko na
dumagdag sa problema nilang dalawa.

: nang dahil sa akin
kaya nag-away sila, e.

: pero may kasalanan
din siya kasi hindi niya sinabing nandoon pala si Shiela.

: kung in-inform niya
agad sana ako, edi hindi ako pupunta.

Miss Beautiful

: Kung nang-inform siya, paniguradong hindi mo pa rin siya titigilan. Hindi mo mare-realize na may nasisira ka ng relasyon. Hindi mo mapapalitan ng ganito group name.

: sa bagay.

: mas maganda na rin
iyong hindi ko na ituloy

: kasi kahit bumalik
lang siya sa akin may kahati na ako.

: may anak na kasi
siya, 'di ba.

: kahit tanggap kong
ako na lang maging nanay noong bata sakali, iba pa rin kung ang nanay at tatay talaga ng baby ay magkasama.

Miss Beautiful

: Gumagaling na utak mo, mare.

: Natatanggap mo na talaga.

: siyempre naman.

: naparami na naman
ng inom.

: daldal nang daldal

: puro Shiela at anak
niya ang bukambibig.

: gusto niya talagang mabisita baby niyang
may sakit.

: alam mo ba, mare.

Miss Beautiful

: Bakit, mare?

: Kawawa naman siya. Kahit ipasilip lang sana ni Shiela kasi siya pa rin tatay ng baby nila o kahit i-update man lang sa chat kung ano na kalagayan.

: kaya nga, mare.

: kahit ganoon na
lang sana kasi ganoon hiling niya.

: pinabasa niya nga
sa akin chat nilang dalawa.

: sabi ko, ayaw kong
basahin, kaso mapilit kasi nakainom.

: ayon, tinadtad niya
ng chat si Shiela pero isang beses lang nag-reply sa kaniya at hindi na nagse-seen.

: iyong sinasabi ko
pala. . .

: nag-chat ako kay
Shiela.

Miss Beautiful

: Anong sinabi mo? Grabe ka, mare. Parang noong kailan lang sabi mong ayaw mong mangialam sa gulo nila, ah.

: hindi ko na kasi
matiis, mare.

: awang-awa na ako
sa kaniya.

: araw-araw lasing.

: kanina pagkarating
ko, naabutan ko landlady niya.

: sinisingil na siya
pero nakiusap na sa susunod na linggo.

: gusto ko ngang
bayaran nang palihim para wala na siyang problema

: kasi 'di ba
malamang, makikihati siya sa babayarin sa hospital para sa baby nila.

Miss Beautiful

: Pero nag-reply naman sa 'yo si Shiela?

: seen lang ako sa
kaniya.

: hindi ko na
dinagdagan pm ko kasi baka mairita at mag-away pa kami sa chat.

: imbes na magkaayos
sila, mas lalo pang gugulo.

: sige, mare. Ihahatid
ko na siya kasi
nag-aamok na ng away sa kainuman niya.

Miss Beautiful

: Uuwi ka pa after niyan? Baka wala ka ng masakyan.

: mayroon pa siguro,
mare. Kung wala, edi maghahanap ako ng hotel na may bakante pang kuwarto.

: fully booked na
kasi iyong hotel na malapit lang sa apartment ni Cyrus.

: wala na rin gaanong masakyan ganitong oras. Punuan na.

Miss Beautiful

: Kung hindi lang busy si insan, malamang susunduin ka niyan. Busy na kasi sa love life niya.

: hahaha. Hayaan mo
nang mag-enjoy.

: alis na ako, mare.
Chika ko na lang ulit ganap bukas.

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon