EPILOGUE

554 18 6
                                    

IYA
 

 
"Kamusta anak iyakin ba si Ayi?" Tanong ni Mama. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking tulog na si Ayi at nilagyan ng unan ang mag kabilaang gilid nya. Tyaka nilingon si Mama
 
"Hindi naman ma. Tahimik lang sya lagi iiyak lang kapag nagugutom," sagot ko. At inayos ang hinubad nyang mga damit.
 
"Mabuti naman pala. Kumain ka muna anak habang tulog si Ayick at mag pahinga ka din pag tapos mo." Ani ni Mama. Tumango ako at maingat na nag lakad palabas ng kwarto.
 
Pag dating namin sa kusina ay naka upo na doon sila Papa at si James.
 
"Asan si Kuya?" tanong ko at umupo. Si Mama naman ay isinandok ako ng aking pagkain.
 
"May inaasikaso ang kuya mo bagong project. May kailangan kaba nak? Nandito naman ako at si James," sagot ni Papa.
 
"Wala naman pa," ani ko at humigop ng sabaw ng malunggay. Sabi ni Mama ay maganda daw iyon sakin dahil nag b-breast feed ako. Dalawang linggo pa lang akong nakakaanak at mabuti ay normal delivery iyon.
 
Akala ko ay macecesarean ako dahil sa laki ni Ayi mabuti na lang at kinaya ko. Napansin ko din na tumataba ang aking pangangatawan kahit na nakapanganak na ako. Ayos lang naman daw iyon at nakakatulong din sa breast feed.
 
Payari na ako sa pagkain ng bigla namang umiyak si Ayi kaya mabilis akong tumayo at uminom ng tubig para patahanin ito.
 
"Ma pakiligpit na lang po ng pagkain puntahan ko lang po si Ayi," sabi ko kay Mama at nagmamadaling pumunta sa kwarto. Pagpasok ko ay wala na ang unan sa bawat gilid nya tanggal na din ang gloves na nasa kaniyang kamay. Panay din ang sipa ng kanyang dalawang binti. Agad kong tinaas ang aking damit at itinapat sya saking dibdib. Tumahimik ito at pumikit. Maya-maya ay tulog na ulit hinele-hele ko muna at tyaka ko inilapag.
 
Pinagmasdan ko ang tulog na mukha ng aking anak. Kuhang kuha nya ang kanyang Daddy mula sa makapal na kilay kulay light brown na mata at matangos na ilong. Ang labi nya ay sakin nakuha pati ang kulay ng balat. May dimple din ang pareho nyang pisnge, hindi ko alam kung saan nya nakuha ang dimple nya. Maharan kong ipinag landas ang aking kamay sakanyang maliit nailong, napangiti ako ng tumulis ang kaniyang nguso at kumunot ang kaniyang noo. Mahal na mahal kita Ayi ko.
 
Kinaumagahan ay lumabas kami para mag paaraw. Bumabakas ang kaniyang dimple sa pisnge sa tuwing sya ay naarawan.
 
"Gusto mo bang mag paaraw tayo lagi 'nak?" tanong ko sakanya nag dilat sya ng mata at tinaas ang kamay nya.
 
"Umupo ka dito Iya para hindi ka mangawit." Nilingon ko si Mama at sa tabi nya ay ang isang upuan. Tumango ako at lumapit doon para umupo.
 
"Kamusta nakatulog ba kayo ng maayos kagabi?" tanong ni Mama.
 
"Yes ma hindi naman sya masyadong nag iiyak kapag gabi. Good girl ang baby ko e." sagot ko at nakangiting nilingon si Ayi.
 
"Mabuti kung ganon. Ano bang gusto mong almusal? Paglulutuin natin ang papa mo o kaya naman ay pabibilhin natin sya." Tanong ni Mama. Hmm, parang gusto ko ng sopas at pancake with syrup. Nice!
 
"Sopas ma at tyaka pancake sana meron ba tayo?" tanong ko kay Mama.
 
"Wala, pero papabilhin natin ang papa mo." Ani ni Mama at pumasok sa loob ng bahay. After ng ilang buwan ko doon sa lumang bahay namin ni Mama ay lumipat na kami sa bahay ni Papa mas maganda doon at mas malaki malapit din sa ospital. Maya-maya ay pumasok na din kami ni Ayi dahil masakit na sa balat ang init ng araw. Dumating din si Kuya Art na mukhang antok na antok pa.
 
"Goodmorning Tito!" salubong ko at itinaas ang kamay ni Ayi. Agad namang lumapit samin si Kuya Art at kinuha si Ayi sakin.
 
"Morning nag almusal na ba kayo?" tanong ni Kuya habang hawak si Ayi.
 
"Namimili pa sila Papa si James tulog pa." sagot ko.
 
"Itong baby ko kaya," ani ni Kuya at nag baba ng tingin kay Ayi.
 
"Nako, kuya kakadede lang nyan busog na busog na," sagot ko.
 
