"I'm not a good drinker, you know. Ikaw, if you can hold your alcohol tolerance, drink, celebration natin to for our project's success, diba?" Joellen said.

"I know." I simply answered.

Pinanood lang namin ang mga tao sa baba mula sa malaking glass window sa right side ng kwarto. Habang panay kwentohan naman yung mga kasama namin at tahimik lang akong nakikinig.

Ilang sandali pa ay dumating na ang drinks dahilan para maghiyawan ang mga kasama ko.

"Shein! Elle! Come, come, what drinks do you like?" Alexus na super energetic.

"I'll go with this one." Joellen said at inabot ang isang bottle nang hindi ko makita kung ano dahil naka talikod siya sakin.

"How bout you Shein?" Alexus asked again habang may hawak na mga alcoholic drinks.

"Any-"

"Anything!" Sabay sabay na sabi nina Luca, Alexus at Martin. Nagtawanan naman sila pagkatapos.

"Tsk." Nagpailing nalang ako at inabot ang inumin.

"Hard yan!" Ice suddenly said at inagaw ang inuming kinuha ko kay Alexus.
"Here!" At binigyan ako ng ladies drink lang!

"Ayoko niyan." Sabi ko at umiwas ng tingin, hindi pinansin ang drink na binibigay niya.

"Ito nalang Shein." Sabi naman ni Alexus at binigyan ako ng 17% alcohol lang.

Ang kj ng mga to ah!

"I told you, I can handle my tolerance." Hindi nga ako malasing-lasing!

Nagiging mainitin nga lang ang ulo ko pag sobrang dami na nang nainom ko.

"Ito Shein, wag kang makinig sa kanila." Natatawang sabi ni Luca at inabot ang isang drink sakin.

Agad ko iyong kinuha bago pa man maagaw ng iba.

"Tsk, seguradohin mo lang hindi ka malalasing." Cian suddenly spoke.

Nanlaki kunti ang mata ako at napangisi.

Wow~ kahit medjo ang angas ng dating nang pagsasalita niya. Na touch naman ako don. Lol!

Hindi ko na sila pinansin at uminom nalang.

Panay kwentohan at usapan lang kami ni Joellen, at minsa'y nakikisabay din sa mga lalaking kasama namin.

Maayos naman makitungo sa inuman itong anim na to. Tahimik at minsan lang mag salita si Ice, while Cian ay nakiki sabay na sa usapan. At si Alexus ang pinaka maingay!

"Whoa~ I'll just go downstairs." Si Alexus na mukang may tama na ay lumabas matapos sabihin iyon.

"Gago talaga, mas nagiging maingay pag madami nang nainom." I heard Martin said.

"Luca." Ice suddenly mentioned Luca's name.

Napatingin naman ako kay Luca nang tumayo siya.

"Excuse me." Nakangiti pa niyang sabi at lumabas ng kwarto.

"What was that?" Joellen suddenly asked.

"Well you see, Luca will try to drag Alexus back in here. Kasi once lumabas si Alexus ay hindi mo na siya mapipigilan sumayaw sa gitna." Natatawang kwento ni Martin.

"Makikipag flirt sa mga babae sa dance floor." Sabi naman ni Eiderson.

"Alexus have a bad habit once he gets drunk. You might see him lively and energetic, sane or drunk but once someone piss him off. Boom!" Martin said.

"Disaster!" Sabay sabay nilang sabi.

Nakita kong napailing nalang si Ice at nilagok ang inumin niya.

"You really seems can hold your tolerance." Cian suddenly said.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now