Kabanata 10

12 1 0
                                    

Kabanata 10 : 'Unregistered Feelings'

Unknown Number? Unregistered Number? Babalik? O hahanapin kita? You choose? Sinong niloko mo? Hindi ko nga kilala kung sino iyan, tas susundin ko gusto niya? Excuse me! Hindi ko siya kilala. Hindi naman magpakilala. Ang lakas pa nang trip. Hindi man lang nahiya.

At saka? Saan ako uuwi? May bahay naman ako. Hindi naman ako homeless! Mukha ba akong nawawala para hanapin niya? Nakakainis, kasi ilang araw na akong nag-iisip kung sino iyan? Hindi naman ako makapag reply, dahil nga hindi ko naman iyan kilala. Malay ko ba kung scammer iyan? Pagod na akong maloko.

Kahit nasa loob ako ng opisina ko, hindi padin ako mapakali. Mabuti na lang at marami akong kasama dito sa boutique kaya medjo okay lang kung dito ako sa loob ng opisina muna ako tumambay, at saka minsan lang ito. Kapag bored ako.

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko, nang biglang pumasok sa opisina ko ang aking magaling na sekretarya. Good thing, she's a Filipino. And when I say, Good thing, ibig sabihin non. Pwede ko siyang kausapin ng tagalog. Kapag kami lang.

“Ma'am. May nag-message po sa email ng boutique? Asking for a simple dress para daw po sa magbibinyag niyang anak? Tatanggapin mo po ba?” tanong nito sa akin. Nasa harapan palang siya ng pintuan ng opisina ko at hindi pa nakapasok ng tuluyan ng tanungin niya sa akin iyan. Oo, nagmamadali siya.

“Forward the email address to me. Then, ako na lang sasagot, hah. Salamat” nakangiting sabi ko dito. Tumango naman siya bago umalis, at alam kong bumalik na siya sa pwesto niya. Ganito lang ako makipag-usap sa mga kasama ko dito. Hindi naman kasi ako aangat kung wala ang tulong nila.

Sila na kasi ang kasama ko, simula noong nagsisimula pa lang ako, Hanggang sa nakilala na ang boutique ko sa buong mundo. And I'm happy kasi hanggang ngayon kasama ko padin sila.

——

Mabuti na lamang at hindi makakalimutin ang secretary kong si Hilaria. Dahil kung hindi baka hindi niya agad nagawa ang pinapagawa ko.

Eksakto kasing pagbukas ko ng Laptop ko, may nag pop-up na message, at nakalagay doon ng email address ng kliyente. My eyes widen on what I saw. Nagulat ako at halos hindi makapagsalita.

Ang tagal narin pala simula noong araw na iyon. Sila parin pala ang nagkatuluyan. Kinasal at nagka-anak narin pala sila. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong naluha, habang tumitingin sa screen ng Laptop ko.

Her name.

PhoeroseMontaverde@gmail.com

Hi! It's been a while, Bes! Pero, mas sasaya ako kung mababasa mo ito...... Binyag na nang anak ko, and ikaw! Uuwi rito kasi isa ka sa mga magiging ninang, at ikaw rin po ang gagawa ng damit niya. Thank You! Mwahh.

Rose, and her sweet message. Sa akin lang siya ganito, hindi na ako magtataka ako lang naman nag-iisa niyang kaibigan, at kaisa-isang taong nakakaintindi sa akin.

She's one of a kind.

Naging maganda ang takbo ng buong araw ko, bigla na lamang akong ngumingiti at paminsan-minsan ay tinitignan ang phone ko kung mayroon bang mensaheng dumadating.

But unfortunately the unknown number message me again. Iyon lamang ang tanging numero, ang bumungad sa screen ng phone ko. Ano bang problema niya?

0963*******

Did you already decide? I can book you a plane ticket now? Or should I pick you up with my own private plane? You choose?

Bakit ba ang hilig magpapili ng taong ito?! Baka naman scammer, at kapag nereplyan mo, mahahack lahat ng account ko?

So, I decided not to reply back. Kapal niya, akala niya hindi ko malalaman ang gagawin niya once na nereplyan ko. Of course, I knew.

Block, again!

Pakiramdam ko buong araw ang nasira nang dahil lamang sa mensahe na iyon. Nakalimutan kong may mga maganda nga rin palang nangyari. I don't know what really happened to me, pero itong pakiramdam na para akong kinukulong sa isang seldang hindi ko maintindihan kung para saan? Animo'y, binabalik ako sa nakaraan kung saan pati sarili ko, hindi ko na maintindihan.

Those, unregistered feelings, it feels, strange. At dahil lamang iyon sa isang mensahe, na parang may koneksyon sa isang tao. If this message is a scam, bakit walang kung anong kakaibang link na nakalagay? Bakit parang nang-uutos ang nagmemensahe? At bakit kailangan kong umuwi? Hindi ko naman siya kilala?

Ilang beses na rin nangyari ito, kaya naman kahit ngayon lang malaman ko na kung sino ang nasa likod ng mga mensahe na ito.

Kaya naman ang naiisip ko lang na tao na pwedeng makakatulong sa akin ay wala ng iba kung hindi si Ira.

Of course, my cousin was an agent and a hacker also. Hindi ko alam na ganitong trabaho pala ang pinasok niya. She solved cases, and especially hindi lang basta ganoon ang ginagawa niya. Basta isa daw iyong Organization, at kasali rin daw doon ang Daddy ko.

Kahit papano, natatanggap ko na ang mga bagay-bagay maliban sa lalaking— iyon.

I dialled her number immediately....

“Hello, my dearest cousin? What can I do for you?” iyon ang una niyang bungad sa akin, hindi nga pala siya pumasok sa trabaho niya ngayon. Naka-isang linggong pahinga siya. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero noong mabalitaan niyang uuwi si Reiv— ay agad siyang tumawag sa organisasyon nila at sinabing magbabakasyon muna siya.

Kaya naman, silang dalawa ngayon ang bantay sa mga bata. I have no problem with them naman, kung pagbabantay at pag-aalaga lang sa mga bata. Kayang kaya nila iyon

“Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng number na ito. Lagi na lamang nagpapadala ng message, at hindi ko maintindihan kung para saan. I send you the number.” at agad akong hinanap ang numerong iyon, at binigay sa kanya.

“Okay, I will hang up it now. Itetext ko na lang sa iyo kapag nakuha ko na.” iyon ang huli niyang sinabi bago niya pinatay ang tawag. Mabuti na lamang at pauwi na rin ako.

Sa bahay ko na lang siya tatanungin, tutal andoon din naman siya.

To be Continued



It Wasn't A Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon