Chapter 49

2 0 0
                                    

OPERATION: Comeback of CyJy group chat

FRI AT 12:00 AM

: hii

: medyo nagising na ako.

: mukhang mali yata ginawa ko

: huling chat ni Cyrus sa akin ay noong Monday.

: sabi niya, lumala away nilang dalawa.

: mawawalan na raw siya ng karapatan sa baby nila kasi may law ng involve.

: ginawa iyon ng family ni Shiela.

: Chinese pala family ni Shiela kaya mayaman.

: hindi na rin daw magta-trabaho si Cyrus sa company natin, babs.

: maghahanap na
lang siya ng mas malapit sa place niya para hindi hassle.

: at para lumayo na
rin sa akin panigurado.

: gusto na niyang
bawasan interaction naming dalawa.

: kanina, online siya
pero di na nag-chat.

: nag-chat ako
kanina pa pero hindi niya pinansin. Nag-mark as delivered lang.

: alam kong mali ako.

: sorry.

: hindi ko naman
alam na hindi na pala siya single.

: kung maaga
ko lang nalaman, baka hindi ko na tinuloy ang plano.

: pero iyong pangako niya kasi.

: akala ko walang hanggan iyong pangako niya, pero may hangganan pala.

: ako lang umasa sa pangakong iyon

: tama nga kayong dalawa.

: sana nakinig na lang agad ako sa inyo.

: sana hindi na ako nagmatigas.

: edi sana hindi ganito relasyon nila ni Shiela ngayon.

: pumunta rin pala
ako kagabi sa apartment niya.

: hindi niya ako
pinagbuksan ng pinto.

: gabi-gabi siyang lasing.

: pinagalitan pa siya noong kapit-bahay niya.

: natulog ako sa hotel na malapit sa apartment niya. Four days na ako rito.

: bukas, uuwi na ako sa apartment ko.

: para akong
tanga sa kaaasa.

: alam kong marami
kayong sermon sa aking dalawa, pero puwede bang huwag muna?

: save n'yo muna
lahat para isang bagsakan kong maririnig sermon ninyo.

: sorry sa lahat.

: salamat sa support.

: pansinin n'yo na sana ako.

: hindi buo araw ko na hindi kayo nakakausap.

: babs?

: mare?

: okii. Madaling araw na pala.

: I'm gonna sleep.

: sana paggising ko, okay na tayong tatlo.

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon