I

276 12 4
                                    

Present-day Syv

Ilang beses akong huminga nang malalim at dinamdam ang malamig na hangin sa tuktok ng puno na inakyat ko. Aakyatin ko pa sana 'to kung hindi lang manipis ang sanga nito kaya nakuntento na ako sa taas na naakyat ko.

Nasa pinakamataas at pinakamatandang puno na ako pero hindi ko pa rin makita ang tuktok ng mataas na pader na nakapalibot sa buong Zone 3. Tumiklay pa ako na parang may maitutulong ba 'to pero wala pa rin akong makita. Minsan kong pinangarap na makita kung ano ang nasa labas ng matataas na pader ng Syv, ang bansa kung saan kami nakatira.

"Mahuhulog ka diyan, Vida," narinig ko ang pamilyar na boses ng kaibigan kong si Iago. Tumingin ako sa baba at suot niya pa ang puting uniporme ng school nila. Gulong-gulo na ang buhok niya at linuwagan pa ang suot niyang necktie.

Pabagsak siyang umupo sa paanan ng puno at tuluyan nang inalis ang necktie para tanggalin ang ilang butones ng uniporme niya. Tumingin ako sa direksiyon ng University III—ang school ni Iago—at palabas na ang karamihan ng mga estudyante. Mga estudyanteng nakasuot ng unipormeng kayang bayaran ang dalawang buwan naming gastusin.

Ang mga descendant ng mga Founder ng Syv o Markov lang ang pwedeng pumasok sa mga school o university at isa ang pamilya ni Iago sa pitong mga Markov sa Zone 3. Nitze ang tawag sa mga mayayaman na hindi descendant ng mga Founder. Zeff naman ang tawag sa mga katulad ng pamilya ko na walang relasyon sa mga Founder at hirap sa buhay.

Nagkakilala kami ni Iago dahil dati kaming Nitze at nakapag-aral ako sa University III pero nawala na parang bula ang pera namin kaya nandito kami sa sitwasyon na 'to. Pero kahit na may mga ganitong social class ay pare-pareho pa rin kami ng suot-suot na arm band at ito lang ang bungod-tanging meron ang mga Markov at Nitze na meron din kaming mga Zeff.

"Vida, bumaba ka na," istriktong sabi ulit ni Iago. Hindi ko siya sinunod hanggang sa maramdaman ko ang paglakas ng hangin sa taas. Nang makita niya akong bumababa ay pinatong niya ang mamahaling blazer ng uniform niya sa damo.

"Umupo ka dito, medyo basa 'yung damo," aniya saka tinapik ang blazer niya. Sinabi niyang basa ang damo pero siya mismo nakaupo sa damo. Tinanggal ko ang blazer na linatag niya at umupo sa tabi niya bago ko tiniklop ang blazer niya. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at naglabas na lang ng libro.

Sinubukan kong basahin ang nasa bookcover ng binabasa niya pero masyadong komplikado ang mga salitang nandoon kaya tinabihan ko na lang siya at tinignan kung may mababasa ako sa mismong libro pero mas komplikado pa pala ang linalaman nito.

"Tungkol 'to sa buhay ng Founder ng Zone 3." Napansin siguro ni Iago na gusto kong malaman kung tungkol saan ang binabasa niya.

"Hindi ba tinuturo sa inyo 'yan? Bakit binabasa mo pa?" Binuklat niya sa pinakaunang parte ang libro at tinuro ang ilang mga salita na naiintindihan ko. Nang ilapit niya ang hintuturo niya sa labi niya ay naintidihan ko na dapat hindi ko ito basahin nang malakas dahil marami ang makakarinig sa amin. Ito rin ang dahilan kung bakit kami nagkikita tuwing pagkatapos ng school niya.

Dahil sa mutation na ginawa ng Founders ilang daang taon na ang lumipas, nagbago ang genes ng mga taong nakatira sa Syv, ang bansa kung saan kami nakatira. Nahati sa pitong factions Syv at tinawag ang mga 'to na Zones. Dito sa Zone 3 nakatira ang mga taong mayroong mutated hearing, maski ang mahinang bulong ay may makakarinig dahil sa sobrang talas ng pandinig ng mga tao. Kaya kung may mga bagay na gustong itago ang mga taga-Zone 3 ay nagsusulat kami, gaya ng ginagawa namin ni Iago.

Ang problema lang dito ay ang mga Markov at Nitze lang ang marunong magbasa at magsulat, ang mga Zeff ay napwe-pwersahan talaga na magsalita. Dahil hindi ako nagtagal sa school ay hindi ako natutong magsulat, pero nakaisip kami ni Iago ng paraan para makapag-usap na kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.

The Grim CovenantWhere stories live. Discover now