CHAPTER 15

494 15 0
                                    

IYA

"Sir you have a meeting with Mr. Valderamos. Susunod naman po ay meeting nyo with the imbestigators about the accident last week. And you have a meeting with the investors together with Sir Aian by 1pm." Ani ko. Tumango-tango lamang si Sir Nick sakin at nagpatuloy sa kaniyang binabasa.

"Kung wala na po kayong ipapagawa babalik na po ako sa opisina ko." Magalang kong sambit at tumalikod.

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla siyang mag salita. Dahan-dahan naman akong humarap sakanya at sumagot.

"Bakit po Sir?" tanong ko at humakbang ng maliliit hanggang sa makarating ako sakaniyang harapan.

"How many meetings I have?" seryosong tanong niya at itinukod ang kanyang kamay sa lamesa at ipinatong ang kanyang mukha roon.

"10meetings sir." Ani ko. Tumaas ang kaniyang kilay

"When is the start?" tanong nya at marahang iniikot ang kanyang swivel chair.

"By 10am Sir until 6pm." Sagot ko. Lumingon sya sa wall clock na nasa gilid nya at bumalik ang tingin sakin.

"9:30. 30minutes before 10am," mahinang bulong. Ngumiti lamang ako at nag hintay ng kanyang susunod na sasabihin.

"Come here Iya." Mabilis na sabi niya. Napakunot ako ng noo

"Saan po Sir?" naguguluhang tanong ko. Tinapik niya ang kanyang hita. Kumibot ang aking labi dahil sa ginawa niya. Why on lap?

"Iya." Malamig nyang tawag. Agad naman akong tumalima at umupo sakanyang lap. "There, good girl." Namamaos na bulong niya at pinalibot ang kanyang dalawang braso saking maliit na bewang.

Namayani ang katahimikan sa buong opisina tunog lang ng aircon at ang aming hininga ang ingay.

"S-sir." Utal-utal na tawag ko. Nagbaba rin ako ng tingin ng hindi sya sumagot at mariing lamang naka tingin sakin.

Tatayo na sana ako ngunit bigla nya ulit paupo sa kaniyang kandungan.

"Dito ka lang sakin, Iya." Namamaos na bulong niya at isiniksik ang kaniyang ulo saking leeg. Nag init ang aking parehong pisnge, kinagat ko ang aking pangibabang labi para maitago ang kilig na nararamdaman.

"S-sir baka bigla pong may pumasok." Mahinang bulong ko sakanya.

"I don't care dito ka lang." mariing sagot niya at nag angat ng tingin. Nagtama ang paningin naming dalawa at ngumisi siya. "You're blushing babe."

"Hindi ah! Mainit lang kaya ganito." Mabilis na sagot ko at umaktong nag papaypay.

"Iya I have two aircon here in my office and its brandnew." Nakangusong sagot niya. Umirap ako at nag iwas ng tingin.

"Don't roll your eyes on me." Malamig na sabi niya. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Why not? Its not bad Ace," seryosong ani ko at nakipag sukatan ng tingin sakanya. Ngumisi ako ng lumambot ang expression ng kaniyang mukha.

"Loser." Nakangising sabi ko sakanya at inirapan siya.

"If you keep doing that. I swear Iya titirik yang mata mo ng tuloy-tuloy sa sarap and let's see who's the loser." Nakangising sambit niya sakin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil sa tingin na binibigay nya sakin.

Nilingon ko ang wall clock at saktong tumapat ito sa alas dyes.

"Oh, sorry you can try next time. It's already time." Tumayo ako at inaayos ang ang kanyang neck tie bago naglakad palabas. Nang makarating ako sa pintuan ay nilingon ko siya. "Better luck next time babe." Mapang akit na sabi ko at kinindatan siya.

SexytaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon