Chapter Nine

137K 3.3K 332
                                    

Musika's POV

Alam niyo yung feeling na kanina pa kayo nagtetext ng crush mo at kung anu-ano pang mga nakakatuwang bagay ang pinag-uusapan niyo? Kasalukuyan po kaming nagtetext ng aking iniirog ngayon at nagna-knock knock jokes kami. BWAHAHAHAHAHAHA!

-

Ako: Hahaha ako na nmn! Knock-knock! :3
Siya: Who's there?

Ako: Para mamang taxi!
Siya: Para mamang taxi who?

Ako: I'm your biggest fan i'll follow you until you'll love me! Para mamang taxi! xD

Siya: HAHAHAHAHAHA! Tatawa na ba ako? :3 :p

-

OKAY.

Sobrang saya ko. Di na nga ko makakain kasi nga di ako maka-get over!

Inilapag ko na muna ang phone ko sa kama ko para makakuha ng ice cream sa fridge. Oo. Kakain ako. Di naman pwedeng magutom ako. Masarap kayang mag ice cream lalo na't kausap mo crush mo. Try niyo minsan! Cookies and cream supremacy! Bumaba ako mula sa 3rd floor na kinalalagyan ng kwarto ko hanggang sa makapuntang kusina.

Isa sa mga di kayang iwanan sa mundo? PAGKAIN! Aba, sino ba namang tao ang hindi mabubuhay pag walang pagkain, diba? All living things here on Earth needs food and water! Amarayt? Amayrong? Hehehe!

Ay nako. Ewan ko ba. Nangangati kasi yung dila ko pag di nakakakain eh. Nakasanayan na nga. Actually, chubby lang naman raw ako. Hindi naman yung obese talaga na tulad ng mga naiisip niyo dyan. Hindi ako tulad nung si Hannah sa 200 Pounds Beauty noh.

Tamang-tama nga lang raw yung katabaan ko. Pero syempre napapansin parin ang pagiging mataba. Kumbaga, mas better parin na payat ako sa edad kong 'to. My bellies are bigger than my boobs, I have 2 sets of curves, ganon. HAHAHA!

Umakyat na ako't umupo sa sofa dito sa kwarto ko. Kinuha ko nalang ang laptop ko para makapag-facebook.

"Ay, oo nga pala! Di ko pa pala na-add si Russel." Binuksan ko na ang account ko at saka sinearch ang name niya. Pero--- di ko pala siya pwedeng i-add sa FB. Baka kasi malaman niyang ako pala katext niya all this time. Aica ako para sa kanya, remember?

AT HOTSTUFF! Ang pogi niya sa profile picture niya. Grabe, 21K followers? Ba't kaya siya sumikat?

Asa ka naman, Mika. Di ka magugutusuhan neto. At kung sakaling magustuhan ka man niya sa lagay mong 'yan, iisipin ng mga taong ginayuma mo siya! Magsasabi na naman sila na "love is blind nga talaga noh?" At iba-bash lang kayo especially ikaw! David and Goliath, ganon! Gusto mo 'yon, Musika?

Ini-stalk ko pa ang profile niya at saka nag-save ng pictures. Hahahaha! Oyyyy kala mo naman di niyo rin yan ginagawa!

Ang dami niya namang kasamang girls in every post! Ang gaganda eh. Mga chic. Yung mga tinatawag na peymus sa lugar niyo? Heh.

Kelan kaya kami magkakaron ng pictures na kami lang dalawa tapos with kilig captions pa? Aww. Dream on, Mika. Sa sobrang panlulumo ko e kumain nalang ako nang kumain ng ice cream. Cookies and Cream 'to eh, favorite ko at nakakawala ng badmood!

Saka ko lang naalala na baka nag reply na si Russel.

Agad na kinuha ko ang phone ko sa mesa. Anak ng tukneneng ka Mika! Ikaw nga yung di pa nag reply! Aiish! Baka~

-

Ako: Wuuuyy Russel-kun! Slr. Nag-facebook pa kasi. BTW, Inadd kita—

-

Teka lang..

Pag in-add ko sya using my account, malalaman niyang ako yung nakita niya kanina. Malalaman niyang ako yung Aica! OMG.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon