CHAPTER 13

524 16 0
                                    

IYA
 
 
 
Kakatapos lamang namin maligo sa dagat malamig at madilim nadin. Hindi na sumama sila Princess at Amie kaya walo na lamang kami. Ang mga poste lamang ang nag sisilbing ilaw namin papunta sa hotel.
 
“Sana hindi tayo matalo no? Ayokong maparusahan at tyaka sayang yung prize.” Sambit ni Teo habang naglalakad kami pabalik.
 
“If you’re not stupid. We won’t loose.” Maarteng sagot ni Zoey kay Teo. Seryoso namang nilingon ni Teo si Zoe at nilapitan. Nag bend naman sya para mag pantay sila ni Zoey.
 
“If you keep saying that im stupid. I will not hesitate to kiss you Miss Maam. I can prove it to you that im not stupid” Seryosong saad ni Teo kay Zoey. Umirap si Zoey at naunang pumasok sa hotel.
 
“Wow pare englishero kana pala ngayon!" Natatawang saad ni Angelo habang tinapik-tapik ang balikat ni Teo.
 
Tumawa si Teo at sumagot. “Nag google translate ako men. Lagi ba akong inieenglish men.” Sagot ni Teo at umiling iling.
 
Lumingon silang dalawa samin at tyaka nag paalam.

“Una na kami Iya bukas na lang ulit.” Paalam ni Angelo. Tumango naman ako bilang sagot sakanila.
 
“See you tomorrow Isa. . . ko” pahabol na paalam ni Andrew at nagmamadaling maglakad papasok ng hotel.
 
“Fucker.” Galit na bulong ni Aian at iniwan kami. Lumingon ako kay Isa at tinaasan sya ng kilay.
 
“Ikaw ah!” natatawang sabi ko at sinundot-sundot ang kanyang tagiliran.
 
“Iyaaaa.” Natatawang sabi nya at tumakbo papasok ng hotel. Naiwan kaming dalawa ni Nick sa may entrance ng hotel.
 
Nilingon ko sya at nagsalita. “Mauuna na ako ah.” Paalam ko at tyaka tumalikod.
 
“Let’s talk first.” Madiing sambit nya at hinila ako paalis doon.
 
 
Huminto kami doon sa may di kalayuan sa hotel. Nandun kami sa isang rock formation.
 
“Are you mad at me?” malambing na tanong nya. Umiling ako sakanya bilang sagot.
 
“Then bakit hindi mo ako pinapansin?” tanong nya ulit.
 
“Pinapansin naman kita ah!” mabilis na sagot ko sakanya at ibinaling ang paningin ko sa dagat.
 
Bumuntong hininga sya at hinila ako papalapit pa sakanya. Agad kong inilagay ang aking dalawang kamay sakanyang dibdib para mapanatili ang kaunting distansya.
 
“Look at me. Tell me that you’re not mad at me.” Matigas na sabi nya. Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin sakanya.
 
“Bakit mo naman naisip na galit ako sayo?”
 
“You’re not talking to me.”
 
“Nag uusap na tayo ngayon.” Nag iwas ako ng tingin dahil sa kanyang mga mata. Para akong nalulunod sa tuwing tinititigan ko ng matagal ang kanyang mata.
 
“Im sorry about Leslie.” Seryosong saad nya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Leslie? Wala naman akong kilalang Leslie.
 
“The girl from my room. Alam ko pumunta ka doon at sya ang nag bukas sayo ng pinto. She’s not my girlfriend I don’t like her.” Mahabang paliwanag nya.
 
“Hindi mo naman kailangan mag paliwanag sakin.” Sagot ko at kinagat ang ibabang labi ko.
 
