XXVIII

61 0 1
                                    

Dahil pumayag na ako na maging Proxime ang dami na nilang pinapagawa sa akin. Noong nagtatago pa ako nakagawian kong hindi matulog nang matagal dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pero iba ang sitwasyon ngayon, alam kong ligtas ako dahil kasama ko si Mama pero hindi ko pa rin magawang matulog nang matagal.

Bilib na ako sa sarili ko dahil inaral ko ang Markov tongues at tinulungan naman ako ni Louise doon pero ramdam ko ang pressure dahil hindi ko na kilala ang mga taong nagtuturo sa akin ngayon.

Ilang makakapal na libro ang pinapabasa ng limang teacher ko at kailangan may sagot ako sa lahat ng mga tanong nila, kahit na mali, basta may sagot, dahil ayon sa kanila, mas maganda ang maling sagot kesa sabihin na wala kang alam.

Iba-iba ang tinuturo nila sa akin. Tinuturo nila kung paano mag-isip ang mga tao at ang pinagkakaiba ng pag-iisip base sa na-manifest na ability. Kunwari, para sa mga taong mutated sense of sight ang ability, madalas nilang iniisip kung ano ang nakikita nila dahil ito ang dominant sa senses nila.

Tinuturo din sa akin ang mga posibleng mangyari base sa mga nagawa, ginagawa, at gagawin ng mga tao. May apat na makakapal na libro silang pinapabasa sa akin na tungkol lang dito.

Buti na lang nagpapahinga rin kami kahit na hindi namin dinig ang bell ng Plaza na nagiging pahinga ko na rin mula sa madugong pag-aaral na 'to.

Pero sa lahat ng pinag-aaralan ko, ang pag-aaral ko kasama si Mama ang pinakaaabangan ko. Si Mama ang nagtuturo sa akin kung paano ko magagamit nang maayos ang mutated hearing at agility ko.

Nasa ilalim na kami pero may mas ilalalim pa pala 'to at kasing lawak nito ang sementeryo na tinawag ni Mama na practice site. Kahit na malalim na may ilaw pa rin at kitang-kita ko kung saan kami nagpupunta at malamig pa rin.

"Para sa ating mga may mutated hearing, essential na alam natin kung ano ang papakinggan natin para hindi kalat ang naririnig natin, it's common knowledge for us. I'm quite surprised that you're not deaf yet because you weren't given any training after you manifested." Binaba niya ang isang bag na hindi ko alam kung anong laman nito.

"Alam ko na malayo ang naririnig mo pero hanggang saan?" Hindi ko siya natugunan agad dahil noong huling tinanong 'to sa akin pwersahan akong inoperahan para matanggal ang isang ability na na-manifest ko.

Ang mga sugat na kahit gaanong tagal na nang makuha ko ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon. Napahawak ako sa mga parte kung nasaan ang mga sugat at nagulat nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Vida." Malumanay ang tono ng boses ni Mama nang tawagin niya ako na mabilis na nagpakalma sa akin.

"Ako 'to, wala akong gagawin sa'yo," sabi niya pa na parang kapani-paniwala 'to. Ilang beses akong huminga nang malalim habang hawak-hawak niya pa rin ang balikat ko.

"Naririnig ko 'yung panadero na may tatlong anak na nagtitinda malapit sa market, ang tunog ng pangmasa niya, ang paghinga niya... ang pagtibok ng puso niya," mahinang sagot ko.

"You have the 2nd variation," agad niyang sabi. Ibang-iba sa reaksiyon na inaasahan ko dahil kadalasan nagugulat ang mga tao na malayo ang naririnig ko.

Lumapit siya sa bag na dala niya saka may linabas. Nakita ko ang bag ng earplugs na binigay sa akin ni Zion saka niya 'to hinagis sa akin.

"Alam mo ba na ang earplugs na 'yan ay para sa mga may mutated hearing na may 2nd variation? Where did you get that?" Pinakiramdaman ko ang earplugs sa loob ng bag. Inalala ko noong hindi ako makatulog sa Zone 4 dahil sa ingay pero dahil binigay 'to sa akin ni Zion nagawa kong makatulog kahit papaano.

"Binigay sa akin," sabi ko saka linabas ang earplugs. Pinindot 'to pero hindi gaano dahil mag-iiba ang porma nito.

"Ni Louise?" Umiling ako pero hindi ko sinabi na si Zion ang nagbigay nito sa akin. Ano kaya ang nangyari sa kanya noong iniwan ko siya? Bumalik naman siguro siya sa Zone 4, 'di ba?

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon