Book 1 End

118 8 8
                                    

Hindi kami nagtagal sa Mid Zone dahil kahit na gusto ko pang marinig ang pagsusuporta ng mga Zeff na taga-ibang Zones ay hindi na kakayanin ng pandinig ko at ng mga taga-Zone 3 na nakakarinig nito.

Hindi rin mawala ang mga ngiti sa mga labi namin ni Zion nang makaalis kami. Iba pala ang pakiramdam kapag maraming tao ang sumusuporta sa'yo.

Nawala lang ang mga ngiti namin nang biglang nagpakita sa harap namin ang isang miyembro ng pamilya namin pero kahit kailan ay hindi ko tatawaging lolo.

Maliban sa ilang puting buhok ay walang nagbago sa kanya, nandoon pa rin ang maotridad na hangin sa paligid niya at hindi ko pa rin magawang matakot kahit na narinig ko ang ilang mga taong tumakbo paalis dahil sa takot sa Leader ng Zone 6.

"Nagkita na kayo ni Almira?" Unang sabi niya sa akin, hindi man lang bumati. Lumipat ang tingin ko mula kay Adrien at tinaasan ng kilay ang lalaking kasama niya rin dati, kung hindi ako nagkakamali ay Lucas ang pangalan niya.

"You're a little bunny amidst a pack of wolves. They'll eat you alive here." Sinubukan niya akong takutin. Nagtiningan kami ni Zion at pasimple akong tumingin sa panga niya dahil nandito ang peklat niya na nanggaling sa Zone 5.

"As if you weren't doing that both figuratively and literally already," pranka kong sabi. Narinig ko ang ilang pagsinghap ng mga tao sa sinabi ko at ilang bulungan na rin na nagsasabi ng iba-ibang versin ng sinabi ko.

"How dare you disrespect a Leader?" Akmang lalapitan na ako ni Lucas pero pumaharap si Zion at malamig na tinignan si Lucas.

Alam kong hindi Associate ni Adrien si Lucas dahil lalaki siya at kailangan na opposite sex ang mga Associate sa mga Proxime at Leader na pinagtutungkulan nila. Pero dahil sa interaksiyon ni Zion at Lucas ay parang naglalaban ang dalawang Associates.

"May tanong ako, Adrien," sabi ko habang nagsasamaan ng tingin sina Zion at Lucas sa harap naming dalawa.

"Anak mo ba talaga si Mama?" Nawala ang malaking ngisi sa labi niya na parang na-offend siya sa sinabi ko. Napansin ko ang pag-igting ng mga panga niya bago ako sinagot.

"Ganyan ka ba pinalaki ni Almira? That's disrespect not just to me but to her mother as well." Kung nandito lang si Mama, panigurado ako na masusuka siya kapag narinig niya 'to.

"Nagtatanong lang. Just making sure if we're really related because I don't like being related to a soulless monster."

"If you want to compete with people who has years of experience, your greatest fear shouldn't be the fact that you're my granddaughter." Tinaasan ko siya ng kilay at nakakrus pa ang mga kamay na tumugon sa kanya.

"Years of experience? Experience of what? Corruption? Abuse of power? Manslaughter? Cannibalism?" Hindi siya nagpatinag sa mga sinabi ko, sa halip ay ngumisi pa nga siya na parang hindi lang siya naiinis kanina.

Sinubukan kong panatilihin ang ekspresyon ko at tahimik na humiling na sana hindi niya nakita ang paglunok ko nang ngumisi siya. Ayaw man aminin ni Mama pero halatang-halata kung saan niya nakuha ang paraan ng pagngisi niya kapag pinapamukha niya sa akin na may mali akong nagawa.

Nakita ko ang litrato ng mama ni Mama at hindi mapagkakaila na magkamukha sila pero ngayong kaharap ko si Adrien ay hindi mawala sa isip ko ang pagkapareha nila ni Mama.

"You'll see. I'll be watching your every move and laugh at every mistake you make and make sure that Almira regrets her decision to put a little bunny in position. Do you think just because you have the people's interest now, you'll be all-powerful? Just a reminder that the people you're trying to protect don't know anything, and when you try to educate them, they'll be the ones watching closely and criticising you."

The Grim CovenantWhere stories live. Discover now