Kabanata 7

19 3 1
                                    

Kabanata 7 : ' Truth Behind Lies'

Ang unang pumasok sa isip ko noon? Noong nagising ako sa hospital, 'kumusta ang baby ko?' pero anong nakuha kong sagot, 'wala na po ang baby niyo Ma'am, pinatanggal na po ng asawa niyo ang bata."

Kaya naman akala ko, ganun ang nangyari. Sobrang sakit, hindi ko halos matanggap nong una. At kamuntikan ko siyang isinumpa! Pero, hindi! Wala akong ginawa.

Halos mawalan ako ng katinuan noon! Sino bang hindi? Tinanggal nila ang bata habang tulog ako. Pagkatapos kong marinig lahat kay Ira, hindi ko na tuloy alam kung dapat pa ba akong maniwala?

Na-aksidente ako at nawalan ng anak. Matapos kong tumakas sa mga doktor noon na dumating sa bahay, pero kapalit ng pagtakas ko noon ang pagkawala din ng anak ko.

Ngayon naaalala ko na!

-flashback

"Ipalaglag mo ang batang iyan, Tamara! Alam mo kung sino ang priorities ko! And you know, how much I hate that day!" tinutukoy niya iyong gabing may nangyari sa amin.

"I want you to abort that child! Or else! Ako mismo ang gagawa!" sobra ang takot ko nang araw na iyon. Kaya naman nabuo sa isip ko ang isang plano.

Kunyari ay pumayag ako sa gusto niya. Pero, ang totoo non ay hindi. Nag patulong ako sa taong hinire ni Mom, para bumili ng mga gusto ko. Sa kanya ako nag patulong. Ang plano ko, ay ako mismo ang pupunta doon sa lugar na sinabi ni Harid, kaya lang nag-iba bigla ang ihip ng hangin, at mga doktor na iyon ang mismong pumunta sa bahay.

Abot ang kaba ko at takot nang makita ko iyon, kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa, ay kinuha ko ang susi na ng kotse na pinahanda ko sa hinire na tao ni Mommy.

But things doesn't really goes well that day. Nawalan ng preno ang kotse at iyon ang dahilan ng aksidente na nangyari sa akin.

Ang huli kong na tandaan. Sapo-sapo ko ang aking tsan, at umaasang andon parin siya, matibay ang pagkakakapit!

-_-

Paggising ko nasa hospital na ako, at binalita sa akin ng doktor na naging maayos ang pagtanggal sa bata. Akala mo kung sino siya, na para bang Ayos lang sa kaniya na mayroon siyang batang ipinagkaitang mabuhay!

-end of flashback!

Iyon ang ibang parte ng ala-ala ko na matagal ko nang kinalimutan. Na trauma ako, at nakalimutan ang parteng iyon ng ala-ala ko. Hindi ko kasi kayang bumalik sa araw na iyon, at alalahanin ang nangyari.

May naganap nga palang aksidente. At iyon ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang anak ko!

"Kung ang iniisip mo ay buhay ang anak mo noon, at sapilitang tinanggal sa tsan mo habang tulog ka? Pwes, nagkakamali ka" si Ira ang pumutol sa katahimikan. "Hindi nakaligtas ang bata Tamara. Sorry. Walang nagawa ang doktor para isalba ang buhay ng anak mo. Bukod sa kulang ito sa buwan, masyadong mahina ang kapit ng bata kaya naman nakunan ka. " sabi niya sa akin. Ayaw ko na sanang makinig sa mga sasabihin niya. Kaya lang, kailangan kong marinig ang mga ito, para naman malaman ko kung nagsasabi nga ba siya sakin ng totoo o gawa-gawa niya lang lahat ng ito.

"Paano mo nasabi? Wala ka naman noong araw na iyon? Hindi naman tayo magkakilala noon? Ano pang alam mo, at nalaman mo? Sinabi din ba sayo na, hindi namin kasalanan ni Rose ang pagkamatay ni Iya? Hah?" Isa pa iyo. Paulit ulit akong hinabol ng konsensiya ko kahit sinasabi sakin ni Mommy na wala akong kasalanan.

"Iyon ang kailangan nating malaman Tamara. Hanggang ngayon, wala pading may alam sa nangyari sa babaeng iyon!" sabi niya sa akin. "Iyong tungkol sa aksidente, nalaman ko iyon dahil sa nakalap na impormasyon ng taong pinag-imbestiga ko!" right? Investigation? Bakit ko nga ba hindi naisip iyon? Kaya niyang gawin iyon, dahil kasama niya naman si Dad. Speaking of him!

"Paano nalaman ni Dad ang tungkol dito?" tanong ko sa kaniya. Masyadong komplekado ang sitwasyon noon, at imposibleng may nag kwento sa kaniya, gayong umuwi siya ay eksakto ding pinalayas ako ni Harid sa bahay.

"He always watching you from far Tamara. Tito always find a way to see you. Doon niya nalaman ang lahat. Kaya naman nag-isip siya ng plano, at hanapin ang totoong mga nangyari." paliwanag niya.

Parang ang hirap tanggapin lahat. All this time, gantio ang nangyayari sa likod ko. Akala ko! Buong akala ko, ganun ang mga nangyari. Muntik pa akong nagtanim ng sama ng loob sa mga doktor na iyon, pero ginawa niya lang pala ang trabaho niya bilang isang doktor!

Hindi pala siya ang binayaran ni Harid, para matanggal sa baby ko, kundi tinanggal iyon para malinis ang sinapupunan ko. All this time nagkamali ako.

Nagyong bumalik na ang alaala ko sa parteng iyon ng buhay ko. Hindi na ako mag-iisip pa ng masama sa doktor na iyon. Pero hindi padin maalis sa isip ko na binalak ni Harid na ipatanggal ang anak ko. Kasi iyon ang mas lalong hindi ko matatanggap!

"But it doesn't change the fact na mas pinili pading ipatanggal ni Harid ang baby ko noon kaysa ang hayaan kami-niya itong mabuhay! Kasalanan niya padin iyon! Kasi kung sana, hindi na siya naki-alam pa, hindi sana ako tatakas at ma aksidente at makukunan Ira!" giit ko! Dahil iyon ang nasa isip ko! Galit ako. Naipon lahat ng galit na kinikimkim ko simula noong araw na iyon. Kung paano ako nagdusa? Ngayon, pakiramdam ko gusto ko ng panibagong buhay?

"Hindi mo man lang ba pinag-isipan ng masama iyong lalaking hinire ng Mommy mo? Nabanggit mong siya iyong tumulong sa iyong tumakas di ba?" hindi iyon pumasok sa isip ko. Hindi ko din naman kasi pinag-isipan iyon ng masama. Bakit? Kasi kahit papano siya iyong tumulong sa akin noon? Kaya naman hindi ko siya pinag-isipan ng masama. Umiling ako sa kaniya, kaya naman bumuntong hininga siya, at ang mga salitang binitawan niya ang nagpagulat sa akin.

"Alam kong aksidente iyon, pero kagat ng sabi ko sadya iyon. At ang lalaking tumulong sa iyo ang may kagagawan ng pagkawala ng preno ng kotse, at pagkawala mo ng kontrol, kaya ka na aksidente Tamara." bunyag niya.

Hindi ako makapaniwala. Halos lahat pala ng taong nasa paligid ko, pinagtaksilan at pinaglihiman ako!

To be Continue..


It Wasn't A Pag-ibigWhere stories live. Discover now