Kapitulo Uno

21.1K 844 69
                                    


Anniversary

Halina Rio Oracion

Napakagwapo ni Lemuel. Hindi ko nga mapigilang ngumiti habang titig na titig ako sa tv. I am watching him again for the nth time today. Off ko rin sa work, I stayed home even though I need to run errand, I opted to stay home so I can watch Lemuel's different videos. Politician si Lemuel, Mayor siya – he's actually the youngest mayor in this town's history, hindi lang iyon, siya na rin ang sa tingin ko ay pinakamatino sa lahat. In the short span of time that he is in power, ang daming nabago sa lugar na pinamumunuan niya, he straighten up the wrong doings of the past administration and made sure that all the employees will benefit from the decisions he made, hindi lang ang mga empleyado, kundi pati na rin ang mga taong nasasakupan niya.

Lemuel Angelo Arandia is a kind man, so kind that I couldn't help myself but fall in love with him kahit na ang lahat ng ito ay nasa kontrata lamang. I sighed. He smiled on the screen, tapos ay tumawa siya dahil siguro na-amuse siya sa sinabi ng reporter. He looked so sharp and so smart. Sa totoo lang ang sarap – sarap kayakap ni Lemuel, ang bango – bango kasi niya palagi.

"Why are you watching that?" Nagulat ako at napatuwid ng upo nang marinig ko ang boses ni Lemuel. I was so emerged on watching that I didn't even hear him come in. I bit my lower klip, inabot naman niya ang remote ng tv at pinatay agad iyon. I cleared my throat. Para bang naghihintay siya ng isasagot ko kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ah, wala naman, ina-update ko lang iyong sarili ko sa klase ng works and advocacies mo ngayon. Baka kasi tanungin ako sa interview." I gave him another smile. Tumango lang naman si Lemuel, and then he sighed. He, then ruffled my hair. Jusko, iyong tibok ng puso ko ganoon na lang, tuwing mapapalapit siya sa akin ay lumalakas talaga ang tibok ng puso. Kulang na lang mangisay ako kasi ang lapit – lapit niya sa akin.

"Our Lia is such a good wife. Thank you, Lia. I'll make sure to read about your new projects too." Wika niya sa akin. I only nodded. "Did you eat?" He asked me. Full of concern naman ang boses niya. "I can order something for you."

Nagluto ako kanina ng calderetang baboy, it's his favorite, inaasahan ko nga na sabay kaming kakain, but I guess at this point, kumain na siya. Hindi naman kasi niya ako tatanungin kung kumain na ako at magvo-volunteer siyang ibili ako ng something kung may balak siyang sabayan ako.

We've been in this lie for four years now, saulo ko na ang routine ni Lemuel. I should've known na kung hindi siya nakauwi nang maaga kanina, nakakain na siya sa labas kasama ang mga staff niya.

"Thanks, Lemuel, but I'm fine." He only nodded.

"Okay. I'll take a rest now. Maaga pa ako bukas. May meeting ang lahat ng Mayors ng Metro. See you, Lia." Agad niya akong tinalikuran. In fairness naman, mukhang pagod talaga siya. Napabuntong – hininga na lang ako. Mukhang kakain na naman akong mag – isa, at ayokong – ayokong kumakain nang mag-isa. Hindi ko naman pwedeng asahan si Lemuel na sabayan akong kumain sa lahat ng oras, hindi naman niya tungkulin iyon. Mas dapat niyang unahin ang sarili niya at ang trabaho niya.

I went back to watching his speeches and other tv appearances. Sa lahat ng iyon ay sobrang gwapo ni Lemuel. Hindi lang naman kagwapuhan niya ang tinitingnan ko rito, totoong in-update ko ang sarili ko sa mga bagay na ginagawa niya, Mas mabuti nang safe at alam ko kasya matanong ako ng mga reporters tapos wala naman akong maisagot sa kanila.

Tulad ni Lemuel ay isa rin akong public figure. Artista ako. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, pero kilala ako sa industriya, ngunit hindi ko rin naman maitatangging lalo akong nakilala dahil kay Lemuel Arandia.

DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon