"Fuck! Who the hell did this!?" Galit na tanong ni Triv habang inilibot ang tingin sa buong hideout.




"Ba't samin ka nagtatanong, magkasama tayong lima kanina Triv bro." Pamimilosopo ni Tim sa kapatid.



Lumapit si Triv sa table at may kinuhang papel do'n, biglang nangunot ang noo niya at nilukot ang papel at tinapon sa kong saan. Kinuha naman ni Tom ang papel kaya lumapit din kami sakaniya para basahin kong anong nakasulat.



'You guys are so childish. Clean the mess, assholes.'



Napangisi naman ako dahil sa ugali ni Nerd, hindi nagpapatalo. Nilinis nga namin ang kalat na ginawa ni Alliana at sinimulan namin sa pagwalis ng mga kalat sa sahig.



"Tae ba'to?" Tanong ni Tim na nakatingin sa sofa na may dumi.



Napatakip ako sa ilong ko nang lumapit ako do'n, "Amoy palang Tim, tae na."




Nilingon ko naman si Triv at nakakuyom ang kamao niya na nakatingin sa kawalan, halatang galit. Ang ganda ng larong 'to, hahahaha.



Nakalimutan ko nga palang ipakilala ang sarili ko. I'm Calix Knight, 18 years old at may kambal ako si Felix pero mas gwapo naman ako sakaniya kahit pareho kami ng mukha. Hanep diba? Ano paba? *Isip* *isip* ahh, magaling din akong kumanta. Kaibigan ko ang Hyun brothers at sabi nila may kapatid daw silang babae, hindi ko pa namemeet 'yon. 'Yon lang siguro?



Pinalitan din namin ang sofa ng cover at nag spray sa buong paligid, umaalingasaw parin kasi ang amoy ng tae. Pa'no kaya niya nagawang ibuhos ang tae na'yon? Kadiri.



"Anong balak mong gawin, Triv?" Tanong ko.



"Kung anong ginagawa natin, 'yon din ang gawin natin sakaniya."



"Pero bro, hindi nagpapatalo ang Nerd na'yon."



Triv smirked, "We will see about that."



Tatiana(Alliana) PoV



"Thanks for the help, guys." Sabi ko nang makapasok sa dorm namin at dumiritso na sa kwarto ko para maligo.



'Wag na kayong magtanong kong saan namin nakuha ang tae na ginamit namin para ilagay do'n sa tambayan nila, it disgust me. Tiniis ko talaga ang amoy para lang makaganti sa limang 'yon, I wonder paano nila lilinisin 'yon. Ang baho, e'.



Hindi na ako nagsuot ng disguise ko dahil alam naman ng dalawang 'yon ang totoo kong itsura. Naka tshirt at short lang ako since tapos naman ang klase, binasura ko narin ang palda ko na napunit dahil sa kagagawan nila Kuya.



For sure bukas na bukas panibagong trip nanaman 'yan, tsk. Kinuha ko ang cellphone ko nang biglang may tumawag.



~Kuya Triv Calling~


Agad ko namang sinagot ang tawag ni Kuya, "Oh?" Bungad ko.



"Hi, sis. How are you?" He asked in a sweet tone.



He's really sweet kaya gulat ako nang malaman na bully ang kumag na'to. Tsk tsk tsk.



" Maganda parin naman, bakit?"



Rinig ko ang mahina niyang tawa, "You're so full of yourself, huh."



"Nah, It's a fact kuya. What's the reason of the call?"



"I just missed you. How's school?"



"Enjoy naman, hehehe."



Nag eenjoy ako sa laro natin.



The Girl In All Boys SchoolDonde viven las historias. Descúbrelo ahora