Chapter 2 --- Unforgettable and Unforgivable Memories

285 37 19
                                    

Flashback

“ Okey! Mga bata, may bago kayong classmate”

Pag kasabi noon ng bago kong teacher, sinenyasan nya ako na pumasok na sa loob ng classroom na agad ko namang ginawa.

“I want you to meet your new classmate ‘Eunice Ivy Gamboa’ say Hi to her..”

“Hello!!”

Sabi nung mga classmate ko sabay kaway sa akin.. nginitian ko naman silang lahat.

“Okey, Ivy pwede ka ng ma upo doon sa tabi noong batang walang katabi sa upuan..”

Tinuro na ni Teacher Angel ang bago kong upuan.

Umupo naman ako doon nga sa batang walang katabi at mukhang natutulog pa. Kinalabit ko sya para pa usugin ng konti dahil na sakop na nya ang napaka laking space sa upuan naming dalawa, bali yung chair and desk kasi magka dikit tapos mahaba na pang tatluhan pero dalawa lang ang required sa klase na ito.

Bali kinder na ako at bagong pasok. Na huli ako sa klase kasi lumipat kami ng bahay at nahirapan sila Daddy na ayusin ang mga kailangan kong papeles.

“psst.. bata bata pwede umurong ka ng konti ??..”

Sabi ko doon sa batang natutulog habang kinakalabit sya. Napa tingin naman sa akin ang dalawang batang lalaki na nakaupo sa unahan ng u-upuan ko.

“Hala!! Lagot ka!! Bawal gisingin yang si Max!”  sabi nung batang mataba

“Oo nga, lagot ka sa kanya pag nagising yan magagalit yan..”  sabi naman nung mapayat

“ eh u-upo na ako eh..”

Lumapit sa akin si Teacher Angel

“Oh’ Ivy bakit hindi ka pa nau-upo??” tanong nya

“eh kasi po teacher, yung katabi ko po tulog pa”

 Niyug yog ni Teacher Angel yung batang makakatabi ko..Agad naman itong nagising.

“Ano  ta ba! Tita mong natutulog pa ato ehhh!” sabi nya ng nag mamaktol

“Max, pag hindi ka umayos, i-susumbong kita sa Mommy mo!” sabi ni Teacher Angel sa kanya

“Patialam to?? Bleeeeh!! :-P ” sabi nito sabay dila

Napa iling nalang si Teacher Angel sa kanya.. Mukhang spoiled brat, sa isip-isip ko. Napatingin naman sya sa akin.

“At sino ta namang bata batuta ta!??”

Kainis ah!’ nakakainis naman tong bulol na to.. Pero syempre hindi ako nagalit kasi nga bago pa lang ako dito at ito ang first day ko sa school. Kaya magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko, sinabayan pa nitong makakatabi ko na mukhang bully na bulol pa.

Ilang oras na lang naman at susunduin din ako ni Daddy.

“Ano ka ba Max, umayos ka na nga lang ng upo mo para maka upo na rin si Ivy dyan sa tabi mo..”

 Umayos naman sya ng upo nya at naka upo na rin ako sa wakas.

“Ano namang pangalan mo”

Angel's RevengeWhere stories live. Discover now