"Kamusta yung project na inaasikaso mo Kuya?"
 
"Ayos lang isasama ko sya dito bukas. Maghahanap kami ng lupang pwede naming bilhin para sa project na gagawin namin." Sagot ni Kuya.
 
"Ah, goodluck sa project nyo Kuya. Pogi ba yung partner mo kuya? Single ba?" sunod-sunod na tanong ko. Agad na sumama ang mukha ni Kuya kaya mahina akong napatawa.
 
"Joke lang! Kay Ayi lang ang atensyon ko at wala naman akong balak na." sagot ko.
 
"Mabuti si Ayi na lang muna ang intindihin natin." Seryosong sabi ni Kuya. Maya-maya ay pumasok na sila Mama at Papa dala ang mga pinamili.
 
"Gutom kana ba Iya?" tanong ni Mama.
 
"Hindi pa naman ma," sagot ko. Tumango si Mama at bumalingg kay Kuya.
 
"Art matulog kana muna mukhang zombie kana," ani ni Mama at mahinang tumawa. Sumibangot si Kuya at inabot sakin si Ayi.
 
"Grabe ka naman ma! Ang gwapo ko pa din kaya kahit kulang ako sa tulog." Ani ni Kuya.
 
"Antok lang yan anak," ani ni Mama at pumunta ng kusina.
 
"Bye kuya," sabi ko kay Kuya. Tumango sya at naglakad paakyat papunta sa kwarto nya kami naman ay pumunta sa kwarto namin sa baba. Inilapag ko muna ang tulog na si Ayi doon at humiga sakanyang tabi.
 
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising na lang ako ni Mama para sabihing luto na ang sopas. Tinignan ko ang katabi ko tulog padin ito at naka tagilid. Tinapik-tapik ko ito at tyaka marahang bumangon. Nakahanda na ang pancake at sopas ako na lang ang kulang. Pagkaupo ko ay nagsimula na akong kumain umupo na din sila Mama para kumain. Wala si Kuya Art dahil paniguradong tulog pa iyon.
 
Kinagabihan ay pana'y ang iyak ni Ayi ayaw ding dumede. Sa tuwing binababa ko ay nagigising sya at pumapalahaw ng iyak. Tumayo ako at hinele hele sya pumasok na din si Mama nag salitan kami sa pag hele kay Ayi bandang alas dose ay tumigil na ito sa pag iyak. Nag paalam na din si Mama na matutulog na dahil antok na daw sya. Marahan kong inilapag si Ayi at thank god dahil hindi na ito umiyak at nahiga na din ako at natulog.
 
Kinaumagahan ay alas otso na ako nagising balak ko sanang mag paaraw kami ngunit bumungad ang makulimlim na kulay ng langit kaya hindi na kami tumuloy. Nasa sala lang kami at nanood hanggang sa mag tanghali ay madilim pa din. Pagdating ng alas tres ay nag simula ng umulan kaming apat lang ang nasa bahay. Wala pa si Kuya Art. Maya-maya ay nag flash report ang 24oras na may bagyo daw. Tinawagan agad ni Mama ni Kuya Art at mabilis na pinauwi.
 
Palakas ng palakas ang ulan at after ng isang oras ay dumating na din si Kuya Art basa sya sa ulan ng pumasok sya. Agad syang inabutan ni Mama ng tuwalya. Kasunod nya namang pumasok ang pamilyar na bulto ng lalaki. Kumurap kurap ako at kinusot ang aking mata pagharap nito ay nanlaki ang aking mata at napaawang ang aking bibig. Nick! Shit!
 
"James kumuha kapa ng isang tuwalya basa ang kasama ng kuya mo." Ani ni Mama agad namang tumango si James at nanguha ng tuwalya at inabot iyon kay Nick. Ramdam ko ang mariing titig nya sakin na kung nakakamatay ay kanina pa ako bumulagta dito. Bumaba ang tingin nya kay Ayi. Shit! Agad akong tumalikod at naglakad papasok saming kwarto. Inilapag ko doon si Ayi at hindi pa ding makapaniwala sa nakita.
 
Shit! Nick is here! His freaking here! Agad kong dinampot ang aking cellphone at tinawagan si Isa pero hindi sya sumasagot. Inilapag ko ang aking cellphone ay umupo sa kama at tinignan si Ayi. Isang tingin pa lang ay mahahalata agad na sya ang ama ni Ayi. What should I do?
 
Pagdating ng gabi ay nag padala na lang ako ng pagkain sa kwarto. Si James ang nag dala noon.
 
"James nandyan paba ang kaibigan ng Kuya mo?" tanong ko sakanya.
 
"Nandyan pa ate dito daw mag iistay kasi malakas ang ulan." Sagot nya.
 
"HA?!BAKIT DITO?!" nagulat naman si James sa bigla kong pagsigaw sakanya. Ikinalma ko ang sarili ko at nag salita ulit.
 
