Chapter 45

2 0 0
                                    

FRI AT 11:23 PM

: any update?

: puwede na ba ulit ako bumisita? Haha.

: bitin iyong
kuwentuhan natin noong Wednesday.

: miss na kita

: miss na kitang kakuwentuhan.

Cy

: Jy, sorry. Lumalala away naming dalawa.

: sinabi mo ba
talagang nagkita tayo noong Wednesday?

: na nagkikita tayo?

Cy

: Oo.

: bakit mo sinabi?

Cy

: Kasi may karapatan siyang malaman at para ipakitang wala akong ginagawang kalokohan. Na magkaibigan lang tayo.

: malamang hindi
ganoon ang tingin niya sa akin.

: i mean, baka
para sa kaniya, magka-ibigan tayo.

Cy

: Klaro naman na sa kaniyang wala na tayo. Alam niya iyong tungkol sa atin kasi nakuwento ko na noon.

: alam niya pero bakit
ka niya jinowa? | Deleted

: nasaan iyong
pangako mo? | Deleted

: kung hindi mo
sinasabi sa kaniya ang totoo, hindi kayo mag-aaway ng ganiyan.

Cy

: Mas lalala lang naman kapag hindi ko rin sasabihin.

: e, naging honest ka
nga pero na-resolve ba problema ninyong dalawa?

: hindi tuloy ako
makabisita.

: huhuhu. gusto ko pa
naman makipagkuwentuhan.

Cy

: Sorry, Jy. Hindi na muna puwede hangga't hindi pa kami nagkakaayos ni Shiela.

: paniguradong
mabubura ulit ako sa buhay mo kapag nagkaayos kayo.

Cy

: Hindi. Maiintindihan naman niyang wala na talaga tayo.

: Papatunayan ko iyon sa kaniya para hindi na siya maghinala pa sa atin.

: paano kung hindi
siya naghihinala sa iyo, kundi sa akin pala?

Cy

: May balak ka ba?

: balak na ano?

Cy

: Kung may balak ka, huwag mo na ituloy, Jy.

: wala naman akong
balak. Gusto ko lang makipagkaibigan ulit.

Cy

: Hindi muna ako makakapag-online. Dadaan ako sa kanila bukas at makikipag-ayos.

: Galit pa naman din sa akin magulang niya.

: Kailangan ko munang linisin pangalan ko.

: paano kung bigyan
mo muna siya ng space?

: kasi baka na-shock
lang siya.

: hindi matanggap na magkaibigan tayo.

: matatanggap din
niya kung ano mayroon tayo kung bibigyan mo muna ng space.

: maiisip din niyang
hindi threat pagkakaibigan natin sa relationship ninyo.

Cy

: Siguro nga, kailangan niya muna ng space.

: Ilang araw na rin kasi akong nanunuyo. Halos mag-iisang linggo na rin.

: oh, kita mo.
Mag-iisang linggo na pala kayong hindi nagkakaayos.

: kung ganiyan
ang set up, ibig sabihin, kailangan muna niog isa iyong space.

Cy

: Tama ka nga. Ganoon na lang yata gawin ko ngayon.

: uu, ganoon ang
gawin mo para kapag lumamig ang ulo niya, saka mo siya kausapin.

Cy

: Okay. Thank you.

: welcome.

: matutulog ka na?

Cy

: Pupunta muna ako saglit sa bahay nila. Ihahatid ko lang iyong gatas at damit na nabili ko, pati na rin iyong naipon ko para sa baby namin.

: ganitong oras?

Cy

: Oo.

: lasing ka ba?

Cy

: Kaunti para may lakas ng loob.

: nako, huwag mo na
ituloy.

: mas lalo lang gugulo.

C

y

: Gusto kong pumunta para makatulog na ako nang maayos.

: Mag-uusap kami at may ibibigay.

: pero mas magandang
saka mo na ibigay iyan kapag malamig na ulo niya

: baka itapon lang
iyan kapag pumunta ka. Sayang naman pinaghirapan mo.

Cy

: Susubukan ko lang muna at kapag hindi pa rin nag-work, bibigyan ko na siya ng space simula bukas.

: okii, good luck sa
plano mo.

: at sa lakad mo.

: matutulog na ako.

Cy

: Maaga ka matutulog ngayon, ah.

: ah, pagod lang.
Hahaha.

Cy

: Sige, magpahinga ka na.

***

OPERATION: Comeback of CyJy group chat

FRI AT 11:58 PM

: disappointed ba kayo sa akin?

Seen by everyone

: mahal niya talaga.

: pero tuloy pa rin
ang plano.

Delivered

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon