SPECIAL CHAPTER 2

494 16 0
                                    

"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko kay Nick. Gusto nya daw muna kasing mag gala bago kami umuwi sa isang araw sa Manila.

"Hmm. . 3? Pag 2 kasi mainit pa tapos babalik tayo ng kahit 6 or 7 mahirap mag pagabi." Sagot nya.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ko at kinuha ang isang bag para sa mga gamit ni Baby Ayi.

"I want to go in Loboc River baby. Maganda daw doon e kahit doon na tayo mag dinner." Ani nya. Loboc River

"Hmm. . Kapag doon tayo pumunta doon lang tayo sa mismong river like mag boboat lang tayo doon. Mag eenjoy kaba doon?" tanong ko. Kasi kapag doon kami pumunta doon lang kami wala kaming iba pang magagalaan. Hindi rin naman kami pwedeng gumala ng gumala sa kung saan saan dahil kay Baby.

"Visit Historical Churches? What do you think?" tumango ako. Pwede narin.

"Say something baby." Ani nya at hinawakan ang braso ko at marahan akong hinila paupo sa tabi nya. "Ano bang gusto mo dito na lang tayo? Wag na tayong lumabas? Pwede pa naman din nating gawin yon kapag medyo malaki na si Baby natin." Dagdag nya. Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya.

"Nag woworry kasi ako para kay Baby mahal. Kung satin okay lang pero yung byahe kasi matagal at malayo. Paano kung umiyak lang sya ng umiyak habang nasa simbahan tayo? Hindi natin maeenjoy. Naiintidihan mo ba ako?" tumayo at inilagay ang tulog na si Ayi sa kuna. Bago tinabihan ulit ako.

"Sige wag na tayong lumabas." Napanguso naman ako dahil doon.

"Pero gusto mong maggala diba?" nakangusong tanong ko. Tumango naman sya.

"Pwede pa naman tayo maggala sa ibang araw pwede pa naman tayong bumalik dito." Sagot nya at pinatakan ako ng halik sa ilong.

"Sorry mahal."

"Ayos lang baby. Wag ka nang mag isip ng kung ano-ano ha? Ayos lang sakin na hindi muna tayo gumala para na din kay Baby." Tumango ako at yinakap sya.

"Iloveyou salamat sa pag intindi sakin mahal." Ani ko. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit na alam kong dalawa naman kami ay nangangamba pa din ako sa mga pwedeng mangyari. Lalo na kapag nasa labas kami.

"Iloveyoutoo, sinabi ko naman sayo na iintindihin kita palagi." Sagot nya. Humiwalay ako at hinalikan sya.

"Pagluto muna lang kami ni Baby. Gutom na ako," pinisil nya ang pisnge ko at tumango.

"Kusina muna ako. Anong gusto mong kainin?" nag isip ako ng pwedeng kainin. Ikaw na lang kaya ang kainin ko?

"Fries, tokwa, egg ball at tyaka rice po." Sagot ko. Tumango sya at hinalikan ulit ako bago nag lakad papalabas. I didn't regret that accept you on my life Nick. You are the best blessing that god gave me.

"MOVIE MARATHON TAYO AFTER MO MAG LUTO MAHAL!" pahabol kong sigaw sakanya. I promise myself that i will care the both of you until my last breath.

"OKAY LOVEYOU!" sigaw nya pabalik. After ng ilang minuto ay nakabalik na sya dala-dala ang mga sinabi kong pagkain. Inilapag nya ang tray, agad akong lumapit doon habang sya naman ay binubuksan ang tv.

"Anong movie?" tanong nya.

"May bago ba?" sabi ko at tuloy sa pagkain ng fries. Sabay kaming napalingon ng biglang umiyak si Ayi sabay kaming lumapit doon. Tinapik tapik ko ang hita nya pero tuloy pa din sya sa pag iyak kaya binuhat na sya ni Nick at ihinele hele. Akala namin ay babalik na ito sa pag tulog ngunit hindi.

Kinuha ko muna sya habang si Nick ay namili ng palabas. Umupo ako doon saming kama at inilapag si Ayi.

"Hmm, gusto mo din bang sumama manood ng movie baby ko?" malambing kong tanong kay Ayi. Nag papihit-pihit naman sya ng higa dahil doon.

"Someone looks excited." Ani ni Nick at tinabihan kami. Pinili nya ang palabas na Red Notice. Umupo si Nick saking tabi kaya sumandal ako sakanya. Habang parehong tag isang binti ang nakaharang sa mag pabilang gilid nya. Nakatingala din ito sa tv at gumagalaw galaw pa minsan ang ulo nito na parang naiintindihan nya ang sinasabi doon sa tv. Kinuha sya ni Nick at isinandal sa dibdib nya habang nakaharap pa din ang tv. Dinampot ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato.

"Ang cute naman ng babies ko," sabi ko at hinalikan sa pisnge si Ayi. Sinunod ko namang halikan si Nick sa labi. Inabot ko ang pagkain at kumain muna paminsan minsan ay sinusubuan ko si Nick ng fries o kaya naman tokwa. Hinuli kong kainin ang egg ball sinusubuan ko lang ng maliit na piraso si Ayi dahil baka hindi sya matunawan kung malaki.

6 months na sya ngayon and still worried pa din ako pag lumalabas kami. Nung unang labas namin ay iyak lang ng iyak si Ayi kaya agad din kaming umuwi. Wala ngayon sila Mama at Papa kaya hindi namin sya maiwan para lumabas. Hindi rin kami kampante na hindi namin sya nakikita.

"What are you thinking baby?" nilingon ko si Nick at umiling.

"Mahal ko kayo," ani ko at yinakap silang dalawa.

"Iloveyou both." Sagot ni Nick at hinalikan ang aking noo.

 
InkOvernight

SexytaryWhere stories live. Discover now