"Anong ginagawa nila?"
 
"Kinakausap sya ni Papa pati ni Mama ate. Masama ang tingin ni Mama at Papa sakanya ganun na din si Kuya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun sila sakanya bisita sya diba at tyaka partner ni Kuya." Naguguluhang sabi ni James. Shit! They know!
 
"Sige James salamat kumain kana balikan mo na lang ako pagtapos ka nang kumain," sagot ko. Tumango sya at lumabas ng kwarto. Wala ako sa sariling kumain. Bakit nandito sya? Alam nya ba na kapatid ko si Kuya Art? Naputol ang pag iisip ko ng umiyak si Ayi, agad ko syang tinabihan at pinadede maya-maya ay tumahimik na din sya at natulog. Hinalikan ko ang noo nya.
 
Naramdaman kong bumukas ang pintuan sa isip kong si James yon at nanatili lang ako sa kama.
 
"James nandyan yung pinagkainan ko. Paki timpla na din ako ng gatas." Ani ko habang hindi tinatanggal ang tingin kay Ayi.
 
"My b-baby," agad akong napalingon at nakita ko ang naluluhang si Nick habang nakatitig kay Ayi.
 
"Anong ginagawa mo dito? Sinong nag papasok sayo dito? Bakit ka nandito?" sunod-sunod na tanong ko. Agad akong bumangon at tinakpan si Ayi mula sakanyang tingin.
 
"Let's talk. I won't take a no for answer." Malamig na sagot nya. Pumasok si Mama at sinenyasan akong mag usap kami sa labas. Nilingon ko si Nick at tumango sakanya. Nauna syang lumabas.
 
Lumapit si Mama sakin at bumulong. "We already talk to him. You should to don't worry about Ayi." Ani ni Mama. Tumango ako at sumunod sakanya.
 
Nang nasa kusina na kami ay hinarap nya ako.
 
"Anong pag uusapan natin?" panimula ko.
 
"When did you know?" tanong nya.
 
"Know? What?" kunot noong tanong ko sakanya. Mariin syang pumikit na parang nahihirapang mag patuloy.
 
"Nabuntis ka? Kailan?" nahihirapang tanong nya. Tinignan ko sya sa mata na sana hindi kona lang ginawa. Bakas doon ang sakit.
 
"Nuong araw na pauwi kana." Mahinang sagot ko at nag iwas ng tingin.
 
"Bakit hindi mo ko hinintay?" mahinang boses na tanong nya.
 
"Bakit kita hihintayin? Ano ba tayo? Wala naman diba," ani ko. Tumingala sya at tyaka tinignan ako.
 
"Natakot ako Iya, natakot akong sagutin yung tanong mo. Hindi ko alam kung pano ka sasagutin kasi hindi kona din maintindihan. Ang alam ko lang ay mababaliw ako kapag nawala ka at nawala ka nga. I want to follow you that night but my mother keep calling me that night. Telling me to go already. They blackmail me na sisirain nila ang kumpanya ng pamilya mo Iya. I can't let that happen Iya pinaghirapan ng pamilya mo yon." Sagot nya. Should I believe him?
 
"Alam ko kung gaano mo kamahal ang pamilya mo at hindi ko din alam kung paano nalaman ng Mommy ko ang tungkol sa kumpanya nyo. And about the engagement its already off. I can't let that happen I only want to marry a girl and that's you. And the fiancè my mom saying we don't want to be engage with each other. She already have someone and I already have you. Im planning to confess on you when I get back pero wala ng ikaw ng makauwi ako." Pagpapatuloy nya at tumalikod habang pinupunasan ang luha nya. Humarap sya at pulang pula ang mata at ilong nya sa pag iyak.
 
"I know sorry won't be enough but I will work hard for you, for us. Kung ayaw mo akong nandito sa bahay nyo maghahanap ako ng pwede kong tuluyan. Tapos pupuntahan ko kayo araw-araw dito. Sorry kung wala ako nung panahong nag hihirap ka sa anak n-natin. Babawi ako sainyo I'll be a good boy and good father." Sabi nya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko.
 
"I didn't do anything stupid while you're away with me. I just work, condo and office. You can ask Aian, Cathy or Isa," agad ko syang sinugod ng yakap at sa dibdib nya umiyak. Mahigpit ang yakap ko sakanya at ganun din sya. Hinahaplos nya ang aking buhok at likod para patahanin. Maya-maya ay tumahan na din ako gumalaw sya para kumuha ng tubig habang nakayapos pa din ako sakanya at ipinainom sakin. Sumunod ay sya naman ang uminom.
 
"I will do anything for us. No one can hurt you and my princess as long as im live I will protect you both. Kayong dalawa lang ang importante sakin. Not the company, not the money, not the perfumes." Ani nya at pinatakan ako ng halik sa noo.
 

Nick Ace Reyes already found his home. ♡

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

SexytaryWhere stories live. Discover now