SPECIAL CHAPTER 1

484 14 0
                                    

Nasa bayan kami ngayon ni Mama para mamili ng mga kulang ko pang gamit para sa panganganak ko. Si James ang taga buhat namin habang si Papa naman ay nasa sasakyan at nag hihintay samin.

"Nak dalawang buwan na lang lalabas na ang baby natin. May naisip kana bang pangalan para sakanya?" Tanong ni Mama. Umiling ako at nag patuloy sa pag pili ng mga damit.

"May balak ka bang ipaalam sa tatay nya?" Nilingon ko si Mama at nag isip.

"Hmm. . . Sa totoo lang mama wala dahil may sarili naman na syang pamilya. Ayokong makihati ang anak ko sa atensyon ng ama nya. Pero kung hahanapin nya ang tatay nya ay ipapakilala ko sya. Karapatan nya pa din namang malaman iyon." Mahaba kong sagot.

"E, ikaw ba anak may balak ka bang mag asawa?" tanong ulit ni Mama. Huminto ako sa pag pili at nag isip ng isasagot. May balak nga ba akong mag asawa?

"Ayoko ma, kaya ko namang buhayin ang anak ko." Tipid na sagot ko. Tumango si Mama at nag patuloy na kami sa pamimili ng damit.

Puro puting kulay ng damit ang pinili namin dahil hindi pa namin alam ang gender ni Baby. Nag paultra sound ako ngunit hindi kita ang gender nya dahil natatakpan iyon. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang maliliit na gloves at ang magagandang bistida na pangbabae.

Hinimas ko ang aking tyan, anak kahit anong mangyari nandito lang si Mama para sayo. Hindi ka iiwan ni Mama kaya sana wag munang hanapin ang Papa mo dahil masaya na sya. Ipinapangako ko sayo na magiging masaya tayo at kahit wala ang Papa mo hindi ko ipaparamdam sayo na may kulang. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko itong sumipa.

"Ma sumipa si Baby!" gulat na sabi ko kay Mama. Agad namang lumingon si Mama at parehong malaki din ang mata.

"Jusko!" ani ni Mama at hinawakan ang tyan ko. Maya-maya ay sumipa ulit ito. "Apo ko," naluluhang sabi ni Mama.

Tinapos na namin ang pamimili ng mga damit para makauwi na dahil mag gagabi narin. Dumaan lang kami sa Mcdo para bumili ng pancake at ng nuggets pag katapos ay dumiretso uwi na. Kaming apat lang ang nandito ngayon sa bahay dahil si Kuya Art ay nasa manila para sa business na iniwan kay Papa.

Puno ng unan ang mag kabilang gilid ng aking inuupuan saking tabi ay si James na tahimik na kumakain at sa passenger seat naman ay si Mama at si Papa ang nag mamaneho.

"Kamusta anak na kumpleto nyo na ba ang gamit na kailangan mo?" tanong ni Papa habang nag dadrive. Si Mama naman ay sinusubuan si Papa ng pagkain.

"Kumpleto na Papa sumisipa na nga ang apo nyo." Masayang sabi ko.

"Aba talaga! Gusto ko ding maramdaman  sipa ng Apo ko!" masayang sabi ni Papa. Sumipa naman agad ang anak ko dahil doon.

"Pa sumipa sya!" ani ko. Lumingon si Papa ngumiti sakin.

"Baby lang kita noon ngayon may baby na ang baby ko. Si James na lang tuloy ang baby ko," ani ni Papa at ngumuso pa.

"Pa hindi na ako baby!" mabilis na sabi ni James. Pinisil ko ang pisnge nya dahilan para sumimangot sya.

"Ate naman!" nakasimangot na reklamo nya.

"Baby kapa din sakin James pakiss nga si Ate," ani ko at ngumuso. Napipilitan naman syang kiniss ako sa pisnge.

Nang makarating kami sa bahay ay si James at Papa ang nagpasok ng aming mga pinamili. Naglinis lang ako ng katawan at humiga na. After ng ilang minuto ay nararamdaman kona ang antok kaya pinatay kona ang ilaw ng aking kwarto at binuksan na lamang ang lamp shade.

Pagdating ng aking kabuwanan ay halos hindi na ako pakilusin nila Mama at Papa. Nandito na din si Kuya Art dahil sya daw ang sasama sakin sa panganganak.

"Kuya baka mahimatay ka doon ah!" natatawang sabi ko sakanya.

"Lah! Tapang atao to," mayabang na sagot nya at may kalakasang tinapik ang dibdib nya.

"Yabang ah!" napangiti ako ng may maisip na kalokohan. Tumayo ako at umaktong nahihirapan.

"Ouch!" daing ko at pasimpleng pinagmasdan si Kuya. Agad syang naalerto at tumayo sakanyang upuan at mabilis na lumapit sakin. "Aray ang sakit!" sigaw ko ulit. Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Kuya kaya hindi ko napigilan ang aking tawa.

Kumunot naman ang noo nya at nag tataka akong nilingon. "It's a prank!" natatawang sabi ko. Agad na sumama ang mukha nya at tumalikod. Natawa ako dahil doon.

Napatingin ako saking binti ng makitang may umaagos na tubig kasabay non ay ang pag hilab ng aking tyan.

"K-kuya," nahihirapang tawag ko. Agad nya akong nilingon at mabilis na lumapit sakin.

"Anong nangyayari?" natatarantang tanong nya. Mariin kong ipinikit ang aking mata at huminga ng malalim.

"Manganganak na ata ako kuya!" mabilis na sagot ko. Lalo syang nataranta dahil doon.

"MAMA PAPA, SI IYA MANGANGANAK NA!!" sigaw nya. Nag mamadaling pumasok si Mama sa kusina habang si James naman ay dumiretso sa kwarto ko para kunin ang gamit.

"Tara na naka ready na ang sasakyan!" humahangos na sabi ni Papa. Nakaalaylay sakin si Kuya at Mama habang marahan akong nag lalakad. Nang makarating kami sa kotse ay agad na pinaadar ni Papa ang sasakyan. 

Pana'y ang kagat ko saking pang ibabang labi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Si Mama naman ay panay ang pisil saking kamay. Pagkarating namin sa ospital ay agad na nag lapitan ang mga doctor at nurses samin. Ihiniga nila ako sa isang stretcher at mabilis na ipinasok emergency room. Tinanggal nila ang pang ibaba ko at may tinignan bago ako hinarap.

"Malapit na si Baby maam, pag sabi ko ng push ire po tayo. Okay?" tumango ako sa sinabi ng doctor.

"Okay 1 2 3 push!" ginawa ko ang sinabi nya. Hingal na hingal ako after ng ilang minuto. Namamawis na din ang aking noo at kamay.

"Push again kaunti pa," ani ng doctor. Tumango ako at umire ulit.

"I can see the baby's head one more long push Maam," huminga ako ng malalim at bumiwelo sa pag ire. Pagod na pagod ako ng matapos pabagsak nadin ang aking parehong mata dahil sa pagod.

"Congratulations Maam it's a baby girl!" huling narinig kong sabi ng doctor bago ako mawalan ng malay.

InkOvernight

SexytaryWhere stories live. Discover now