Hinawakan nya ang pisnge ko at hinarap ako sakanya. Unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha sakin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Maya-maya ay nagsimula namang gumalaw ang kanyang labi. Ginaya ko ang pag galaw ng kanyang labi at ipinikit ang aking mata.
 

~~~~~~~~~~~~

“Oh Iya san ka galing? Ang tagal mo naman maligo kana baka mag kasakit ka.” Bungad sakin ni Isa ng makapasok ako sa aming kwarto. Tumango naman ako sakanya at kumuha ng damit at pumasok sa cr.
 
Binuksan ko yung shower at tumapat doon. Kinagat ko ang pisnge ko para mapigilan ang pag ngiti dahil sa nangyari kanina.
 
After ng ilang minuto ay natapos nadin ako. Nag bihis muna ako bago ako lumabas ng cr. Naabutan ko si Isa na kausap ang kanyang baby girl.
 
“Iya tara dito daliii!” tawag nya sakin. Lumapit ako sakanya habang nag pupunas ng buhok. Tinapat nya sakin ang cellphone nya at bumungad doon ang kanyang anak.
 
“Hello baby!” masayang bati ko at kumaway.
 
“heyoww poo!” Balik na bati nito.
 
“Tell your name on Tita Iya.” Sabi ni Isa at lumapit sakin at pinahiga ang kanyang cellphone para makita kaming dalawa.
 
“Im Aaliyah Matthew Valdez. Nakatiya sa Maniya!” pagkatapos nyang mag pakilala ay tumalon talon naman ito habang sumisigaw. Natawa kaming dalawa dahil sa ginawa ng anak nya.
 
“Liyah wag kang tumalon baka madulas ka.” Suway nya ngunit nag patuloy pa din ito. Napalingon kaming dalawa ng may kumatok sa pintuan
 
“May inimbita kaba?” tanong ni Isa umiling naman ako sakanya bilang sagot.
 
Inilapag nya ang kanyang cellphone at sabay kaming pumunta sa may pintuan. Pinihit nya ang door knob at bumungad samin si Aian at si Nick na parehong naka tshirt na itim at naka sweat pants.
 
“Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah” tanong ni Isa at pinagkrus ang dalawang braso. Nilingon ko si Nick at tinaasan sya ng kilay.
 
“Ask him. His the one who wants to go here.” Sagot ni Nick at tinuro si Aian. Agad syang nilingon ni Aian at sumagot
 
“Dude!” angal ni Aian.
 
“Pasok na.” simpleng saad ni Isa at nilakihan ang bukas ng pintuan. Tumabi ako para makapasok silang dalawa.
 
“Oh ngayon anong sadya nyong dalawa?” masungit na tanong ni Isa sakanila at pinameywangan
 
“Ah. . .  Eh. . . gusto sana kitang makausap Isa.” Sagot ni Aian
 
“Mommmyyyyyy!!!” agad kaming napatingin na apat sa cellphone ni Isa dahil sa sigaw ni Liyah. Mabilis na kinuha ni Isa ang kanyang cellphone para tignan ang nangyari.
 
“What happen baby?” nag aalalang tanong ni Isa. Lumapit ako sakanya para tignan iyon. Napatakip ako ng bibig ko ng makitang dumudugo ang ilong ng kanyang anak. Agad nyang pinatay ang tawag at dinial ang number ng kanyang Mama.
 
Maya-maya ay sinagot na din ng Mama nya ang tawag. Tumayo ako at nilapitan yung dalawa.
 
“Anong nangyari?” tanong agad ni Aian.
 
“Hindi ko alam. Nakita ko lang yung anak nya na dumudugo yung ilong.” Sagot ko.
 
“Anak? What do you mean na anak?” naguguluhang tanong ni Aian. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang sinabi ko.
 
“Let’s go now. Para makapag pahinga sila 5am start natin bukas.” Singit ni Nick at hinila na paalis si Aian.
 
Nilapitan ko si Isa pagtapos ng tawag.
 
“Kamusta baby mo?” tanong ko.
 
“Okay na daw. Nauntog ata sya kakatalon pag uwi natin ipapacheck up ko agad sya. Ngayon sabi ko kay Mama obserbahan muna si Liyah.” Sagot nya at minahe ang kanyang sintido.
 
Lumapit ako sakanya at hinimas ang kanyang likod. Alas nuwebe na kami ng makatulog kaming dalawa.
 
 

SexytaryWhere stories live. Discover now