CHAPTER 17

445 14 0
                                    

IYA


Napasapo ako saking ulo dahil sa sakit. Shit! Hangover.

"Goodmorning tita ganda!" nagdilat ako ng mata at sumalubong sakin ang masayang mukha ni Baby Aliyah.

"Goodmorning baby kong maganda!" bati ko sakanya. Lumapit ito sakin at hinalikan ang aking pisnge.

"Mornin' kiss 'ta!" Masayang sabi nya. Akmang hahalikan ko sya ay bigla nyang tinakpan ang aking bibig ng kaniyang dalawang kamay.

"Brush muna ikaw tita bago ako kiss." Ani nya. Pinisil ko ang pisnge nya at natatawang bumangon at pumunta sa cr para mag hilamos at mag toothbrush. Nang matapos ako ay wala na sya sa kama.

"Morning ang sakit ng ulo ko grabe! Buti na lang at sabado ngayon." Bungad ni Isa nang makapasok ako sa kusina.

"Oo nga." Natatawang sagot ko at dumiretso sa maliit na ref para kumuha ng malamig na tubig.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Isa. Inilapag ko ang baso sa lamesa at sumagot.

"Hmm. . . Siguro? Oo? Baka? Hindi ko alam." Naguguluhang sagot ko. "Kasalanan ko din naman masyado akong nadala ng mga gesture nya." Dagdag ko.

"Hmm." Tanging sagot ni Isa at bumalik sa pag luluto. Lumapit si Aliyah sakin at yinapos ang aking binti na parang naiintindihan nya ang nararamdaman ko.

Umupo ako para pantayan sya at yinakap sya. Pagtapos ng ilang minuto ay humiwalay sya at tinapik tapik ang likod ko.

"Pwede na ako kiss tita!" hinalikan ko naman ang pisnge nya at ang kaniyang maliit na ilong. "Yehey!" masayang sabi nito at pumalakpak pa. Maya-maya ay naghain na din si Isa ng pagkain.

"Upo na kayo." Agad kaming umupo ni Aliyah. Tinulungan ko pa syang umupo dahil hindi nya abot. Nag kanya kanya kaming sandok ng pagkain. Agad ko nabitawan ang kutsara nang biglang magdasal si Aliyah.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Isa dahil doon. Sinamaan ko lang sya ng tingin at nagdasal.

Pagdating ng hapon ay nanonood lamang kami habang kanya-kanya ang pwesto namin ng higa sa sofa. Si Isa ay nakaupo sa mahabang sofa at nakaunan naman sakanya si Liyah habang naonood at dumedede. Ako naman ay nasa maliit na sofa habang kumakain ng pancake at nanonood ng Bread Barbershop.

"Shit!" agad akong lumingon kay Isa. Lumingon naman sya sakin at pinakita ang isang picture.

"Oh? Anong meron dyan sa picture na yan?" tamad na tanong ko.

"Its Nick and her ex. But I don't think ex ang status ng relationship nila. Congratulations ang naka caption sa post ng Mother ni Nick at yung next picture ay singsing." Nawalan ako ng lakas dahil doon. I saw worry in Isa's eyes but I ignore it at dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto.

Nang maisarado ko yun ay bumuhos agad ang aking mga luha. Para akong tinusok ng milyong-milyong karayom. Sabi nya business trip ang pupuntahan nya ibang business pala ang pinuntahan nya. Kaya pala hindi nya ako masagot dahil may fiancee sya. Mapakla akong natawa. Tangina ang sakit sakit alam kong hindi dapat akong umakto ng ganito pero hindi ko kaya.

Para saan yung mga kilos nya na ganun? Concern? Putanginang concern nyan! Ang sakit naman ng concern nya. Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip.

ISA

Marahan kong tinulak ang pintuan ng kwarto ni Iya. Mahimbing syang natutulog bakas din sakanyang mukha ang luhang natuyo roon. At ang malungkot na ekspresyon sakaniyang mukha. Pinagluto ko muna sya ng pag kain bago kami umalis ni Liyah para umuwi.

SexytaryWhere stories live. Discover now